PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang wins deportation case vs. Lee O’Brian: “Justice served”

Pokwang wins deportation complaint versus Lee O'Brian
by Bernie V. Franco
Published Dec 23, 2023
Pokwang and Lee O'Brian
Pokwang (left) wins in deportation complaint that she filed against former partner Lee O'Brian (right). The Bureau of Immigration has ordered the deportation of Lee, who is also included in the agency's blacklist.
PHOTO/S: @itspokwang27 and @leeobrian on Instagram

“Justice served,” tweet ni Pokwang matapos ipag-utos ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation ng former partner ng host-comedienne, ang American actor na si Lee O’Brian.

Matatandaang nag-file ng deportation case si Pokwang laban kay Lee noong June 2023.

Pokwang tweet

Read: Pokwang files deportation complaint, visa cancellation vs ex-partner Lee O’Brian

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa inilabas na eight-page resolution ng BI nitong December 12, 2023, ipinapa-deport si Lee, na ang buong pangalan ay William Lee O’Brian, ulat ng GMA Integrated News.

Bukod pa rito, kabilang din si Lee sa nasa blacklist ng government agency dahil sa violation ng kanyang work visa, cancellation ng kanyang pre-arranged employment visa, at ang pag-isyu ng Warrant of Deportation laban sa kanya.

Binanggit din sa resolution ang “active involvement in the film, television programs and theatrical industry” ni Lee na paglabag sa terms and conditions ng pananatili niya sa Pilipinas.

Ang reference nito ay ang mga proyektong ginawa ni Lee mula 2016 hanggang 2023.

Samantala, kabilang sa mga reklamo laban kay Lee ay financial abuse, intimidation, at abandonment sa kanilang anak na si Malia.

Sinabi rin ni Pokwang na laging nire-renew ni Lee ang kanyang tourist visa kahit tumatanggap siya ng trabaho sa bansa bilang aktor.

Read:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

POKWANG REACTS TO DEVELOPMENT

Kasunod ng balitang ito, sunud-sunod ang tweet ni Pokwang, tulad ng pagsagot niya sa netizens.

Bagamat may mga masaya sa balitang ito, may mga sumalungat kay Pokwang kasunod ng paglabas ng desisyon ng BI.

Sabi ng isang netizen, sana raw ay inisip muna ni Pokwang ang kanilang anak na mawawalay sa ama.

Pero paninindigan ni Pokwang (published as is): “sana inisip din nya yan bago sya nanggamit ng kapwa mo pinoy tanga!

“sana inisip din nya na ako lang bumuhay sa bata, sana inisip din nya yan bago sya nagpapalipalit ng mga kasamang babae at walang sustento!”

Idiniin ni Pokwang ang alegasyon niyang hindi sinuportahan ni Lee ang kanilang anak.

Sinagot niya ang isang netizen kung ano ang mangyayari sa kanilang anak.

Ani Pokwang (published as is): “Bakit nyo pinoproblema mga bagay na di nyo naman dapat pakialaman? Kahit noong nagsasama kami ako na bumubuhay sa kanya at sa anak namin so ano silbi nya?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang post si Lee ng kanyang reaksiyon sa desisyon ng BI ukol sa kanyang deportation.

Pokwang tweets

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang (left) wins in deportation complaint that she filed against former partner Lee O'Brian (right). The Bureau of Immigration has ordered the deportation of Lee, who is also included in the agency's blacklist.
PHOTO/S: @itspokwang27 and @leeobrian on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results