Nagsampa ng deportation complaint at cancellation of visa si Pokwang laban sa ex-partner nitong si Lee O’Brian ngayong Martes, June 13, 2023.
Isinampa ng Kapuso comedienne ang pinag-isang reklamo niya sa Bureau of Immigration sa Intramuros, Manila.
Nakalagay sa complaint-affidavit ni Pokwang ang titulo ng kanyang reklamo: "IN RE: PETITION FOR CANCELLATION OF WILLIAM LEE O’BRIAN’s VISA and HIS DEPORTATION UNDER SECTIONS 23 AND 37 (A)(7) OF COMMONWEALTH ACT NO. 613, otherwise known as “THE PHILIPPINE IMMIGRATION ACT OF 1940”

Ang nakalagay na petitioner ay ang totoong pangalan ng komedyana: "MARIETTA TAN SUBONG."
Kasama niyang naghain ng reklamo ang kanyang abogadong si Atty. Ralph Calinisan.

Ipinost ni Pokwang sa kanyang Instagram account ang kopya ng kanyang reklamo.
Caption niya, “[praying hands emoji] para sa karapatan ko at ng anak ko, para sa mga kapwa ko babae at sa bayan ko [praying hands emoji]”
View this post on Instagram
POKWANG AND LEE BREAK-UP
Halos dalawang taon nang hiwalay sina Pokwang at Lee, pero noon lamang July 2022 ito naisapubliko.
Read: Pokwang on ex-partner Lee O'Brian: "Feeling ko, hindi niya ako minahal talaga."
Noong February 2022 nang ilantad ni Pokwang na may ibang babae na si Lee.
Read: Pokwang takes swipe at Lee O'Brian's new relationship: "Akala ko ba ako na ang chaka?”
Read: Pokwang drops bomb about ex-partner Lee O’Brian: “May nilalandi na sya.”
Mula noon ay makailang beses pinatutsadahan ni Pokwang ang ex-partner sa sobrang sama ng loob sa breakup nila at sa kawalan nito ng pinansiyal na suporta sa kanilang anak, si Malia O'Brian, 5.
Read: Pokwang on ex-partner Lee O’Brian: “Anim na taon ko na pala siya palamunin.”
Noong March 2, 2023, sinabi ni Pokwang na inaayos na niya ang mga legal na papeles para tanggalin ang apelyido ni Malia na "O'Brian" at isunod na ito sa kanyang surname na "Subong."
Read: Pokwang reveals she wants to change daughter's surname; calls ex-partner Lee O’Brian "user"
Sa huling ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), tila may balak na ituloy ni Pokwang ang pagsasampa ng kaso sa kanyang dating partner.
Ito'y matapos niyang i-post sa Instagram ang kuhang litrato nila nang makipagkita siya kay Atty. Ralph Cainisan, ang nobyo ng TV personality na si Dawn Chang.
Dito rin kapansin-pansin ang makahulugang mensahe ni Pokwang sa kanyang caption.
Aniya, “Thank you atty. @ralph_calinisan [face blowing a kiss, heart emojis] #tuloylanglabanparasakinabukasan
“Hindi ako susuko para sayo anak @malia_obrian kung naitaguyod ko si ate ng mag isa mas lalo ako magsisipag at magiging matapang para sayo at sa inyo ng ate mo [face blowing a kiss, praying hands emojis] #letsdothis”
Read: Pokwang posts photo with lawyer; is she taking legal action against Lee O'Brian?
Noong April 29, may bago muling parunggit si Pokwang kay Lee.
Read: Pokwang not done yet with ex-partner Lee O’Brian: “Wag magpapatalo sa dayo.”
Noong May 8, tinawag ni Pokwang na mga “animal” ang mga walang magawa sa buhay na nakabantay sa bawat post niya sa Instagram.
Read: Pokwang calls naysayers of her posts “mga animal nayan”
Noong May 10, muling tinawag ni Pokwang na "user" si Lee matapos itong maglabas ng pahayag ukol sa kanilang hiwalayan.
Read: Lee O'Brian, binasag na ang katahimikan tungkol sa isyu nila ni Pokwang
Ayon sa Kapuso host, "The design is very plastic and narcissistic hahhahahaha pagmumukhain akong masama. USER TAMA NA HOY!”
Noong May 15, nabaling naman ang atensiyon ni Pokwang sa mga magulang ni Lee na sina Bill at Marilyn O’Brian.
Sinasabi raw umano ng mga itong mahal nila ang kanilang apo ngunit hindi man lang nakaalalang magpadala maski lampin at bigkis kay Malia.
Read: Pokwang takes a swipe at Lee O'Brian's parents for not sending "package" to Malia
