Wala sa isip ng Viva actress na si Rhen Escaño magpa-breast enhancement matapos siyang laitin ng isang body shamer.
Tinawag siyang "flat" ng isang basher noong January ng 2023.
Sabi pa ni Rhen noon sa X (dating Twitter), "E ano kung flat? 2023 na, body shamer ka parin? Para kayong boobs ko. Walang character development.”
Read: Rhen Escaño gets support from Lovi Poe, Chynna Ortaleza after body shamer called her “flat”
Sa kanyang endorsement presscon para sa CC6 Online Casino noong Biyernes, January 19, 2024, na ginanap sa Oriental Palace sa Morato Avenue, Quezon City, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhen kung mananalo siya ng milyon sa lotto, magpaparetoke ba siya ng boobs?
Sagot ng aktres, "Alam niyo po, sa totoo lang, na-realize ko lately na big-boned po kasi ako.
"And malaki akong tingnan kahit yung timbang ko is tama lang dun sa edad ko.
"So, na-realize ko na kapag magpapa-enhance ako, kung mag-a-avail ako ng breast enhancement, hindi siya babagay sa akin.
"Magmumukha akong malaki.
"So, I think di siya makakatulong sa akin, sa appearance, at sa screen.
"And marami rin ako naririnig na hindi pala ganun ka-comfortable yung experience ng ibang tao.
"Last time nga po, eto nga, kuwento ko lang sa inyo na parang ayoko na pala.
"Kasi dapat magpapatanggal po ko ng wisdom tooth last time.
"Tapos nanood po ako ng mga video sa YouTube ko, paano siya ginagawa. Tapos nakita ko po may hinihiwa, may dugo. Hindi ko po kaya.
"So, I guess, hindi ko po kaya magparetoke. Hindi talaga siya for me."
Parang may trauma na rin daw siya dahil nagpa-laser siya ng isang peklat sa pisngi, pero nagka-keloid siya matapos nito.
Pagbabahagi ni Rhen, "Like, I'm keloidal po ako. Dati po ni-laser lang yung dito ko.
"Ayan, kita niyo, keloid. So, pag nagpa-enhance ako, malalaman niyo po.
"Kasi makikita niyo, makikita niyo, magki-keloid din also.
"And sobrang love na love ko po yung sarili ko ngayon. As in, sobrang in-embrace ko siya.
"Parang, I don't know, parang may something sa akin na ngayon hindi ko na masyadong nakikita, na in-embrace ng ibang tao.
"Na kailangan, ika-proud siya.
"So, parang wala naman masama dun. Kung dun po sila masaya, hindi ko sila dyina-judge.
"And sinusuportahan ko nga po yung mga friends ko na nagpa-enhance. As in, sobrang support.
"Pero ako po, like, personally, parang sobrang happy ko po talaga. And full of self-love, kung anong meron ako ngayon.
"So, kapag may mga bashers, yung deadma, as in, okay lang.
"So, flat."
So, okay lang sa kanyang tawaging "flat, flat?"
Sagot ni Rhen, "Oo, flat, at least, di ba? Flat, pero maganda."
Kasama ni Rhen sa kanyang contract singing ang manager niyang veteran showbiz writer at vlogger na si Aster Amoyo at si Jev Frago, ang Marketing Head ng CC6 Online Casino.

ON DEALING WITH BASHERS
Ayon pa kay Rhen, paminsan-minsan ay pumapatol pa rin siya sa bashers lalo na pag below the belt ang atake nito.
"Ako po talaga, pag sobrang below the belt, kapag mayroon talagang ina-attack na, na hindi talaga dapat.
"Yun lang, kasi ako, ang message na gusto ko para sa mga tao, hindi porke't artista yan, at hindi ka namin nakikita, nasa likod ka lang ng phone screen mo, hindi ibig sabihin nun, puwede ka na mag-degrade.
"Puwede mo na, puwede mo nang maliitin yung isang tao, dahil hindi ka nila kilala.
"Ang pagiging artista din, hindi ito parang open door para puwede kaming saktan, puwede kaming... puwede kaming alipustahan.
"Parang, hindi. Para sa akin, hindi dapat ganun.
"Kasi parang nasanay tayo na, 'E, kasi, artista ka, so dapat talaga sinasanay ka. Kasi part talaga yan na malalait ka, or may mga bad comments kang makukuha.'
"Yes, part po yun, pero it doesn't mean na puwede na tayo maging bully online, na puwede na tayo maging masama sa kapwa niya."
Masaya ang pasok ng 2024 para kay Rhen dahil bukod sa bagong endorsement, mas kaabang-abang pa raw ang kanyang role sa teleseryeng Can't Buy Me Love na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
