Ibinunyag ni Pokwang na nasa Pilipinas pa rin ang kanyang estranged partner, ang Amerikanong si Lee O’Brian, kahit may deportation order na ito mula sa Bureau of Immigration (BI).
Sa kanyang Instagram ngayong araw, January 22, 2024, nagbahagi si Pokwang ng short video tungkol sa narcissists.
Mapapanood sa video ang isang lalaking sumagot sa tanong na, "Do narcissists actually love their kids or are they just a way to further control/manipulate their partner."
Sabi ng nasabing vlogger, "Narcissists love their kids.
"Now, you might be like, 'Wait a second, I didn't think they love their kids.'
"Well, because it's about what they give them. A lot of times we talk about narcissists and their connection to kids.
"They don't care about the kids just like they don't care about you, but they love the image that it comes across when they show up with their kids.
"Imagine this, you see like a single dad, like your first thought is like, 'Oh my gosh, he's so loving. He's so caring about his kids.'
"That could be the case if it's a healthy person, or it could be a case with a narcissist, because that's what this channel is about.
"A narcissist actually using the kids to be able to showcase to other people what a great daddy is.
"You need to be able to understand there's some nuances, there's some differences there when we talk about it.
"A lot of times there's this phase, let's talk about like four to 13, where the kids are the best thing ever.
"Then when they start having their own independence and questioning the dad's authority, done with them."
Makahulugang caption ni Pokwang dito: "Hmmmmm??? i tag kona ba? [laughing emojis]"
View this post on Instagram
Komento ng isang netizen, "i-feel you, Mamang. Pero ex ko...yung anak nya sa mistress ang shinoshow off sa social media nya na akala mong doting father pero ang anak nyang legal sa akin never nya na naalalang puntahan at silipin kahit nung nagkasakit yung bata since iniwan nya kami para dun sa babae.
"ni sustento napaka-gulang. isama mo pa dyan na tinotolerate pa ng nanay nya sa mga mali nya. kagigil lang pag naaalala ko sya."
Tugon dito ni Pokwang, "yakap ng mahigpit sa ating mga may pinagdadaanan na ganyan at sa mga naghuhusga ng walang alam sa ating pakiramdam, naway wag nila danasin ang sakit."

Komento ng isa pa, "Mamang kelan kaba hihilom ehe"
Rebelasyon ni Pokwang, nasa bansa pa si Lee dahil mayroon umano itong padrino.
Aniya, "kapag wala na sa lupa ng pinas yan! may padrino daw e teka lang ha! wag ganon! baka ipa tulfo ko sya kapag ganyan!"

Tanong ng isa pa niyang follower, "Hindi pb lumilipad?"
Sagot ni Pokwang, gagawin niya ang lahat at ipaglalaban ang anak nila na si Malia O'Brian.
Aniya, "Oo may padrino pa nga kapal ng mukha!!!!! lahat yan mga yan babalikan ko sila wait lang! ilalaban ko si Malia kahit saan kami makarating"

Umaasa naman ang isang netizen na hindi maapektuhan ang kalusugan ni Pokwang.
Saad nito, "I know I worry about her health and her heart. I hope she doesn’t get sick over this.
Ayon naman kay Pokwang, "yan ang gusto ng mga kakampi nya ang magkasakit ako sa inis para makuha nya si Malia! pwes! nagkakamali sya baka mauna sila sakin bwahahahhaaaaa"

Noong December 12, 2023, ipinag-utos ng Bureau of Immigration ang deportation kay Lee dahil sa isinampang reklamo ni Pokwang sa ahensiya.
Read: Pokwang files deportation complaint, visa cancellation vs ex-partner Lee O’Brian
Bukod pa rito, kabilang din si Lee sa nasa blacklist ng government agency dahil sa violation ng kanyang work visa, cancellation ng kanyang pre-arranged employment visa, at ang pag-isyu ng Warrant of Deportation laban sa kanya.
Read: Pokwang wins deportation case vs. Lee O’Brian: “Justice served”
