Naghayag ng kanyang saloobin si Annabelle Rama kaugnay ng pakikipaglaban ng daughter-in-law niyang si Alexa Gutierrez sa leukemia.
Si Alexa ay misis ng isa sa mga anak nina Annabelle at Eddie Gutierrez na si Elvis Gutierrez.
Sa kanyang Instagram post ngayong gabi ng Martes, January 23, 2024, ibinahagi ni Annabelle ang bagong upload na picture ni Alexa.
Halos kalbo si Alexa at may nakakabit na tubo sa bandang leeg niya.
Sa caption, sinabi ni Annabelle labis siyang naapektuhan sa kalagayan ngayon ng manugang.
Hindi raw siya makapaniwala dahil "ang bait bait mong manugang at sobrang masinop sa asawa at mga anak mo."
Parang tunay na anak na raw ang turing niya kay Alexa mula pa noong magnobya pa lamang sila ni Elvis, hanggang sa magpakasal sila at magkaanak.
Hindi man daw vocal si Annabelle sa kanyang nararamdaman, alam daw ni Alexa kung gaano niya ito kamahal.
Naniniwala rin daw si Annabelle na gagaling si Alexa.
Buong caption ni Annabelle (published as is): “Sorry Alexa ngayun lang ako nag comment sayu kasi sobrang affected ako sa nanyari sayu. Hindi parin ako makapaniwala.
“Kasi ang bait bait mong manugang at sobrang masinop sa asawa at mga anak mo.
“Matagal kang nakatira sa akin, gf/bf palang kayu ni elvis hanggang sa ikasal at magkaanak kayu ay magkasama parin tayu sa bahay kaya para na talaga kitang tunay na anak.
“Alam mong hindi ako vocal sa nararamdaman ko pero alam kong alam mo na mahal kita na parang anak ko na. Kaya alam kong gagaling ka.
"Habang pinapatex ko ito hindi ko mapigilan umiyak. I love you Alexa!
"Don't worry nakalbo ka, para sa akin ikaw ang pinaka magandang kalbo! [hearts emojis]”

Kapansin-pansing wala pang isang oras pagkatapos itong i-post ni Annabelle ay binura na niya ito sa kanyang Instagram feed.
Pero mababasa pa rin ang kanyang buong mensahe sa komento niya sa post ni Alexa.
May idinagdag ditong mensahe si Annabelle: "Lakasan mo ang loob mo. Umiiyak ako everyday dahil hindi ko matanggap na magkasakit ka."

Sa Facebook account ni Annabelle ay makikita rin ang post niyang ito.
Pero dinagdagan niya ito ng P.S. o "postscript."
Aniya, "PS huwag kang mag alala sa mga bata. Nanditu kami ni eddie para subay-bayan ang mga anak mo habang nag papagaling kapa.
"Pinagdasal kita everday at pinagsindihan kita ng kandila sa Sto Nino sa cebu for your fast recovery."
Bago ito, nag-share din si Alexa ng bagong larawan sa kanyang Instagram account.
Sa caption, inamin ni Alexa na naging emosyunal siya habang nakikitang unti-unting nalalagas ang kanyang buhok.
Saad niya, “I was getting emotional seeing all my hair fall in chunks. I was getting mad and wanted to change my emotions quickly.
"We went for it and decided time for the new look. I feel much happier that we did it. Still a bit messy on top since it was spur of the moment thing. Most importantly, @life.of.guti and I love the look.
"Always wanted to try this look but never had the guts.”
View this post on Instagram
Noong January 16, 2024, nanawagan si Ruffa Gutierrez ng dasal para sa kanyang sister-in-law.
Read: Ruffa Gutierrez asks prayers for sister-in-law Alexa Gutierrez's fight against leukemia
