PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

S. Lahbati shares quote; fans link to A. Rama

Check out the quote she just reposted.
by Bernie V. Franco
Published Jan 27, 2024
Sarah Lahbati and Annabelle Rama
"Low-shading of her former in-laws." Netizens are quick to comment that Sarah Lahbati's (left) latest Instagram Story about spending more is throwing shade at mother-in-law Annabelle Rama's previous comment, "yung isa nagwawaldas ng pera."
PHOTO/S: @antheabueno and @annabelleramaig on Instagram

Makahulugan ang quote na ibinahagi ng aktres na si Sarah Lahbati sa kanyang Instagram Story nitong January 26, 2024.

Ang pahaging na ito ni Sarah ay sinasabing may kaugnayan sa naging patutsada sa kanya ng biyenan niyang si Annabelle Rama.

Ang anak ni Annabelle na si Richard Gutierrez ay asawa ni Sarah. Ang bulung-bulungan, hiwalay na raw ang mag-asawa, at mayroon silang hidwaan.

Pero wala pang kumpirmasyon mula sa magkabilang kampo.

Sa IG Story ni Sarah nitong Biyernes, ni-repost niya ang isang satirical quote.

“Ang sama ng pakiramdam ko. Feel ko kailangan kong gumastos,” mababasa sa quote.

Mabilis namang nakuha ng netizens ang konteksto ng quote na ni-reshare ni Sarah.

Matatandaan kasi na noong mga unang linggo ng December 2023, nagpa-interview si Annabelle at nagbitiw ng pahayag tungkol sa isang taong “nagwawaldas ng pera.”

quote

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang binanggit na pangalan si Annabelle, subalit ang pahayag niyang iyon ay tungkol sa usaping hiwalay na ang anak na si Richard kay Sarah.

Sinabi noon ng Gutierrez matriarch na isang buwan nang nakatira sa kanya si Richard, at unti-unti nang lumilipat sa kanilang poder kasama ang dalawang anak nila ni Sarah.

Ipinagtanggol pa ni Annabelle si Richard at halatang pinasaringan si Sarah.

Bahagi ng pahayag noon ni Annabelle: "Mahirap sa kanya kasi unang-una, trabaho siya [Richard] nang trabaho, wala siyang ginawa kundi magtrabaho.

"Pagdating niya sa Manila, hindi niya alam kung bakit nagkaroon ng gulo. Yun lang yun. Maghihintay lang kayo kasi malalaman niyo rin, not now.

"Nakikita mo naman di ba? Nakikita mo naman, hindi mo na kailangang magsalita pa. Nakikita mo na iyan, di ba? Si Richard trabaho nang trabaho, yung isa nagwawaldas ng pera. Yun lang ang masasabi ko diyan,” pagtatapos ni Annabelle.

Read:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS HAVE WITTY REMARKS ON SARAH'S IG STORY

Mabilis ang reaksiyon ng netizens sa ipinost na quote na ito ni Sarah sa IG.

Sa isang media outlet na nag-share nito, dagsa ang mga comments.

Batay sa kanilang komento, ang IG Story na ito ni Sarah ay patutsada sa dating pahayag ng biyenan ukol sa "waldas".

comments

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

comment

Komento ng ilan, “low-key shading” ang ginawa ni Sarah sa kanyang biyenan.

Papuri ng isang netizen, “palaban” si Sarah.

“Go, girl,” suporta ng isa.

“Go, Sarah,” pagsegunda ng isa pa.

comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

comment

comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

comments

Hindi naman ito ang unang beses na nag-react si Sarah sa social media tungkol sa patutsada sa kanya ng mother in law.

Sa isang previous post niya tungkol sa isang luxury brand.

Nagkomento ang isang netizen ng “waldas pa more,” pero isang laughing emoji lang ang isinagot dito ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sarah Lahbati reacts to “waldas pa more” comment of netizen

Ganito rin ang naging reaksiyon niya during her exclusive interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa opening ng Travertine: Longevity and Wellness Spa sa EDSA Shangri-La Plaza noong January 24.

Natawa ang celebrity mom sa "Patron Satint of Waldas" moniker niya.

Aniya, "I think it's funny. Yeah, it's just something I laugh about...I don't take anything seriously. That's another secret to be happy."

Sa totoong buhay, "very good" daw siya pagdating sa paghahawak ng pera.

Read: Sarah Lahbati responds to "Patron Saint of Waldas" tag with humor

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Low-shading of her former in-laws." Netizens are quick to comment that Sarah Lahbati's (left) latest Instagram Story about spending more is throwing shade at mother-in-law Annabelle Rama's previous comment, "yung isa nagwawaldas ng pera."
PHOTO/S: @antheabueno and @annabelleramaig on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results