PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vhong, Billy, Luis reunite in It's Showtime

Kanto Boys reunite for Vhong Navarro’s special birthday production number.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 31, 2024
Vhong Navarro reunites with Billy Crawford and Luis Manzano
Vhong Navarro (center) brings his fellow Kanto Boys members Billy Crawford (left) and Luis Manzano (right) to It’s Showtime for his special birthday production number.
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube

Masayang ipinagdiwang ng Kapamilya TV host-actor na si Vhong Navarro ang kanyang ika-47 kaarawan sa noontime show na It's Showtime nitong Martes, January 30, 2023.

Noong January 4 pa talaga ang mismong kaarawan ni Vhong, ngunit nitong January 30 lamang niya ito isinelebreyt sa Kapamilya noontime show.

Bahagi ng selebrasyon ng kanyang kaarawan ay ang production niya kasama ang mga kaibigan at dating kagrupo sa Kanto Boys na sina Billy Crawford at Luis Manzano.

Ang Kanto Boys ay ang grupo noon nina Vhong, Billy, Luis, at John Lloyd Cruz, na kinagiliwan ng mga manonood dahil sa nakakaaliw nilang paraan ng pagsasayaw sa Kapamilya weekly musical-variety show na ASAP.

Read: John Lloyd Cruz got irritated at fellow Kanto Boys for this reason

Ang muling pagsasama nila Vhong, Billy, at Luis sa iisang entablado ay ikinatuwa ng kanilang fans.

Lalo na nang muling sayawin at ipakita nina Vhong at Billy ang kanilang iconic dance moves sa saliw na mga kantang "Billy-Vhong," "Incomplete," "True," at DJ Khaled’s "Take It to the Head," na tanyag nilang sinasayaw sa segment na "Sine Mo ‘To" noong nasa It's Showtime pa si Billy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vice Ganda, Billy Crawford reconcile after falling-out; reunite in It's Showtime

Bagamat hindi present si John Lloyd sa birthday prod ni Vhong, nagsilbing proxy naman nito sina Pepe Herrera at Joshua Garcia, na nagpakita rin ng mahusay at kuwelang performance kasama si Luis.

Ipinaliwanag ni Vhong ang dahilan kung bakit hindi nakasama si John Lloyd sa espesyal na araw at reunion nila ng Kanto Boys.

Aniya, "Dapat po kumpleto talaga ang Kanto Boys. Sadyang mayroon lang talaga hindi inaasahang pangyayari kaya si Lloydie ay hindi po nakapunta rito.

“Kaya naman, Lloydie, basta nandito lang kami mga kagrupo mo. Mahal na mahal ka namin. We miss you."

Read: John Lloyd Cruz shows sweet photos with girlfriend Isabel Santos

BIRTHDAY MESSAGE FOR VHONG

Samantala, nabigay rin ng birthday mesages sina Billy at Luis sa malapit nilang kaibigang si Vhong.

Mensahe ni Billy, "Ilang taon na akong hindi nakaka-Billy-Vhong. Sobrang na-miss ko si Vhong, sobra-sobrang nakaka-miss.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Personally, alam ko naman na alam ni Kuys Vhong kung gaano ko siya kamahal.

"Kahit saan, kahit anong mangyari sa mga bagay na ngayon ay nangyayari, e, nandito lang ako, always yan.

"Hindi ko makalimutan na kami, noong nandito pa ako sa It's Showtime, nagsisimba kami ni Vhong [sa chapel ng ABS-CBN] habang ongoing yung Showtime.

"So, habang may ibang segment dito, hindi ko makalimutan yung prayer time namin ni Vhong.

"Vhong, thank you for always being humble. Thank you sa pagiging totoo mong kaibigan sa lahat ng mga kasamahan mo. Nandito lang kami para sa yo.

"More success, more love, more care, at gabayan ka pa sana ng Panginoon. Love you, Kuys."

Read: Vhong Navarro recalls past “tampo” with Billy Crawford

Inalala rin ni Luis ang kabutihan ni Vhong sa kanya bilang isang kaibigan.

Saad niya, "Si Brother Vhong, kahit na may trabaho ako kahapon, tapos may taping din ako pagkatapos nito, pero noong sinabi na magbi-birthday prod kayo na Kanto Boys, hindi lang para sa Kanto Boys, basta para kay brother Vhong, is game na game ako."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Vice Ganda and Billy Crawford feud: A timeline

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vhong Navarro (center) brings his fellow Kanto Boys members Billy Crawford (left) and Luis Manzano (right) to It’s Showtime for his special birthday production number.
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results