Ikinasal na ang health, wellness, at fitness enthusiast na si Joanne Villablanca sa fiancé nitong si Gage Veridiano.
Ginanap ang kanilang kasal sa Mount Malarayat Golf and Country Club sa Lipa, Batangas, noong February 4, 2024.
Ngayong Huwebes, February 7, lamang nag-post si Joanne tungkol sa kanyang kasal.
Sabi niya sa Instagram, “2.4.24 my finally [heart emojis] can’t wait for the official photos!!
“Thank you capturing this @rielmanuel [heart hands emoji]
“Thank you to everyone who celebrated with us! [heart emoji]”
View this post on Instagram
Kahapon, February 5, nag-post naman si Gage sa kanyang Instagram tungkol sa kasal nila ni Joanne.
Maiksing caption niya, “Married my high school crush [heart emoji]”
View this post on Instagram
Isa sa mga dumalo sa kanilang kasal ay ang bagong kasal ding si Valeen Montenegro.
Saad niya sa post, “Welcome to the club @villablancs & @mrdivepro [heart hands emoji] So happy to witness this perfect day for both of you [sparkles emoji] #JoGa”
View this post on Instagram
Na-engage si Joanne kay Gage noong October 2022.
Read: Joanne Villablanca, Derek Ramsay's ex-girlfriend, is now engaged
Si Joanne ay dating girlfriend ng aktor na si Derek Ramsay.
Tumagal ng anim na taon ang relasyon nila—mula 2013 hanggang 2019.
Inakala ng karamihan na si Joanne na ang makakatuluyan ni Derek, pero naghiwalay sila noong June 2019 sa hindi isinapublikong dahilan.
Read: Derek Ramsay opens up about breakup with Joanne Villablanca
Ngayon ay kasal na rin si Derek sa aktres na si Ellen Adarna.
