Hindi na raw bago kay Julia Barretto ang hindi mamatay-matay na espekulasyong hiwalay na sila ng nobyong si Gerald Anderson.
Sa panayam ni Julia sa Magandang Buhay ng Kapamilya Channel noong February 6, 2024, nahingan siya ng reaksiyon ng host na si Melai Cantiveros tuwing napapabalitang hiwalay na sila ni Gerald.
Read: Gerald Anderson finally admits relationship with Julia Barretto: “It’s a yes.”
Tanong ni Melai, "Speaking of Gerald, tuwing lumalabas yung isyu na diumano na break kayo, ano ang effect nito sa inyo?"
Ayon kay Julia, sanay na siyang madalas naiintriga ang relasyon nila ni Gerald, bagamt hindi niya alam kung saan nanggagaling at kung kailan ito matatapos.
"Parang ganun ang balita, every month, for how many years na talaga. Hindi ko rin alam saan nanggagaling,” aniya.
Imbes na mainis, itinuturing na lang daw niya itong "compliment" dahil kahit papaano ay hindi alam ng iba ang mga pribadong nangyayari sa buhay nila ni Gerald.
Saad ng Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko star, "I think I’ll just take it as a compliment.
"I guess we're able to create that private bubble of ours na hindi na nila alam masyado kung ano ang nangyayari sa partnership namin."
Read: Gerald Anderson says Julia Barretto will be his last: “Siya talaga.”
Ito rin daw ang dahilan kung bakit maingat at malimit nilang i-share sa social media ang tungkol sa kanilang relasyon, na nagiging mitsa naman para mag-isip ang iba na break na sila.
Pagbabahagi ng aktres, “I think it's a conscious effort on our end na talagang protektahan, na hindi kailangang mag-overshare, hindi dapat bawat galaw kailangan alam ng lahat.
"So, siguro that's why they think [na break na kami]. But happy naman [kami ni Gerald]."
Read: Julia Barretto addresses "secret wedding" to Gerald Anderson
Noong September 15, 2022, una nang pinabulaanan ni Julia ang bulung-bulungang naghiwalay na sila ni Gerald dahil sa pagkaka-link ng aktor sa Kapuso actress na si Kylie Padilla.
READ MORE:
