Pinabulaanan ni Martin del Rosario ang tsismis na dine-date niya si Liezel Lopez, ang kanyang co-star sa GMA-7 series na Asawa Ng Asawa Ko.
“Ay, hindi… close kami,” tumatawang sabi ni Martin nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.
Mainit na tinanggap ng publiko ang tandem nilang dalawa bilang Prinsipe Zardoz at Zandra sa Voltes V: Legacy na umere sa GMA noong Mayo hanggang Setyembre 2023.
Read: Is Voltes V: Legacy the most expensive project of GMA-7?
Pero pag-amin ni Martin, limang taon na siyang walang karelasyon.
Lahad niya nang nakangiti, “Wala single pa din, pero nagdi-date naman.”
Choice naman niya na puro non-showbiz ang kanyang dine-date.
Aniya, “Pero ngayon kasi, hindi ako naghahanap. Pero based dun sa mga past relationships ko, lahat sila non-showbiz."
Hindi naman niya sinasara ang pinto na magkaroon ng relasyon sa isang taga-showbiz.
“Pero kasi kung may dumating na tao na from showbiz, hindi ko mapipigilan iyon. Ang love naman, basta dumarating, di ba?”
Read: Martin del Rosario grateful to GMA for taking good care of his career
MARTIN DEL ROSARIO IS loveless but happy
Kuwento naman ni Martin, masaya siya kahit walang love life sa ngayon.
“Actually ngayon sobrang masaya ako,” lahad ng Kapuso actor. “Kasi na-realize ko na kapag naka-focus ako sa sarili ko, I mean lahat ng mga goals ko nakukuha ko ngayon.
“Nakakapag-ipon ako, may negosyo ako, may mga nabibili ako for myself, for my family, lahat ng hindi ko nagawa nung time na wala ako sa focus, so… I mean ngayon na 31 na ako, proud ako sa mga na-accomplish ko sa sarili ko.”
Ang negosyo raw ngayon ni Martin ay may kinalaman sa pagsu-supply ng mga gamot “sa mga LGUs [local government units], mga medicines and medical supplies.”
Sabi nga ni Martin, kapag wala siyang karelasyon ay nakakaipon siya. Ibig bang sabihin ay galante siya kapag may kasintahan siya?
“Alam mo, wala akong focus, kapag ako in love, naku para akong nababaliw,” bulalas ng aktor. “May pagka… nababaliw ako pag may pag-ibig.”
Galante rin daw siya sa karelasyon.
“Kasi pag mahal ko, gusto ko masaya. Actually lahat naman ng naging karelasyon ko, wala namang maluho. Pero ako kasi gusto ko lagi naka-smile yung karelasyon ko, so nagbibigay ako ng mga bagay na ikakasaya niya.”
MARTIN DEL ROSARIO ON doing sexy roles
Sa huling proyekto ni Martin na Voltes V: Legacy, kung saan gumanap siya bilang Prince Zardoz, nagkaroon ang aktor ng fan base na mga bata.
Pero sa kabila nito, handa pa ring tumanggap si Martin ng iba't ibang klaseng proyekto, kahit na sexy roles pa ito.
Paglalahad niya, “Okay ako, ano naman ako, e. I’m known as a versatile actor. So mas gusto kong ipakita yung range ng acting ko sa tao.”
Marami pang roles na gustong gampanan si Martin.
“Parang gusto ko romantic roles naman kasi nagawa ko na yung kontrabida, tapos ngayon mabait. Parang gusto ko naman yung romance, yung tungkol sa malalim na pag-iibigan.”
Pero bukas din siya sa mga proyektong sexy and daring.
“Oo naman,” sambit ni Martin. “Ako, hindi naman bago sa akin yung mga daring roles.”
May nagawa raw siyang pelikula kung saan may mga daring siyang eksena.
“Kaso hindi pa pinapalabas, e! Hindi ko rin alam with the producer. Kahit sa TV noon, suki ako ng Karelasyon,” at natawa si Martin.
May isang episode noon ang Karelasyon, hosted by Carla Abellana, kung saan gumanap si Martin bilang gay lover ni Mark Herras, at may mga bed scenes silang dalawa habang parehong shirtless.
“Mga nine or ten episodes na yata ang nagawa ko sa Karelasyon at lahat iyon sexy. So ako, basta maganda ang role, tinatanggap ko. Wala akong issue sa pagpapaseksi.”
Kahit nga raw sa Asawa Ng Asawa Ko ay may mga sexy scenes siya.
“Daring siya, panoorin niyo, maraming scenes na ganoon,” ang nakangiting wika pa ni Martin.
Pleasant surprise para kay Martin na panggabi ang serye nilang Asawa Ng Asawa Ko.
“Siyempre proud kasi unexpected, e!
“Alam namin lahat na Afternoon Prime kami, tapos biglang GMA Telebabad. So something to be proud of, di ba,” saad niya.
Gaganap si Martin bilang si Jeff sa Asawa Ng Asawa Ko, kung saan mga lead stars din sina Rayver Cruz as Jordan, Jasmine Curtis-Smith as Cristy, Joem Bascon as Leon, at Liezel Lopez as Shaira.
Tampok rin sa Asawa Ng Asawa Ko sina Gina Alajar as Carmen, Mariz Ricketts as Pusit, Jennifer Maravilla as Sawa, Kzhoebe Baker as Tori, Quinn Carillo as Leslie, Patricia Coma as Pusa, Luis Hontiveros as Alakdan, Kim de Leon as Kuwago, Crystal Paras as Nonette, Billie Hakenson as Buwaya, Ian Ignacio as Igat, at Bruce Roeland as Bakulaw.
Sa direksiyon ni Ms. Laurice Guillen, ang Asawa Ng Asawa Ko ay napapanood tuwing 9:35 p.m. sa GMA Prime.
