Handang-handa na ang Kapuso actress na si Carla Abellana na harapin ang kanyang estranged husband na si Tom Rodriguez.
Nasa Pilipinas na ngayon si Tom matapos ang mahigit dalawang taong pananatili nito sa Arizona, USA, makaraang maghiwalay sila ni Carla.
Read: “Welcome home!” Tom Rodriguez is back in PH
Ikinasal sina Carla at Tom noong October 2021 imatapos ang pitong taong pagiging magkasintahan.
Subalit nagulat ang publiko nang mapabalita ang kanilang breakup noong January 2022, o tatlong buwan lamang mula nang ikasal sila.
Read:
- Rey PJ Abellana speaks up on Carla Abellana-Tom Rodriguez marital issue; says Tom had a "one-night stand"
- Carla Abellana finally breaks silence on split with Tom Rodriguez: “I was disrespected. I was betrayed. I was lied to.”
Sa panayam ni Carla sa 24 Oras nitong Lunes, January 29, 2024, sinabi nitong hindi niya alam na nagbalik-bansa na si Tom.
Gayunman, nakahanda naman daw siya sa posibleng pagkikita nila lalo na't pareho silang artista at nasa bakuran ng GMA-7.
"I didn't even know, ngayon ko lang nalaman [na nasa Pilipinas na si Tom]," ani Carla sa 24 Oras reporter na si Nelson Canlas.
Dagdag niya, "I don’t feel intimidated, scared, nervous. Wala namang ganoon.
"Of course, artista siya may obligation siya. He's a Kapuso, dadating naman talaga yung day na babalik siya sa trabaho.
"Hindi naman maiiwasan yan. I've thought about it many times, expected naman yan, nobody just knew when."
Read: Carla Abellana asked if she regrets getting married: “Yes… nagsisisi ako.”
Kung saka-sakaling magkasalubong at magkita sila ni Tom, nakahanda na ba si Carla na harapin ang dating asawa?
Sagot niya, "I think naman okay lang. Ready naman ako.
"Hindi naman ako yung type na 'Ay ayoko,' or avoidance or what. It's inevitable, ika nga."
Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana ipa-finalize na ang divorce sa pagbabalik ng aktor
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kay Carla noong September 26, 2023, sinabi niyang naka-move on siya mula sa kontrobersiyal na breakup nila ni Tom.
Sabi niya, "Nahanap ko na po yung aking peace, yung talagang nasara ko na po yung chapter na iyon ng aking buhay.
“Lagpas-lagpas pa po, kumbaga, sa pagmu-move on. So, masayang-masaya po.
“Definitely masaya po ako ngayon sa buhay ko. I’m happy where I am pati po sa kung sino ako today.”
Inusisa rin si Carla kung handa na ba siyang maging magkaibigan sila ni Tom. Hindi raw isinasara ng aktres ang posibilidad.
Paliwanag niya, “Yung mga hindi nga natin akalain na hindi posible, nangyayari po. Yung mga akalain nating mangyayari, hindi nangyayari.
“Kumbaga, sa buhay po, napakadami pong kaganapan na unpredictable. So, ayoko pong… kumbaga, tuldukan o maging definite sa anumang bagay. So, anything can happen.
“So, wala po akong gustong i-finish, i-finalize, i-set…”
Samantala, nag-renew na ng kontrata si Carla sa GMA-7.
