Nag-upload ng larawan si John Prats sa Instagram kasama ang asawang si Isabel Oli pati na ang engaged couple na sina Sam Milby at Catriona Gray.
Cooking emoji lamang ang caption ni John sa post niya ngayong umaga ng Huwebes, February 8, 2024.
View this post on Instagram
Unang nagkomento si Catriona sa post.
Saad nito, "Insert the chookchooks!! [dogs emojis]"
Sinundan pa niya ito ng heart hands emojis

Sabi naman ni Isabel, "Team brekky [smiling face with heart eyes emoji]"

Sa kanyang Instagram Story, nag-upload din si John ng kaparehong picture.
Caption niya, “What’s for breakfast?”
Sinaliwan niya ito ng awitin ng American alternative rock band Deep Blue Something na “Breakfast at Tiffany’s.”

Natuwa naman ang maramig netizens dahil tila patunay itong hindi naghiwalay sina Catriona at Sam.
Nagsimula ang usap-usapang may problema sa relasyon ng dalawa nang napansin ng press na hindi suot ni Catriona ang engagement ring niya sa isang event.
Bunsod nito, naglabasan sa social media na isang engaged couple daw ang maghihiwalay kasunod ng hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Read: Confirmed: Bea Alonzo and Dominic Roque break up; call off engagement
May mga blind item ding baka naghiwalay na rin sina Catriona at Sam.
Natuwa naman ang maraming netizens na napatunayang okay ang dalawa.
Sabi ng isang netizen, “Sbi ng mga marites hiwalay na si sam at catriona.. sbi naman namin pano hiwalay eh lagi namin sila nakikita magkasama umuuwi dito sa condo nila hahaha"

Narito pa ang ibang mga komento ng netizens na natuwa dahil going stronger pa rin sina Catriona at Sam:


