Inalmahan ng Kapuso actress na si Marian Rivera ang isang Facebook page na nagpapakalat ng maling balita tungkol sa kanya.
Noong February 6, 2024, ipinost ni Marian sa kanyang Facebook page ang screenshot ng diumano'y tweet niya sa X (dating Twitter) account.
Mababasa rito ang umano'y pahayag ng aktres sa mga masusuwerte sa mga biyenan.
Mababasa sa buong tweet: “Kaway-kaway sa mga swerte sa biyenan! Hindi man sweet sa social media, pero mabait, concern sayo at sa mga bata, di sinusulsulan ang mga anak nilang lalake, at mahal ka rin na parang totoong anak niya."
Itinanggi ni Marian na sa kanya galing ang nasabing mensahe.
Aniya, edited ang pahayag niya sa post at ginamit lamang ang kanyang litrato at pangalan para ito'y magmukhang makatotohanan.
Walang X account si Marian.
Nakiusap ang aktres na tigilan na ang paggawa ng manipulated posts na ginagamit ang kanyang pagkakakilanlan.
"Hindi ko to sinasabi bakit ba may mga taong hilig mag edit!!!” saad ni Marian sa caption ng kanyang Facebook post.
Dagdag pa niya, “Nakakarami na po kayo. tama na!”
Sa comments section ng kanyang post ay bumuhos ang komento mula sa mga tagahanga ng Rewind star.
Read: Rewind ng DongYan highest-grossing Filipino film of all time
Saad ng isang netizen (published as is), "Everyday ako Nyan nkakabasa ng fake statement, kawawa mga artista sa knila.. nasisira image.. Yung mga netizens kasi dapat mapanuri naniniwala agad."
Sabi ng isa, "akala ko nga talaga totoong account to kasi may blue badge check,sana tumigil na yan sila mga pa fame."
"dami ko nakikitang mga gnyan sabi na nga ba fake e.. di mgsslita ng gnyan c marian," dagdag pa ng isa.
Read: Marian Rivera, Dingdong Dantes visit It's Showtime; netizens ask, "asan si Karylle?"
Samantala, maliban kay Marian, nabiktima rin ng manipulated social media post ang kapwa niya Kapuso actress na si Bea Alonzo.
Kasabay ito ng mainit na usap-usapang hindi na matutuloy ang pagpapakasal ng aktres sa fiancé niyang si Dominic Roque dahil break na sila.
Read:
- Confirmed: Bea Alonzo and Dominic Roque break up; call off engagement
- Dominic Roque breaks silence amid breakup with Bea Alonzo
Isa kasing fake news peddler ang gumawa ng fake Instagram account ni Bea na may nakasulat na ganito:
“I’m really sorry Dom, na-realize ko hindi pala ako ready.
"I’m sorry kung may prenuptial agreement tayo. Alam ko medyo na-off ka dun, I’m just protecting kung anu-ano yung mga pinaghirapan ko.
“You will always have a special place in my heart, where memories and feelings for you will stay forever.
"I’ll pray na mahanap mo yung talagang para sa yo. Hindi ko lang talaga makita yung sarili ko na masaya at tatanda kasama ka.
"Sana maging masaya ka kahit hindi na ako. Salamat sa lahat.”
Read: Bea Alonzo quote tungkol sa breakup nila ni Dominic Roque, imbento lang ng fake news peddlers
Kung hindi ibeberipika ang post, mapagkakamalang totoo ito dahil may blue tick at litrato ni Bea ang pekeng Instagram account.
Ngunit kung iche-check ang mismong IG account ni Bea ay wala naman siyang post na ganito.
