Pinagtagpi-tagpi ng netizens ang cryptic post ni Victorias City Mayor Javi Benitez sa kanyang Instagram Story kahapon, February 10, 2024.
Ayon sa netizens, ang laughing emojis post daw ni Javi ay tila sagot sa denial ni Ivana Alawi na meron itong romantikong kaugnayan sa ama ni Javi na si Bacolod City Mayor Albee Benitez.

Sa X (dating Twitter) kahapon din, may nagbahaging netizen tungkol sa nasabing post.
Sabi ng user, "Just in: Is this Javi Benitez’s reaction to Ivana Alawi’s denial of being in a relationship with his dad?"
Sagot ng isang netizen, "He knows, and he also knows that everyone is watching and waiting for his reply. Smart kid. Good choice, Sue. Lol"

Ang nabanggit na "Sue" ay si Sue Ramirez, ang girlfriend ni Javi.
Oberbasyon pa ng isang netizen, "Yes!! He posted it minutes after ivana published the statement lol"

Tanong ng isa pang netizen, "so hindi siya boto kay Ivana, bakit?"

Ilang araw nang haka-haka sa social media na may relasyon diumano si Albee at Ivana.
Lalo pa tumindi ang haka-haka nang makuhaan ng video ng isang netizen si Ivana at Albee sa isang airport.
Kahit naka-facemask ang lalaki, tinumbok ng maraming netizens na ito ay ang negosyante at pulitikong si Mayor Albee.
Read: Ivana Alawi spotted in an airport with Mayor Albee Benitez?
Nag-viral ang nasabing video at nakarating ito kay Ivana.
Dahil dito, mariing itinanggi ng aktres at content creator na may ugnayan sila ni Albee.
Sabi niya sa kanyang statement kahapon din, "There are posts and issues involving my name.
"I tried to stay quiet at dumedma na lang dahil sa paniniwala ko na hindi ako dapat magsalita lalo kapag alam ko na wala akong ginagawang masama."
Ayaw na daw sana niya itong patulan pero nakaladkad na ang pangalan ng ina at kapatid na si Mona.
Dagdag niya, "But because of the false accusations and hurtful words that are being thrown to my Mom and Mona, kinailangan ko nang linawin ang mga bagay.
"This will be the first and last time na magsasalita ako tungkol dito."
Mariing pagtanggi niya, "HINDI PO AKO ANG NASASABING girlfriend ni Mayor Albee Benitez.
"I met him when I had work in Bacolod. He was very accommodating and friendly. At hindi lang sya ang politikong nakilala ko at naging kaibigan.
I am currently seeing someone who makes me happy. All I can say is that he is a respectable businessman and not a Politician.
"Sana this helps clear my name and clarify all rumors.
"Maraming salamat."
Read: Ivana Alawi issues statement: “Hindi po ako ang nasasabing girlfriend ni Mayor Albee Benitez.”
Sa isang panayam, sinabi ni Ivana na may boyfriend siyang isang businessman at bago pa lang ang kanilang relasyon.
