Isang matamis na "yes" ang natanggap ni Seth Fedelin nang alukin niyang maka-date ang kapwa niya Kapamilya star na si Francine Diaz.
Ang ginawang "promposal" ni Seth ay para pormal niyang imbitahan si Francine na maging prom partner sa Star Magical Prom na gaganapin sa March 2024.
Read: Francine Diaz on possibility of real-life romance with Seth Fedelin: "Kung kami talaga, e, di kami."
Extra special ang promposal ni Seth kay Francine dahil nangyari ito sa kalagitnaan ng kanilang performance sa Bario Fiesta sa Dubai, United Arab Emirates.
Sa kumakalat ngayong video sa social media na kuha sa event, makikita si Seth na may hawak na red rose nang alukin niya si Francine kung puwede ba niya itong maka-date.
Kita naman sa mukha ni Francine ang pagkagulat dahil tila hindi niya inaasahang gagawin ito ng ka-love team.
Sabi ni Seth, "Francine, sa totoo lang, kinakabahan ako. First time ko tong ginawa.
"Gusto lang kitang alukin sa nalalapit na Star Magical Prom, bilang ka-date ko.
"Guys, sabay-sabay tayo na sabihing 'Yes, yes, yes.'
"Wala ka nang laban, ang dami namin."
@_.franseth GRABE SOBRANG KILIG! SAY YES CHIN!???????? #franseth #francinediaz #sethfedelin ? original sound - FranSeth
Nakangiti namang sagot sa kanya ni Francine, "Parang alam naman na nila yung sagot ko. It's a yes!"
Read: Francine Diaz, Seth Fedelin clarify real score between them
FRANCINE DIAZ AS SETH'S Prom Date
Ito ang pangalawang pagkakataong dadalo sina Seth at Francine sa Star Magical Prom bilang magka-date.
Noong 2023, sila rin ang magkasama matapos umoo ni Francine sa dinner promposal na inihanda sa kanya ni Seth.
Read: Standout couples, beauties, gentlemen at The Star Magical Prom 2023
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Seth noong March 28, 2023, sinabi nitong simula't sapul ay si Francine na talaga ang gusto niyang makasama at makapareha sa prom.
Pinaghandaan din daw niya noon ang promposal niya sa dalaga para makuha niya ang matamis nitong "oo."
"Siya, siya talaga [ang gusto kon maka-date].
"Itong ginawa ko kay Francine, talaga naman pong pinag-isipan ko, pinaghirapan ko, nag-imagine ako ng sobrang daming tema," ani Seth.
Ayon pa noon sa binata, nagpunta pa siya ng Dangwa sa Maynila para personal na bumili ng bulaklak para sa set-up ng surprise dinner na inihanda niya para kay Francine.
Mayroon din siyang biniling fireworks sa Bocaue, Bulacan, para mas maging special ang okasyon.
Nagpakuha pa si Seth ng drone video para sa kanyang promposal sa ka-love team.
Lahat daw ito ay ginawa niya para sa espesyal na tao sa kanyang buhay.
Pero naranasan ba niya ang totoong high school prom?
"Meron kami sa elementary, graduation day. May cotillion. Sayaw lang kayo, puppy-puppy love," natawang balik-tanaw ni Seth.
Patuloy pa niya, "Pero noong nag-high school ako, hindi na, hindi ko na na-experience ang J.S. Prom.
"Kaya nga ngayon, inengrandehan na natin, worth it na yon.
"Sabi ko nga, 'Kapag nag-no ka, naku po, napagod ako!' Pero happy ako na nagawa ko sa kanya yon. Yun naman yon, e."
Sabi pa ni Seth tungkol kay Francine, "It’s either mag-yes siya or mag-no. Happy ako na napakita ko sa kanya ang halaga niya.
"Ito ang halaga mo, hanggang langit."
Ano naman ang naging reaksiyon ni Francine sa inihanda niyang promposal?
Nakangiting pahayag ni Seth,"Nagulat siya, natuwa, kasi hindi raw niya akalain na magagawa ko yung mga ginawa ko."
Read: Seth Fedelin on promposal to Francine Diaz: "Ito ang halaga mo, hanggang langit."
