PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kris Aquino: I refuse to die, fights on.

"I really want to stay alive. Sino ba naman ang magsasabi na handa akong mamatay?"
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 14, 2024
kris aquino fast tal
Kris Aquino: "I hate to say it, but you know, I’m very, very honest kasi hinarap ko na to, and bawat araw, pahiram na lang ito ng Diyos. So, whatever days are left, kung anuman ang natitira, it's a blessing."
PHOTO/S: GMA Network

Personal na ipinaalam sa publiko ng TV host-actress na si Kris Aquino na malala na ang kalagayan niya at anumang oras ay maaaring huminto ang tibok ng kanyang puso.

Ito ang malungkot na inanunsiyo ni Kris sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Miyerkules, February 14, 2024, nang makapanayam siya via Zoom ng host at matalik na kaibigang si Boy Abunda.

Kasalukuyang nasa Orange County, California, si Kris.

Ang muling pagharap ni Kris sa kamera ay kasabay ng pagdiriwang ng kanyang 53rd birthday ngayong Valentine's Day.

Read: Boy Abunda may mahalagang anunsiyo tungkol sa kalagayan ni Kris Aquino

Ayon kay Kris, marami siyang tagahanga at mga kaibigang patuloy na nagdarasal para sa kanya kaya nais nitong siya mismo ang magsabi ng kasalukuyan niyang kondisyon.

Kapansin-pansing mas pumayat ang pangangatawan ngayon ni Kris.

Pagbabahagi niya tungkol sa kanyang kasalukuyang kondisyon, “Unfortunately, meron akong panglima na autoimmune condition."

Karagdagan daw ito sa mga dati na niyang autoimmune conditions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I have a very low hemoglobin. I have fluctuating blood pressure.

"Nagsisimula na yung pamamaga ng tuhod ko at mga buto-butong naglalabasan.

"Right now, they're classifying it as an autoimmune mixed connective tissue disease. Falling under that Boy, is either SLE or lupus or it could be rheumatoid arthritis.

"Yung nasa Houston ako noong hindi pa gumagaling yung COVID... I had a fourth diagnosis.

"Mayroon akong crest syndrome... nakakatakot yon kasi ang inaatake naman non, e, yung ating lungs."

Ang mga kondisyon daw na ito ay labis na nakakaapekto sa kanyang puso.

Magang-maga na raw ang muscles sa labas pati na sa middle layer ng kanyang puso.

Ito raw ang dahilan kaya madali siyang mahilo at mapagod kahit kaunting kilos lang ang gawin niya.

Delikado raw ito dahil "I could have a stroke at any time."

Ilang miyembro raw ng kanyang pamilya sa father side ay nagkaroon ng heart attack, kabilang ang kanyang yumaong ama na si Senator Ninoy Aquino at kapatid na si former President Noynoy Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibig sabihin, may kinalaman sa genes ni Kris sa kondisyon niyang ito.

Sundot na tanong ni Boy, "Bakit nga ba ang hirap gumaling ni Kris Aquino?"

Sagot ni Kris, "Pinakamabilis na sagot, tatlong pages yung laman ng binibigay sa mga doctor na 'eto yung bawal na mga gamot kay Kris.'

"Lahat ng gamot... halos lahat ng antibiotics, allergic ako. Lahat yan, may side effects sa akin.

"Mabibilang lang siguro sa sampung daliri yung kung ilan lang yung gamot na puwede kong i-take...

"Ultimo damo, grass, allergic ako... butil ng alikabok...

"Ang daming hindi puwedeng gamitin sa akin."

Diin pa ni Kris, "Buhay ako ngayon. Alam ko, tiwala ako sa dasal, na kakayanin pa 'to."

KRIS AQUINO ASKS FOR PRAYERS

Napagdesisyunan daw ni Kris na ibahagi ito sa publiko dahil kailangan na kailangan niya ngayon ng dasal para mapagtagumpayan ang gagawin sa kanyang medical procedure sa Lunes, February 19.

Ito raw ang huling tsansa ni Kris para madugtungan pa ang kanyang buhay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi niya, "Ngayon ako hihingi talaga. I’m sorry, pero parang ang kapal ng mukha ko na ang tagal niyo na akong pinagdarasal.

"But I really need it now.

"Because on Monday, papasok ako sa ospital at may susubukan kaming biological na gamot. This is my chance to save my heart.

"Because kung hindi ito tumalab, I stand a very strong chance of having cardiac arrest. As in... puwedeng tumigil na lang yung pagtibok ng puso.

"So, may gamot na susubukan, but there's a very big risk involved with that medicine because hindi binibigay ang gamot na ito na hindi ka binibigyan muna ng steroids...

"On Monday, magbi-baby dose muna ako. Titingnan muna nila kung kakayanin ko.

"Kung kakayanin ko, bibigyan ako ng pangalawang dose... I will need four doses of this medication.

"Hindi predictable."

Diin pa ni Kris: "I hate to say it, but you know, I’m very, very honest kasi hinarap ko na 'to, and bawat araw, pahiram na lang ito ng Diyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, whatever days are left, kung anuman ang natitira, it's a blessing."

kris aquino boy abunda fast talk

Aminado si Kris na hindi pa siya handang mamatay.

Aniya, kailangan pa siya ng kanyang mga anak at nais pa niyang makita sila na tumatanda.

Saad niya, "I really want to stay alive. Sino ba naman ang sasabihin na handa akong mamatay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bimb is only sixteen. I made a promise to him na until he becomes an adult, I will really do everything. Lahat gagawin ko.

"Kasi, hindi naman sikreto sa mga tao that ang kuya niya falls under the autism spectrum...

"Ako lang ang nagpalaki sa dalawa. Kailangan pa nila ako.

"But after Monday, wala na akong immunity, puwede na akong dapuan ng kahit anong sakit at wala na akong panlaban dun."

KRIS THANKS HER FAMILY AND FRIENDS

Tila naghabilin na rin si Kris sa kanyang pamilya, mga kaibigan, tagahanga, at kay Boy kung saka-sakaling hindi maging successful ang medical procedure na gagawin sa kanya.

Mensahe ni Kris, "I just wanna take this opportunity, Boy, na magpasalamat sa iyo because nangako ka sa akin, kagaya ng ilan sa pinakamalapit na kaibigan ko at yung mga kapatid kong babae, nangako sila na kung ano man ang mangyayari, mayroon akong dalawang kaibigan na lilipad dito para samahan yung two boys..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangako rin daw si Boy sa kanya na kung may mabalitaan man ito tungkol sa kanya ay kaagad itong lilipad sa Amerika.

Sabi pa ni Kris kay Boy, "I’m entrusting Bimb with you because the two will actually be going home in two weeks.

"Why did I decide on this? Naawa ako doon sa dalawang bata.

"Kasi ako, makukulong na ako sa bahay. Pupunta na lang ako at lalabas ako para makita yung mga doktor."

Huling dasal daw ni Kris sa Diyos ay dugtungan pa ang kanyang buhay para muling makapagbigay saya at pag-asa sa kanyang fans.

Sabi niya, "I just wanna thank God.

"Gusto kong magpasalamat because people I do not know, people na have never met me, yung hindi ko mga kakilala...

"Pinagdarasal nila at sinasabi nila na 'kailangan siyang gumaling... gusto pa namin siyang mapanood.'

"I cannot promise you that, kasi ang dami nang hindi ko kayang gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ito po pangako ko sa inyo, hindi ko kayo bibiguin dahil sumuko ako.

"Wala sa pananaw ko sa buhay na puwedeng sumuko, kailangan lumaban. Hindi ko ipapahiya ang sarili ko sa inyo..."

Natatawa pang deklara niya: "I refuse to die!

"Pipilitin [kong mabuhay] dahil my next chapter ko is to become a stage mother....

"I'm 53 now and I want to still be here when I'm 63."

KRIS'S BATTLE WITH HER ILLNESS

Naiulat pa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nakaraang health update ni Kris noong January 26, kung saan dito sinabi niya na mayroon na rin siyang "bad flare and very clogged sinus passages."

Read: Kris Aquino calls on late mother Cory Aquino for courage amid health battle: "It's getting more difficult to stay strong."

November 26, 2023, ibinahagi naman niyang nagsanga-sanga na ang kanyang karamdaman mula sa unang pagkakaroon niya ng limang autoimmune conditions.

Read: Kris Aquino starts taking anticancer drug; reveals she now has five autoimmune conditions

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Kris, “I cried nonstop when I got my blood panel results. My Churg Strauss/EGPA is still being treated, but to add to it my CREST SYNDROME is now in full ACTIVE mode.

“It's highly likely based on my ANA count, my high inflammatory numbers, my anemia, my now constant elevated blood pressure at night, and the consistent appearance of the 'butterfly rash' on my face that I'm at the initial stage of SLE (Systemic lupus erythematosus) or what's commonly known as lupus."

Read: Kris Aquino says her health issue "has become more complex"

Kasalukuyang nasa California ngayon si Kris, kasama ang dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby.

Read: Kris Aquino says son Bimby “needs to work” for her medical bills

June 2022 nang lumipad pa-Amerika si Kris para magpagamot.

Read: Kris Aquino bids goodbye to her followers; flies to U.S. for medical treatment

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino: "I hate to say it, but you know, I’m very, very honest kasi hinarap ko na to, and bawat araw, pahiram na lang ito ng Diyos. So, whatever days are left, kung anuman ang natitira, it's a blessing."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results