Sa wakas ay nagpaunlak ng mahaba-habang panayam ang beauty queen at Los Baños, Laguna councilor na si Leren Mae Bautista tungkol sa relasyon nila ng PBA player na si Ricci Rvero.
Naganap ito sa vlog ng fashion designer at pageant expert na si Renee Salud ngayong Miyerkules, February 14, 2024.
Nilinaw at pinanindigan ni Leren na wala pa silang ugnayan ni Ricci nang magkasama sila sa feeding program sa Los Baños noong huling linggo ng May 2023.
View this post on Instagram
Kuwento niya kay Renee, na tinatawag niyang Mama, "Ang alam ko, nung nag-meet kami nung feeding program, wala na po sila.
"So, sa tanong niyo po kung kami po ay single, ako po sa sarili ko ay single po ako. And siya ay single din po that time."
Ang tinutukoy ni Leren ay ang relasyon ni Ricci sa ex-girfriend nitong si Andrea Brillantes.
Dagdag pa niya, "Pero hindi naman po siya question sa amin that time kasi we really just wanted to finish the feeding program.
"Wala pa talagang any… more than friends o may romantic relationship that time.
"So it’s very clear po talaga na nung nagkakilala kami, single siya, from what I know, and ako po ay single po ako.
"And it’s purely for the feeding program itself, for the charity."
Pagkatapos daw niyon ay wala naman silang komunikasyon.
Paano sila nag-reconnect?
Lahad ni Leren, "Siguro, nung magkaroon ng viral na photos sa Instagram, bale video siya, e.
"It’s a video of us, of him, na na-post ko po sa Instagram, na ni-repost niya.
"For us, there’s no meaning. No malice at all."
Pagka-post daw ni Leren nung video ay marami kaagad nag-message sa kanya. Ang pagkakamali raw ni Leren ay dinelete niya ito kaagad.
Pagbabalik-tanaw niya, “Sana hindi ko na lang dinelete para wala ring masabi yung tao.
"Pero at the back of mind, kahit i-delete ko o hindi, since hindi naman po nila alam, na wala naman pong something sa amin ni Ricci po before, mag-iisip po talaga sila ng something, 'O, bakit sila magkasama? Bakit nag-post? Bakit ni-repost?'"
Pagkatapos daw ng isyu ay mas nakilala nila ang isa’t isa dahil nakakapag-usap na sila.
“And mas nakikilalala ko yung personality niya, nakikilala rin niya po ako as a person.
"And kasama na rin po dun ang pag-solve sa naging isyu nga," pagbabahagi ng beauty queen-councilor.
Read: Ricci Rivero confirms breakup with Andrea Brillantes amid cheating allegations
"WE WANTED OUR RELATIONSHIP TO BE PRIVATE..."
Nahirapan daw si Leren na magsalita tungkol sa isyu dahil tila hinusgahan na siya kaagad ng publiko.
Hindi ba siya natatakot na bilang sikat na basketball player si Ricci ay magkaroon siya ng mga kaagaw?
Sagot ni Leren, “Hindi naman.
"Kasi kung makikita lang din po si Ricci ng tao outside social media, kung makilala niyo po siya nang personal, hindi niyo mararamdaman na kailangang ma-insecure."
Nagustuhan daw niya kay Ricci ang pagiging “family-oriented at God-fearing” nito.
Ayon pa kay Leren, nais nilang gawing pribado ang kanilang relasyon.
“We wanted our relationship to be private as much as possible.
"And yun lang po, ngayon, just to clear everything dun sa mga misconceptions, yung mga maling informations na lumabas nung time na po na yun.
"So ngayon, ang gusto lang po talaga namin ay wala pong apakan na ibang tao, focus on the relationship and careers and just be happy."
Si Ricci ang nag-hard launch ng relasyon nila ni Leren noong October 21, 2023 sa pamamagitan ng Instagram.
Read: Ricci Rivero finally admits relationship with Leren Mae Bautista
Paano nila napagdesisyunang isapubliko na ang kanilang relasyon?
Pahayag ni Leren ukol dito, “Yun nga, yung sa amin po kasi, pinanghahawakan namin, which is yung katotohanan talaga po — na walang nag-overlap, wala pong inagaw, walang nang-agaw.
"Malinis po yung conscience naman na yung relationship namin ay malinis lang talaga."
Pero hindi pa raw nakaplano ang kasal nila.
Giit ni Leren, “Los Baños muna.”
