PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GMA Drama Apologizes to Baliwag Mayor for Episode

Executives from GMA Drama visit the office of Baliwag Mayor Ferdie Estrella.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 19, 2024
GMA Drama execs personally apologizes to Baliwag Mayor
GMA Assistant Vice President for Drama Ali Nokom Dedicatoria (in blue top) reaches out to Baliwag Mayor Ferdie Estrella after the controversial episode of “Abot-Kamay Na Pangarap" on February 14, 2024.
PHOTO/S: Angel Javier/GMA Drama

Personal na nagtungo sina GMA Assistant Vice President for Drama Ali Nokom Dedicatoria at Executive Producer Joy Lumboy-Pili sa tanggapan ni Baliwag (o Baliuag) City Mayor Ferdie Estrella ngayong Lunes, February 19, 2024.

Ito ay upang humingi ng paumanhin sa isang episode ng top-rating Kapuso drama series na Abot Kamay Na Pangarap na hindi nagustuhan ni Mayor Estrella dahil ginawa umanong katatawan ng serye ang pangalan ng kanilang lungsod.

Read: Afternoon Prime dramas ng GMA-7, patuloy ang pamamayagpag sa ratings

Sa text message na ipinadala ni Angel Javier-Cruz, Vice President ng GMA Corporate Affairs and Communications, sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, February 19, sinabi nitong maayos na ang lahat matapos sadyain ng ilang GMA Drama executives si Estrella sa kanyang tanggapan.

Maayos din daw silang tinanggap ng alkalde, at tinanggap din nito ang kanilang taus-pusong paghingi ng paumanhin.

Ayon kay Estrella, marami sa kanyang mga kababayan ang nanonood ng Abot Kamay Na Pangarap kaya naman nang malamang ginawang punchline ang Baliwag ay hindi siya nakapagpigil na itama ang maling interpretasyon sa kanilang lungsod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mababasa sa text message ni Angel sa PEP.ph: "GMA AVP for Drama Ali N. Dedikatoria and Executive Producer Joy Lumboy-Pili of Abot Kamay Na Pangarap did a courtesy visit to the office of Baliuag, Bulacan Mayor Ferdie Estrella to personally deliver the apology letter.

"They were warmly welcomed by the good mayor and heard the apology on behalf of the program.

"He said his constituents are viewers of Abot Kamay Na Pangarap that’s why they learned of the scene.

"He added that the program is welcome to tape future scenes in the Baliuag. Thank you."

MAYOR ESTRELLA CALLS THE ATTENTION OF THE SERIES

Noong Biyernes, February 16, naglabas ng isang official statement sa Facebook si Estrella para manawagan sa produksiyon ng Abot Kamay Na Pangarap, ang seryeng pinagbibidahan nina Jillian Ward at Carmina Villarroel.

Lumalabas ditong hindi nagustuhan ni Estrella ang isang episode na umere sa GMA-7 noong February 14, kunsaan ginawa raw katatawanan ang pangalan ng kanilang lungsod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jillian Ward: "Minsan nakakalimutan ko na artista ako."

Ang tinutukoy ng alkalde ay ang eksena sa bilangguan kunsaan makikita si Moira Tanyag, ang karakter ni Pinky Amador, na nasiraan ng bait matapos itong makulong.

Isa sa kasamahang preso ni Moira ay si Madam Lotus (Jackie Lou Blanco), ang nakasaksi sa animo'y pagdedeliryo ni Moira.

Nasa eksenang ito ang linyang hindi nagustuhan ni Estrella.

"Nagdedeliryo na [si Moira], akala mo may kaaway. Papunta na ito sa Baliwag, Bulacan," sabi ng karakter ni Jackie Lou, kasunod ng halakhakan ng iba pang inmates.

Ang salitang "Baliwag" ay ginagamit bilang balbal na salitang pamalit sa salitang "baliw" o nasisiraan ng bait.

Himutok ni Estrella, kalapastangan ito sa kanilang lungsod dahil nagpapakita raw ito ng kakapusan sa kaalaman at kawalan ng sensibilidad sa usaping may kinalaman sa mental health.

Hindi rin daw tamang ikonekta ang kanilang lungsod sa isang balbal na salitang may hindi magandang kahulugan. Dahil higit pa raw rito ang magandang kuwento sa kasaysayan ng Baliwag na maaaring hindi alam ng karamihan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mababasa sa kanyang pahayag (published as is), "Ang Baliwag (o Baliuag) ay isang lungsod sa lalawigan ng Bulacan na lunduyan ng kasaysayan at hitik sa kultura at tradisyon.

"Kilala ito dahil dito nagmula ang mga bayaning sina Mariano Ponce at Col. Antonio Buenaventura (Pambansang Alagad ng Sining Musika), mga pamana tulad ng paglalala ng sumbalilong buntal at mga muwebles na may imbute, at gayundin ang pinakamahabang prusisyon tuwing Mahal na Araw.

"Marami ang itinuturing na pinagmulan ng pangalan ng Baliwag ngunit hindi isa rito ang salitang baliw.

"Ang baliuag ay isang matandang salitang Tagalog na ang ibig sabihin ay malalim (deep, profound sa Ingles; hondo, profundo sa Kastila). Ito ay nailathala noong 1800 bilang isang salita sa Vocabulario Lengua Tagala at makikita sa pahina 33 ng diksyunaryo. Ito rin ay matatagpuan sa pahina 115 ng Diksyunario Tesauro ni Jose Villa Panganiban (Villacorte, 2001).

"Kung ating dadalumatin, maaaring ang lungsod ay pinangalanang Baliwag dahil ito ay kinakitaan ng katangian ng pagiging malalim: una, dito ay dumadaloy ang malalim na ilog, at pangalawa ay maaaring ang mga taal na nakatira rito ay malalim kung mag-isip."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, "Bago gamitin ang ngalan ng isang lugar, nararapat lamang na isaalang-alang ang kasaysayan nito para akmang mailapat sa konteksto ng isang palabas.

"Isa pang punto sa usaping ito ay ang pang-iinsulto at gawing katatawanan ang kalagayan ng isang baliw.

"Ang Lungsod ng Baliwag ay isa sa mga nagtataguyod ng adbokasiya sa mental health kaya naman hindi rin kami sumasang-ayon sa pagpapalabas ng nakakasirang tema lalo pa at ikinakabit ang Baliwag bilang punchline o bagong katawagan para makapangpahiya ng sinuman.

"Ang isang palabas sa telebisyon bilang isang sining at bahagi ng industriya ng libangan ay may responsibilidad na makapagbigay ng tamang impormasyon, makapagpapahayag nang walang natatapakan, at makapagbigay ng kasiyahan na may respeto sa kapwa, kultura, at lipunan.

"Kinokondena namin ang iresponsableng pagsusulat ng iskrip at pagpapalabas nito.

"Nawa ay hindi na ito maulit, magsilbing aral, at makalikha ng kamalayan para sa mga susunod pa na palabas at iba pang pagtatanghal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA Assistant Vice President for Drama Ali Nokom Dedicatoria (in blue top) reaches out to Baliwag Mayor Ferdie Estrella after the controversial episode of “Abot-Kamay Na Pangarap" on February 14, 2024.
PHOTO/S: Angel Javier/GMA Drama
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results