Naglabas ng pahayag ang kampo ni Dominic Roque kaugnay ng mga alegasyong ibinabato sa kanya ng veteran showbiz talk show host na si Cristy Fermin.
Kabilang na rito ang pahiwatig na may ugnayan si Dominic sa kapwa lalake.
Lumabas ang isyung ito pagkatapos makumpirmang break na si Dominic at ang fiancée nitong si Bea Alonzo.
Read: Bea Alonzo and Dominic Roque: A Relationship Timeline
Ang pahayag ng aktor ay inilabas ng kanyang legal counsel na Fernandez & Singson law office, at inilathala ng GMA News Online ngayong Lunes, February 20, 2024.
Mariing kinondena ng kampo ni Dominic ang "malicious and defamatory public statements of Ms. Fermin."
Ayon pa statement, nagbato umano si Cristy sa YouTube vlog nito ng akusasyon "under the guise of entertainment news without any effort from her to confirm the same from Mr. Dominic Roque."
Nilinaw rin sa nasabing pahayag ang tungkol sa condominium unit na tinutuluyan ng aktor.
Kinumpirma nilang ang nasabing condo ay pagmamay-ari ni Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos, pero mariin nilang itinanggi na “benefactor” ng aktor ang politiko.
Dagdag sa pahayag, “He is embarrassed and apologizes to Mayor Bullet Jalosjos and his family for being dragged into the public conversation because of the malicious, defamatory public innuendos of Ms. Fermin."
Sinagot din sa statement ang tungkol kay dating Congressman Bong Suntay, na ikinakabit din sa pangalan ni Dominic.
“By making such a statement, Ms. Fermin made the innuendo that unreasonably casts doubt on the sexuality of former Congressman Bong Suntay.
“Furthermore, Mr. Dominic Roque does not own a Clean Fuel gas station; in fact, all Clean Fuel gas stations are company-owned."
Tinalakay rin sa statement ang tungkol sa major issue na naikabit na dahilan umano ng hiwalayan nina Dominic at Bea — ang prenuptial agreement.
Iginiit nilang sina Dominic at Bea “never fought nor had a disagreement over a prenuptial agreement.”
Dagdag pa sa pahayag: “Reckless statements relating to the alleged disagreement over a prenuptial agreement between them are not only unverified but merely based on speculations intended to produce a negative image on the parties concerned."
Narito ang kabuuan ng statement ng kampo ni Dominic roque:

Kinumpirma nina Dominic at Bea na tinapos na nila ang kanilang engagement noong February 11, 2024.
Read: Bea Alonzo, Dominic Roque mutually end their engagement
Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Cristy Fermin upang hingin ang kanyang panig sa isyung ito.
Sasagutin daw niya ito sa kanyang programa sa radyo na Cristy FerMinute bukas, February 21.
