Kasama si Thea Tolentino sa pelikulang Take Me To Banaue.
Paglalahad ni Thea tungkol sa kanyang papel sa pelikula, “I play the role of Jinky Pascual. Jinky is a Filipina who lives in Baguio, na businesswoman siya, very independent.
“Pero at the same time gusto niyang magkaroon ng baby na kahit siya lang yung magpalaki and ang catch dito is ang gusto niya is mixed-race baby.
“So, kahit magpabuntis siya sa foreigner, okay lang kahit hindi panagutan kasi iyon yung dream niya.
"Kasi ang tingin niya is any Filipina na mixed yung lahi is magiging successful dito sa Philippines, iyon yung tingin niya sa life.”
Bida rin sa pelikula sina Maureen Wroblewitz (bilang si Grace) at ang American actor na si Brandon Melo (bilang si Hank).
Read: Take Me To Banaue starring Maureen Wroblewitz at Brandon Melo, puwedeng i-rent o bilhin
Ayon pa kay Thea na natatawa, “For a change hindi ako third party."
Kuwento pa niya, "Yung characters namin ni Maureen ay hindi nagtagpo dito, pero yung characters namin ni Brandon nagtagpo dito.
"And may scene na pinag-uusapan namin ni Brandon si Maureen, and that’s how I know Maureen lang thru the entire movie, ganun lang.
“Pero dito sa movie na ito kakaiba kesa sa mga ginawa kong roles, usually kasi kontrabida yung roles ko, at saka very serious yung mga roles ko.
"Dito sa Take Me To Banaue, I explored the comedic side of acting naman.”
Read: Thea Tolentino proud of being able to juggle showbiz career and studies
THE TOLENTINO: COMEDIENNE OR CONTRAVIDA?
Talaga, komedyana si Thea sa pelikula?
Lahad niya, “Sobrang nagulat din ako kasi off-cam tumatawa din yung mga… yung mga nasa taping, tumatawa din sila.
"Kaya ko palang maging funny kahit papaano,” at muling tumawa si Thea.
Kaugnay ng kanyang pahayag, naungkat ni Thea ang Hollywood actor na si Dylan Rogers, ang kanyang co-star na hindi nakadalo sa red -carpet premiere ng Take Me To Banaue nitong Pebrero 10 sa Cinema 2 ng EDSA Shangri-La Plaza.
Aniya, “Sayang nga lang wala dito si Dylan, kasi siya yung kasama ko dun sa lighter comedic side nung movie.”
Natanong si Thea during the premiere kung saan siya mas kumportable, sa ganitong character niya sa Take Me To Banaue o doon sa nakasanayan na niyang mga kontrabida roles?
“Kumportable pa din ako sa pagtataray,” ang muling tumatawang sambit ng aktres.
“Medyo kabado pa din ako kasi pag sa comedy. Dapat may timing. Ako alam ko sa sarili ko, wala akong timing,” at muling natawa si Thea.
Pero ang mga naiibang papel raw ay nasa bucket list ni Thea.
“Yes, kasi if I don’t do new things, if I don’t explore new things, how will I learn?”
Mapapanood ang Take Me To Banaue via streaming sa www.takemetobanauefilm.com na nagkaroon na rin ng mga special premieres at screenings sa iba-ibang bansa tulad ng Amerika.
Ang iba nga rito ay dinaluhan pa ni Thea.
Masayang pagbabalita niya, “Yes, parang may ten screenings dun tapos dun sa ten, tatlo lang yung napuntahan ko.
“Sobrang saya kasi first time ko ding mag-U.S,, and iba. Iba yung pagtanggap ng mga kababayan natin dun, kasi nami-miss nila ang Pilipinas.
“Tuwang-tuwa sila na napapanood nila sa big screen ang Pilipinas, kung gaano kaganda ito.”
Read: Thea Tolentino admits 'matigas ang ulo ko' when it comes to love
SHOWING SOON ON BIG SCREEN
At nito ngang Pebrero 10 ay unang beses na napanood dito mismo sa Pilipinas ang Take Me To Banaue.
Bulalas ni Thea, “Sobrang happy ako na finally napanood niyo ito, napanood ng family and friends ko.
"It’s something new for me because I always do antagonist roles, very serious characters.
"Pero sa Take Me to Banaue nakita niyo yung puwede pala akong maging funny kahit papaano, and puwede ding malandi.
“Sobrang thankful ako for this opportunity kasi it’s really something new na iyon nga, pumunta sa ibang bansa and ngayon na makikita ito ng mga Pilipino dito sa Pilipinas.
"Sobrang nakakakaba pero at the same time sobrang nakakataba ng puso.”
Unang proyekto rin ito ni Thea na may mga kasamang foreign actors tulad nga nina Brandon at Dylan.
“Yes po, it’s my first.”
Kumusta?
“Sobrang nakakakaba,” unang bulalas ni Thea. “Nung una kasi iniisip ko na baka different yung styles ng acting when it comes sa U.S, at saka dito sa Pilipinas, pero parang parehas lang naman pala.
“And I’m very blessed to be part of this film kasi yung lahat ng kasama kong artista dito they’re very kind.
"Talagang approachable, wala kang mapi-feel na pressure, talagang nag-e-enjoy lang sa set, and that is important para magawa ko ng maayos yung trabaho ko.”
Ang Take Me To Banaue ay sinulat nina Jason Rogers at Danny Aguilar.
