Makuntento sa kulay na ibinigay sa atin.
Ito ang reaksiyon ni Senator Nancy Binay kaugnay ng pagpapa-glutathione drip (gluta drip) ni Mariel Padilla.
Nagsagawa si Mariel ng gluta-drip session sa opisina ng kanyang mister na si Senator Robin Padilla sa Senate.
Ipinost ito ni Mariel sa Instagram nitong February 21, 2024.
Matinding bashing ang natanggap ni Mariel mula sa publiko.
Read: Mariel Padilla receives backlash for gluta-drip session at husband Senator Robin Padilla’s office
Kasama sa mga kumastigo sa TV host si Sen. Binay dahil bukod sa ginawa niya ang session sa isang government building, wala pang Food and Drug Administration (FDA) approval ang gluta drip.
Sa mga nagtatanong, naglabas ng statement si Sen. Binay dahil siya ang chair ng Senate Committee on Ethics and Privileges.
Pahayag ng senadora, dapat ay naging responsable si Mariel sa kanyang iniendorso dahil isa siyang public figure.
“Bilang celebrity tapos asawa pa siya ng isang senador, dapat we should be aware yung power namin to influence people,” pahayag ngb senadora sa interview ng Teleradyo 630 ngayong Sabado, February 24, 2024.
“Napakahirap kasi, what if may gumaya sa kanya at nagkaroon ng problema dahil apparently, hindi pa pala siya allowed as a whitening treatment?”
SENATOR BINAY SAYS WHITENING IS NOT BASIS OF GOOD LOOKS
Nagsalita rin si Sen. Binay sa reaksiyon ni Robin matapos ma-bash ang asawang si Mariel.
Humingi ng paumanhin ang mag-asawa dahil sa nangyari.
Pangangatuwian ni Robin: "My wife loves to promote good looks and good health.”
Read:
- Mariel Padilla on viral gluta-drip session: "Kung sa tingin ninyo mali... Sorry."
- Robin Padilla apologizes for Mariel's gluta-drip session at his office; says: “My wife loves to promote good looks and good health.”
Kinontra ito ni Sen. Binay sa kanyang radio interview.
“It’s not good health kasi wala siyang FDA approval.”
Natatawa pang giit ng senadora, “Sa akin din, yung pagwa-whitening hindi din batayan ng good looks, di ba?
“Ang sa akin kasi, we should always be comfortable doon sa skin na binigay sa atin, di ba?
“Sabi ko nga, ang gulo nga, e. Yung mapuputi [foreigners], pumupunta dito para magpaitim.
“Yung maiitim naman, nagpapaputi, di ba.
“We should always be comfortable with our skin because doon talaga, magkakaroon ka ng confidence, di ba, yung acceptance kung ano ka…”
Ang gluta drip ay sinasabi ring mabisa bilang antioxidant at pang-detoxify ng liver, pero ang pinuntirya ng senadora ay ang whitening benefit nito..
Sa kanyang social media accounts, muling iginiit ni Sen. Binay ang kanyang panig sa isyung kinasangkutan ni Mariel.
Nag-post siya ngayong Sabado, February 24, 2024.
Post niya (published as is), “As public figures, sana aware din tayo sa responsabilidad natin sa publiko.
“We might be promoting something na ipinagbabawal at iligal, at akala ng mga tao eh okey lang.
“Isipin din natin may kasamang kapanagutan ang pagiging artista, lalo na kung senador ang asawa mo.”
Ang gluta drip ino-offer ng mga beauty clinics, bagamat iginiit ng FDA hindi ito aprubado ng ahensiya.
Nitong Biyernes, February 23, maging si Department of Health (DOH) Secretary Teddy Herbosa ay nag-tweet at nagbabala na hindi ligtas ang paggamit ng glutathione bilang skin lightening agent.
[twitter:
FDA Advisory No. 2019-182 || UNSAFE USE OF GLUTATHIONE AS SKIN LIGHTENING AGENT - Food and Drug Administration https://t.co/7y3MwKKoHw
— Teddy Herbosa MD ? (@Teddybird) February 23, 2024
]
