Hindi sinipot ng na-dismiss na pulis na si Allan De Castro at driver-bodyguard nitong si Jeffrey Magpantay ang imbestigasyon ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ngayong Martes, February 27, 2024.
Sina De Castro at Magpantay ang mga pangunahing suspek sa Catherine Camilon case.
Read: Who is Catherine Camilon?
Ayon sa mga senador, dapat ay present na ang dalawa sa susunod na hearing kaya kailangan silang isyuhan ng subpoena.
Sa ulat ng ABS-CBN News Online, sinabi ng abogado ni De Castro na si Atty. Ferdinand Benitez na hindi nakadalo sa pagdinig ang kanyang kliyente dahil inaalagaan daw nito ang misis na buntis.
Bahagi ng sulat ni De Castro, “My wife is eight months pregnant and is currently having immense pains. I am personally attending to her and our incoming child as I am of the impression that there is a great risk on both my wife and child who is still in her womb.”
Sinabi naman ni Magpantay na may sakit ang kanyang abogado kaya hindi siya nakadalo sa pagdinig at walang gagabay sa kanya sa pagsagot sa mga tanong.
Ayon naman sa chairman ng committee na si Senator Ronald “Bato” dela Rosa, dating Philippine National Police chief, "flimsy alibi" ito.
Saad ni Dela Rosa, “You should come here. Hindi yan rason na buntis ang asawa mo. Ako noon, tatlo ang anak ko, pinanganak na wala ako sa tagiliran ng asawa ko.”
Sinabi naman ni Police Brig. Gen. Kenneth Lucas, chief of Police Regional Office Calabarzon, na sinabihan siya ni De Castro noong Lunes, February 26, na willing siyang um-attend sa hearing pero ang abogado raw nito ang may ayaw.
Read: Kidnapping, illegal detention filed vs four suspects in Catherine Camilon disappearance
Samantala, hindi pa rin natutunton ang kinaroroonan ng beauty queen na si Catherine.
Ayon sa ina nitong si Rose Camilon, nais lamang malaman ng kanyang pamilya kung nasaan na ito at kung ano ang nangyari rito.
“Magli-limang buwan na po at wala kaming alam kung nasaan na siya,” sabi nito.
Sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 4A deputy chief Police Major Nilo Morallos noong January 2024, lumalabas na “patay” na si Camilon base sa mga kuwento ng mga saksi.
Saad ni Morallos, "We are hoping for the best, pero we are expecting the worst. Sa flow po ng investigation namin, hindi namin masasabi kung wala na talaga.
"Pero based po doon sa account ng witnesses namin, it appears na, iyon na nga po, patay na nga po."
Read: Prime suspect in Catherine Camilon disappearance faces dismissal
October 12, 2023 pa napaulat ang tungkol sa pagkawala ng Miss Grand Philippines 2023 candidate at Grade 9 teacher.
Read: Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon "missing" according to mom, sister
