PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jo Berry wishes to play kontrabida role in future projects

"Aaralin ko yung pagiging bad. Pero kahit wala muna yung mga sampal-sampal."
by Rose Garcia
Published Mar 4, 2024
Jo Berry
Masaya si Jo Berry sa third series na pagbibidahan niya sa GMA-7, ang Lilet Matias: Attorney-At-Law, na magsisimulang ipalabas sa March 4, 2024.
PHOTO/S: @thejoberry on Instagram

Simula sa March 4, 2024, mapapanood na ang bagong GMA afternoon prime series na Lilet Matias: Attorney-At-Law, na pinagbibidahan ni Jo Berry.

Sa pagkakataong ito, gagampanan ni Jo ang karakter na isang lawyer.

At dahil naging patok dito sa Pilipinas ang South Korean series na Extraordinary Attorney Woo (2022), na pinagbidahan ng award-wining actress na si Park Eun-bin, inakala ng marami na hango rito ang Lilet Matias: Attorney-At-Law.

Pinabulaanan ito ng director na si Adolf Alix Jr., na sinabi sa nailabas ng article ng Cabinet Files na base ito sa "actual little person na lawyer."

Read: Lilet Matias: Attorney-at-Law, hindi inspired by Extraordinary Attorney Woo

Pero ayon naman sa bidang si Jo, "Tinanong ko po, parang isa ‘yon sa pineg nila."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres sa ginanap na mediacon ng serye sa Manila City Hall noong February 24.

Dahdag niya, "Kasi marami rin pinanood yung mga writers namin na shows and tinanong ko po. Siyempre, nakakaragdag iyon sa pressure, yung may paggagayahan. May pine-peg silang palabas. At isa nga raw po iyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinanood din daw ni Jo ang Extraordinary Attorney Woo bago pa man siya inalok na gampanan ang karakter ni Lilet Matias.

“Pinanood ko po, bago pa po i-offer. Natuwa po ako siyempre dahil very personal din siya, dahil gusto ko rin na maging lawyer.

"At noong napanood ko siya, nakita ko kung paano siya mag-perform.”

JO BERRY'S WISH: BECOME KONTRABIDA

Malaki naman ang pasasalamat ni Jo dahil sa tiwala sa kanya ng GMA-7.

Sabi nga ng writer na ito sa kanya, kung ikukumpara sa ibang mga Kapuso female stars, madalas na napupunta sa kanya ang roles na bida at talagang kakaiba.

“Thankful po,” nakangiting sabi niya.

“Yun nga, kagaya ng palagi kong sinasabi, alam ko naman kung gaano kalaki ang magagastos at effort ng lahat ng tao kapag sumugal sila sa isang artista.

"Kaya grateful po ako, at kaya rin araw-araw ako sa taping na ginagalingan ko.

“Isa rin po yon sa nagiging fuel ko is yung tiwala ng mga bosses na binigay sa akin. Mga writers—kasi, hindi rin naman po ako mapupunta rito kung hindi dahil sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jo Berry malaki ang pasasalamat sa GMA-7 dahil sa "tuluy-tuloy" na trabaho

Malalaking karakter na ang nagampanan niya dati, pero kung tatanungin daw si Jo, gusto raw niyang maranasang maging kontrabida.

“Gusto ko pong maging kontrabida kung bibigyan nila ako para ma-try natin,” natawang sabi niya.

Sino ba ang gusto niyang apihin?

“Wala naman akong gustong ganunin, pero gusto kong ma-try yung pagiging kontrabida.

"Siyempre, aaralin ko yung pagiging bad. Pero kahit wala muna yung mga sampal-sampal."

Ang natatawa pa niyang sabi, “"At the top of my head, wala pa akong naiisip.

"Pero wala naman akong gustong apihin. Grabe naman.”

Pero sa huli, nagbanggit din ito ng isang Kapuso actress.

“Siguro yung kaapi-api na sobra, o, di ba, sinagot ko rin,” natawang sabi niya.

“Si Sanya Lopez, kasi, gusto ko siyang maka-work. Pero puwede mo namang apihin ng ibang way. Napakabait ng itsura.”

JO BERRY'S REUNION WITH SUPERSTAR

Magsisilbing reunion naman nina Jo at ng Superstar na si Nora Aunor ang Lilet Matias.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Una silang nagkasama sa una niyang pinagbidahang teleserye, ang Onanay.

Read: Nora Aunor, ipinakiusap sa mga anak na mahalin si John Rendez

Naging malapit daw sila sa isa’t-isa kaya natuwa raw talaga siya nang malamang makakasama niya ang Superstar sa Lilet Matias.

“Clingy po kasi ako, kaya noong sinabi nila na kasama siya sa magiging guest, sobra po akong na-excite talaga. Kasi noong binigyan ako ng pagkakataon, super thankful na ko roon. Tapos binigyan ulit ako na maka-work siya, National Artist.

"Kaya sabi ko talaga, ‘Nanay, magwo-work tayo ulit.’ Excited nga rin po siya."

Read: National Artist Nora Aunor on some younger stars: “Dadaan-daanan ka na nga lang.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Masaya si Jo Berry sa third series na pagbibidahan niya sa GMA-7, ang Lilet Matias: Attorney-At-Law, na magsisimulang ipalabas sa March 4, 2024.
PHOTO/S: @thejoberry on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results