PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lem Lorca: Beauty Gonzalez, a Cate Blanchett Charmer

Director Lem Lorca says Beauty Gonzalez is the "perfect choice" for Paquil.
by Jerry Olea
Published Mar 5, 2024
lem lorca beauty gonzalez paquil
Director Lem Lorca on Paquil lead actress Beauty Gonzalez: “Hindi mo matatawaran yung binibigay niya sa pelikula, na we are so grateful sa binibigay ni Beauty sa pelikula namin, na parang inangkin na niyang sa kanya. And there’s nothing more flattering to a filmmaker na yung artista mo would have the same passion and love for the project."
PHOTO/S: Jerry Olea / @beauty_gonzalez on Instagram

Na-flatter si Direk Lem Lorca sa pagdidirek kay Beauty Gonzalez sa pelikulang Paquil, na syinusyuting nila sa Pakil, Laguna.

“She is a movie star!” bulalas ni Direk Lem sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) nitong Marso 3, 2024, Linggo ng gabi, sa Café Emeterio sa Pakil.

“Parang sabi ko, pag pinapanood ko siya, para siyang Cate Blanchett. Yung hugis niya, yung katawan niya, yung mukha niya. And the talent talaga!"

Si Cate Blanchett ay ang Australian actress na dalawang beses nang nanalo sa Oscars: noong 2004 bilang Best Supporting Actress para sa The Aviator at noong 2013 bilang Best Actress para sa Blue Jasmine.

Pagpapatuloy ng direktor tungkol kay Beauty, “Hindi mo matatawaran yung binibigay niya sa pelikula, na we are so grateful sa binibigay ni Beauty sa pelikula namin, na parang inangkin na niyang sa kanya.

“And there’s nothing more flattering to a filmmaker na yung artista mo would have the same passion and love for the project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kay Beauty, ibinigay niya sa amin. And she even gave us the greatest gift of having her daughter act in our film as the young Cristina, which is the character na ginampanan ni Beauty.”

First time umarte ng eight-year-old daughter ni Beauty na si Olivia Crisologo.

Read: Beauty Gonzalez, husband Norman Crisologo decide not to have another baby

Napangiti si Direk Lem, “Akala nga ni Beauty, maglalakad lang yung anak niya, e. Magpapa-cute lang. Hindi!

“Pinartner namin kay Sir Leandro Baldemor. May iyakan scene. Surprisingly, pleasant surprise talaga na nakaya nung bata.

“First movie niya, first acting niya, at intense yung eksena talaga! Si Beauty, nagulat din.

“Si Beauty, stage mom! Ha! Ha! Ha! Ha! Nakatutok! And even the father, niloloko namin kunwari, mga stage parents itong mga ito pag naging artista ang anak nila.

“Kasi nakatutok talaga sila. Kasi, first time nung bata. And she’s so cute.”

PERFECT CHOICE

Pananalig ni Direk Lem, perfect choice si Beauty para magbida sa pelikulang Paquil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-enshrine kasi ang milagrosang Nuestra Señora de los Dolores de Turumba (Our Lady of Sorrows of Turumba) sa parokya ni San Pedro de Alcantara (St. Peter of Alcantara), o Pakil Church.

Salaysay ni Direk Lem, “When we first met Beauty, pinatawag niya kami sa condo niya sa Maynila.

“We’re surprised dun sa collection ni Beauty sa Turumba. Kasi yung condo niya, punung-puno ng image ng Our Lady of Sorrows.

“Tapos ang pangalan ng karakter ni Beauty ay Cristina, ang tunay niyang pangalan ay Christine.

“Tapos nung tinanong namin, ‘Bakit ganun ka ka-connected sa Our Lady of Sorrows?’ — sabi niya, si Olivia, yung anak niya, meron daw tears just like Our Lady of Sorrows, na birthmark dito sa ano.

“Sobrang special nung connection na iyon na nakita namin between Beauty and the Virgin Mary, at saka sa pamilya nila.

“Kasi collector sila ng art, ng mga paintings. So ayun.”

WORKING WITH JM DE GUZMAN AGAIN

Ang katambal ni Beauty sa Paquil ay si JM de Guzman, na naidirek ni Direk Lem bilang title role sa pelikulang Intoy Syokoy ng Kalye Marino (2012).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inamin ni JM na mula noon hanggang ngayon ay may struggles siya.

Read: JM de Guzman admits he's still struggling with anxiety, depression

Pahayag ni Direk Lem, “I guess with JM naman, just like anybody else, lahat naman tayo, may pinagdadaanan.

“After mong ma-overcome ang isang bagay, meron na namang bago kang pagdadaanan. And that’s just part of being alive. And being part of the earth.

“So, ayun po, with JM, napakaespesyal kasi ng pelikula kong ito with JM. Kasi, Archie del Mundo, when he was writing the script, si JM kaagad ang nasa isip namin to play the role.

“Kaya sobrang special for me. Kasi, reunion namin ito after 12 years.”

Iba na ang dynamics nila this time, lalo pa’t kapwa marami silang pinagdaanan at natutunan mula noon.

“Sabi ko nga, pag ginawa namin iyung Intoy Syokoy ngayon, ibang pelikula na iyan,” sambit ni Direk Lem.

“Pero let’s just leave it at that. Iit will serve as a special memory para sa amin nina LJ Reyes, nina JM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi we formed a really special bond, until now. Kahit hindi kami nag-uusap nang madalas, nagkikita… pag nagkita-kita kami, nag-usap, nandun iyung care and love for each other.

“Kaya sobrang special nung reunion. Kasi, antagal-tagal na… and tinawagan namin si Tito Boy Abunda, producer namin sa Intoy Syokoy.

“And masaya si Tito Boy na JM is doing well. JM is as normal as he can get. Kasi nga, sabi nga niya, iyong demons naman natin, never mawawala iyan.

“Lagi naman tayong merong obstacle, challenges na pinagdadaanan. And the same with JM, hindi mawawala.

“Hangga’t buhay, andiyan palagi ang challenges sa buhay. So the same with JM.”

LEM LORCA'S FILMOGRAPHY

Maliban sa Intoy Syokoy ng Kalye Marino, kabilang pa sa mga pelikulang dinirek ni Lem Lorca ang Broken Hearts Trip (MMFF 2023), Siglo ng Kalinga (2023), The Last Five Years (2022), Ang Maestra (2017), Ned’s Project (2016), Echorsis (2016), Water Lemon (2015), Mauban: Ang Resiko (2014), at Bola (2012).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Idinirek din niya ang mga Puregold online series na My Plantito at 52 Weeks.

Itong Paquil ang first movie niya na may religious undertone.

Pagtatapat ni Direk Lem, “Ang tatay ko po kasi, taga-Mauban, Quezon. Ang bawat lupi ng Turumba, may araw ang mga taga-Mauban.

“Ang tatay ko po ay nagpupunta dito sa Pakil pag merong Turumba noong dekada ‘80, ‘90.

“Never po akong naisama pero ang koneksiyon ko sa Turumba ay sa taka ng kabayo.

“Kasi, pag Turumba, nagugulat na lang kami… kasi, bakit kalahati ng bahay namin, kalahati ng community namin sa Mauban, bakit nawawala?

“Yun pala, nagpupunta sila dito sa Pakil. Tapos kinabukasan paggising ko ng umaga, meron na akong takang kabayo sa bahay.

“So, iyon po ang pinaka-connection ko sa Turumba. Kasi, ang tatay ko, palaging andito.

“So when the script was made and it was introduced to us last year, January 2023, the idea of having a Turumba here in Pakil… hindi ako nag-hesitate. Kasi, gusto ko talaga siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iyong pelikula ay para siyang love story, na ang ginamit naming mechanism sa pagkukuwento ng love story ng character ni Beauty at ni JM, is through Turumba, Mahal na Birhen, at ang himala ng Pakil.

“So, kung ikaw ay deboto, meron kang makikitang mga himala here and there, mga maliliit na himala sa buhay ng mga characters natin.

“At kung hindi ka naman Katoliko, hindi ka naman believer, you will see a magic realism na type of story na hopefully, maantig ang puso ng mga tao.

“Mga deboto lalo na, especially. Kasi parang love letter ito sa Pakil, e.”

BIRHEN NG TURUMBA

Sa prusisyon ng Birhen ng Turumba, sumasayaw ang mga deboto habang umaawit, “Turumba, turumba Mariangga/ Matuwa tayo't magsaya/ Sumayaw ng tuturumba/ Puri sa Birheng Maria/ Sa Birhen!

“Turumba, turumba sa Birhen/ Matuwa tayo't mag-aliw/ Turumba'y ating sayawin/ Puri sa Mahal na Birhen/ Sa Birhen!

“Biyernes nang makita ka/ Linggo nang iahon ka/ Sumayaw ng tuturumba/ Puri sa Birheng Maria/ Sa Birhen!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Turumba, turumba sa Birhen/ Turumba, turumba sa Birhen/ Turumba'y ating sayawin/ Puri sa Mahal na Birhen/ Sa Birhen!”

First time naranasan ni Direk Lem na mag-Turumba noong nakaraang taon.

Sabi ni Direk Lem, “May power and energy kang mararamdaman na hindi mo maipaliwanag na at one point, you will just see yourself crying non-stop.

“Na hindi mo maipaliwanag why you’re crying… nung pumasok na yung Birhen, lumabas iyong Birhen ng simbahan, pumasok… meron siyang power na ibinigay sa akin.

“So sabi ko, when we were developing the script, sabi ko, sana, maramdaman ng mga tao kung ano yung naramdaman ng mga deboto.

“Lalo na yung mga first timer, na unexplainable, hindi maipaliwanag kung ano yun.

“It just feels good, at it just feels right to be there.”

Sa Intramuros Grand Marian Procession na ginaganap tuwing unang Linggo ng Disyembre mula sa Plaza de Roma na nasa harap ng Manila Cathedral, parating ang Nuestro Señora de los Dolores de Turumba ng Pakil, Laguna, ang may pinakamalaking delegasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Lem Lorca on Paquil lead actress Beauty Gonzalez: “Hindi mo matatawaran yung binibigay niya sa pelikula, na we are so grateful sa binibigay ni Beauty sa pelikula namin, na parang inangkin na niyang sa kanya. And there’s nothing more flattering to a filmmaker na yung artista mo would have the same passion and love for the project."
PHOTO/S: Jerry Olea / @beauty_gonzalez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results