PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andi Eigenmann's Tribute: 'No More Pain, No Fear'

Andi Eigenmann: "Magkikita din tayong muli.'
by Arniel C. Serato
Published Mar 5, 2024
andi eigenmann jaclyn jose wake
Andi Eigenmann on late mom Jaclyn Jose: "Ika’y nasa araw, sa ulan, at sa hangin na aking nilalasap. Umaawit ng kantang puno ng pag-asa at ligaya.”
PHOTO/S: Jocelyn Dimaculangan

Idinaan ni Andi Eigenmann sa tula ang kanyang saloobin sa pagpanaw ng inang si Jaclyn Jose.

Sa pamamagitan ng Instagram Story ngayong Martes, March 5, 2024, nagbahagi si Andi ng picture message ng isang tula para sa namayapang ina.

Ayon kay Andi, “Ika’y nasa araw, sa ulan, at sa hangin na aking nilalasap.

“Umaawit ng kantang puno ng pag-asa at ligaya.”

At least ngayon daw ay wala nang sakit na mararamdaman ang ina.

Magkikita naman daw silang muli.

Saad pa ni Andi, “Wala na ang sakit. Wala na ang takot.

“Makikita kita sa mga ulap, maririnig ang iyong mga bulong ng pagmamahal.

“Magkikita din tayong muli.

“Sa ngayon didinggin ko muna iyong mga awit.”

Andi Eigenmann Instagram Story

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumanaw si Jaclyn dahil sa atake sa puso, sa edad na 60, noong March 2, 2024.

Read: Multi-awarded actress Jaclyn Jose dies at 60

Kumalat ang balitang pagkasawi ni Jaclyn, Linggo ng hapon, March 3, 2024.

Kinumpirma ni Andi, anak ni Jaclyn sa namayapang aktor na si Mark Gil, ang pagpanaw ng ina sa pamamagitan ng isang press statement kahapon, Lunes, March 4.

Read: Andi Eigenmann reveals cause of death of mom Jaclyn Jose

Sa unang gabi ng lamay kagabi, March 4, sinamahan si Andi ng half-brother na si Gabby Eigenmann sa pag-estima sa mga nakikiramay.

Andi Eigenmann Jaclyn Jose wake first night

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumating din ang malalapit na tao kay Jaclyn kagaya nina Jake Ejerctio, Alden Richards, at Claudine Barretto.

Andi Eigenmann Jaclyn Jose wake first night

Andi Eigenmann Jaclyn Jose wake first night

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Watch: Andi Eigenmann, Jake Ejercito magkasama sa pagdating ng labi ni Jaclyn Jose

Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andi Eigenmann on late mom Jaclyn Jose: "Ika’y nasa araw, sa ulan, at sa hangin na aking nilalasap. Umaawit ng kantang puno ng pag-asa at ligaya.”
PHOTO/S: Jocelyn Dimaculangan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results