Answered prayer kung ituring ng actress/TV host/chef na si Donita Rose ang pagkakakilala niya sa asawang si Felson Palad.
Sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Martes, March 5, 2024, sinariwa ni Donita ang mga pinagdaanan niyang pagsubok nang magkahiwalay sila ng una niyang asawa na si Eric Villarama noong 2016.
Read: Donita Rose "fully recovered" after divorce from Eric Villarama
Matapos ang dagok na pinagdaanan niya, hindi raw siya nawalan ng pag-asang humiling muli sa Diyos ng bagong iibigin.
Kuwento ni Donita, February 2022 nang magdasal at hilingin niya sa Diyos na bigyan siya ng bagong asawa na makakasama niya habambuhay.
Read: Donita Rose reveals how she discovered ex-husband was cheating on her
Para hindi na muling magkamali sa pag-ibig, idinetalye pa raw ni Donita sa Diyos noon ang mga katangian ng lalaking gusto niyang mahalin.
Kabilang na rito na dapat ay pastor o di kaya'y worship leader, na nahanap naman niya sa katauhan ni Felson.
Si Felson ay isang professional singer-songwriter sa retirement homes at worship leader sa Christian community sa Los Angeles, California.
Pagbabalik-tanaw ni Donita, "I have a prayer list, very specific. Sabi ko, puwedeng pastor, puwedeng worship leader, dapat Pinoy or at least half.
"Dapat guwapo siyempre. Dapat matangkad pa sa akin.
"Dapat siya yung magiging breadwinner, kasi marami akong pinagdaanan.
"At hindi lang yan, dapat nakakatawa."
Read: Donita Rose responds to criticisms about newfound relationship
A VIRGIN HUSBAND
Dagdag pa sa mga katangiang ito ang isa sa birong hiling ni Donita na hindi niya akalaing tutuparin ng Diyos.
Natatawang kuwento ni Donita, "Nag-joke pa ako kay Lord na hindi ko talaga akalain, sabi ko, 'Lord, sana maging virgin ang asawa ko.' Natupad!"
Read: Donita Rose, boyfriend Felson Palad open up about how they met in Los Angeles
Tatlong linggo lang daw matapos humiling at magdasal ni Donita ay nakilala niya si Felson.
Mabilis daw silang nakapalagayan ng loob hanggang sa magdesisyon na silang mag-date para mas makilala pa ang isa't isa.
Dito na raw ipinagtapat sa kanya ni Felson na siya ay virgin pa.
Pagbabahagi ng aktres, "When I met him and we started talking as friends, eventually we started dating, he said, 'May confession ako sa yo. Virgin pa ako.'
"Tapos hindi ko siya sinagot. Sabi niya, 'Bakit na-turn off ka na ba?'
"Sabi ko naman, 'Alam mo ba na iyan ang prayer ko kay Lord?'
"Hindi ko akalaing nakakatawa pala si Lord. Na kaya Niyang sagutin pati yung small things."
Read: Donita Rose introduces new boyfriend on Instagram: “That’s Felson Palad for you peeps.”
Noong September 24, 2022, ikinasal sina Donita at Felson sa San Clemente, California, matapos lamang ang halos pitong buwan nilang pagiging magkasintahan.
Read: Donita Rose ties the knot with partner Felson Palad in California
Bago magpakasal, ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Donita at Felson sa PEP Spotlight na umere noong May 2022.
Dito, ipinagtapat ng dalawa na sampung taon ang pagitan ng kanilang edad.
49 years old na ngayon si Donita, habang si Felson naman ay 39.
Read: Donita Rose reveals how she got convinced to date Felson Palad despite 10-year age gap
