PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Philmar Alipayo bids goodbye to late mother-in-law Jaclyn Jose

Philmar Alipayo: "Mamahalin ka naming lahat hangga’t sa walang hanggan."
by Arniel C. Serato
Published Mar 7, 2024
Philmar Alipayo grateful to late actress Jaclyn Jose for loving them
Philmar Alipayo thanks Jaclyn Jose for loving him, fiancee Andi Eigenmann, and their children Lilo and Koa: "Mami-miss ka namin, lalo na ng mga bata. Salamat sa lahat ng oras sa pag-aalaga at pagmamahal mo sa aming lahat."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Isang nakakaantig na mensahe ang ibinahagi ni Philmar Alipayo, fiancé ni Andi Eigenmann, para sa kanyang yumaong mother-in-law na si Jaclyn Jose.

Wikang Bisaya ang ginamit ni Philmar sa kanyang Instagram Story kagabi, March 6, 2024.

Aniya, “Mingawon kami sa imo samot na an mga bata, Salamat sa tanan oras sa pag alaga sa pag payangga sanan pag mahal sa amo. [Mami-miss ka namin, lalo na ng mga bata. Salamat sa lahat ng oras sa pag-aalaga at pagmamahal mo sa aming lahat.]

“Mahal kaw namo sanan mahalon hangtod sa hangtod [Mamahalin ka naming lahat hanggang sa walang hanggan.]"

Philmar Alipayo's message to Jaclyn Jose

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong nabubuhay pa si Jaclyn ay suportado nito ang pagmamahalan ng anak na si Andi at ng surfer na si Philmar.

Read: Philmar Alipayo: surfing champion to "fun dad" of Baby Lilo

Patunay nito, kilig na kilig si Jaclyn sa engagement ng dalawa noong December 2020.

Read: Andi Eigenmann engaged to surfer Philmar Alipayo

Lahad ni Jaclyn sa Cabinet Files noon, "Yes happy! Kinilig ako sa proposal sa vlog! Yung foggy 'tapos voice lang ang naririnig? And the underwater shot? It was beautiful!”

Tuwang-tuwa rin si Jaclyn dahil sa kanyang mga cute at bibong apo na sina Ellie at Lilo.

Lalo na nung isinilang na ni Andi ang bunsong si Koa.

"Nakakatuwa si Lilo, napakabibo. Malapit na yung pangatlo, excited na rin ako. Masaya ang malaking pamilya."

Read: Jaclyn Jose, kinikilig sa engagement ng anak na si Andi Eigenmann kay Philmar Alipayo

Noong 2019, inamin ni Philmar na nakaramdam siya ng takot nang dumating ang panahong ipakikilala na siya ni Andi sa ina nitong si Jaclyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa sobrang kaba raw niya, ilang araw bago sila magkakilala ay napanaginipan pa ni Philmar si Jaclyn, na kilala sa mga palaban at mataray nitong roles sa telebisyon at pelikula.

"Sobrang kaba. Minsan nga napapanaginipan ko, e. Bago ko nakilala yung mommy niya."

Paglalarawan pa ni Philmar sa eksena na nasa panaginip niya ang beteranang aktres, "Nagagalit sa akin, iiyak ako."

Hanggang sa dumating daw ang araw na personal na niyang nakilala si Jaclyn ay kabado pa rin si Philmar.

"Nung nagkita kami, una, takot muna ako.

"Pero nung pangalawang pagkikita namin, okey na ako," nangingiting kuwento ni Philmar.

Read: Surfer Philmar Alipayo recalls feeling scared before meeting Andi Eigenmann's mom

HOT STORIES

Related Stories:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Philmar Alipayo thanks Jaclyn Jose for loving him, fiancee Andi Eigenmann, and their children Lilo and Koa: "Mami-miss ka namin, lalo na ng mga bata. Salamat sa lahat ng oras sa pag-aalaga at pagmamahal mo sa aming lahat."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results