Naglabas ng opisyal na pahayag ang GMA Network hinggil sa pagtatapos ng Kapuso noontime show na Tahanang Pinakamsaya.
Ngayong Huwebes, March 7, 2024, kinumpirma ng TAPE Inc., producer ng Tahanang Pinakamasaya, na hanggang ngayong araw na lang ang pag-ere ng nasabing noontime show.
Pahayag ng TAPE, "It is with heavy heart that we inform our televiewers that our noontime show 'Tahanang Pinakamasaya' on Kapuso network, GMA 7, will no longer be on air effective March 8, 2024.
"TAPE, Inc. extends its profound gratitude to home network GMA 7, for a long and fruitful partnership.
"GMA 7's kind consideration and understanding of the company’s unwanted circumstances have been instrumental in helping the company in this transition.
"Despite our best efforts to save the show, both parties have reached a mutual agreement to finally call off the show.
"To the loyal viewers, esteemed hosts, supportive advertisers, hardworking crew and dedicated employees who have been with us from the beginning-from the longest running noontime show 'Eat Bulaga' to the present 'Tahanang Pinakamasaya' — our sincerest 'Thank you' and optimistic 'See you again!'"
Read: Tahanang Pinakamasaya officially goes off the air
Makalipas ang ilang oras ay naglabas din ng pahayag ang pamunuan ng GMA-7.
Anila, maging sila ay ikinalulungkot ang nangyari ngunit iginagalang daw nila ang naging desisyon ng TAPE.
Kalakip nito ang pasasalamat ng GMA Network sa TAPE sa ilang dekada nilang pananatili at pagtitiwala sa Kapuso Network magmula pa noong Eat Bulaga! hanggang sa maging Tahanang Pinakamasaya.
Read: TVJ wins copyright infringement, unfair competition cases vs TAPE, GMA-7
Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:
"Due to unavoidable circumstances, TAPE has made the difficult decision to cease the airing of 'Tahanang Pinakamasaya.'
"GMA Network would like to thank TAPE for its invaluable contribution to noontime programming for the past decades, which Filipinos will surely remember for many years to come.
"The Network will always be grateful to TAPE for its partnership over the past decades.
"Maraming salamat, Kapuso."
Nagsimulang maghinala ang maraming netizens na may malaking problemang kinahaharap ang noontime show nang nadiskubre nilang pagkatapos ng live streaming ng Tahanang Pinakamasaya noong March 2 ay nawala na ito sa Facebook account ng TAPE, Inc.
Read: Tahanang Pinakamasaya, wala na sa Facebook; tuluyan nang sisibakin sa ere?
Dito na umugong ang espekulasyong baka mawala na ito sa ere matapos mapabalitang may malaking utang diumano ang TAPE sa GMA-7 na umabot sa halos PHP800 million.
Read: Tahanang Pinakamasaya, PHP800M ang utang sa GMA-7 na naipon mula sa OG Eat Bulaga!?
Nagpadagdag pa sa hinala nila nang hindi na mag-live ang Tahanang Pinakamasaya.
Simula kasi noong Lunes, March 4, hanggang ngayong Huwebes, March 7, replays na ang napapanood sa timeslot nito.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa nagbibigay ng reaksiyon ang TAPE tungkol sa napapabalita nilang utang sa GMA-7.
Read: Tahanang Pinakamasaya, replay na ang pinapalabas; kapalit na show, ginagawa na ang set?
