Binati ni Claudine Barretto ang nakatatandang kapatid na si Gretchen Barretto sa kaarawan nito.
Ipinagdiwang ni Gretchen ang kanyang 54th birthday noong March 6, 2024.
Mensahe ni Claudine para sa kanyang Ate Gretchen, “Happy happy birthday to our country’s beautiful girl who just happens to be my Ate. i luv u so much. miss u too @mimiyque”
View this post on Instagram
Si Mimi Que na nabanggit ni Claudine ay "bestie" ni Gretchen.
Si Mimi ang madalas kasama ni Gretchen sa kanyang mga lakad.
Read: Celebrity BFFs who fascinate netizens
Katunayan, noong isang linggo ay magkasama ang dalawang nagbakasyon sa Hong Kong.
Post ni Mimi sa Instagram, “More HK moments [heart emoji]”
View this post on Instagram
Bilang pagbati kay Gretchen, sinabi ni Mimi, “Life is changing everyday. But one thing that remains constant is our friendship. I love you and I’m grateful for you everyday [heart emoji] Happy Birthday, my beautiful bestie #friendship #throughtheyears”
View this post on Instagram
Mapapansin naman sa Instagram Story ni Mimi na nagkaroon sila ng simpleng pagtitipon para sa kaarawan ni Gretchen kasama ang ilan pang kaibigan.

Sa isang picture ay makikitang nasa selebrasyon din si Atong Ang, ang business partner ni Gretchen.

Nag-post din ang make-up artist na si Dennis Santos ng pagbati kay Gretchen.
Aniya, “The birthday girl La Greta #gretchenbarretto #makeupbydennissantos #joanahair #DasmaHome”
View this post on Instagram
Wala nang iba pang pagbati para kay Gretchen, na mas pinili ang pribadong buhay matapos nitong iwanan ang mundo ng social media.
Read: Gretchen Barretto talks about life without social media; misses her bashers
