Pinusuan ng maraming netizens ang kumalat na picture ng Kapuso actor na si David Licauco at ng Kapamilya actress Kathryn Bernardo na kuha sa fashion show ng Bench.

Sa presscon ng Sparkle Goes To Canada kahapon, March 12, 2024, inusisa ng media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), si David tungkol dito.
Tanong ng PEP.ph, "David, anong masasabi mo na nag-viral yung picture mo with Kathryn?"
Sagot ng tinaguriang Pambansang Ginoo, “I’m a big fan of Kathryn.
"Noong bata-bata pa ako, pinapanood ko yung mga pelikula nila ni Daniel [Padilla].
"I’m so happy to see her as a fan, I guess. Ayun."
Kung sakaling may iaalok sa kanyang proyekto kasama si Kathryn, hindi raw siya mag-aatubiling tanggapin ito.
"Oo naman, siyempre. Anything na sa work, I’ll do it," sambit ni David.
Read: Barbie Forteza and David Licauco more comfortable now with BarDa love team
Vocal si David noon pa na gusto niyang makatrabaho ang KathNiel.
Sa isang endorsement launch niya noong February 2023, natanong siya kung sino ang nais niyang makatrabaho mula sa Kapamilya network.
Mabilis na sagot ni David, "I would love to work with Kathryn."
Paliwanag niya, "I’m a big KathNiel fan and growing up, sila talaga yung pinapanood ko.
"Kinikilig ako sa sinehan kasama ko yung mga family ko or friends and mga girlfriends ko before.
"So, yeah, I’m a big KathNiel fan."
Kuwento pa ni David, ilang beses na niyang nakasalamuha si Kathryn at ang boyfriend nito noong si Daniel dahil sa clothing brand na pareho nilang iniendorso.
Aniya, "I’ve met them a couple of times sa Bench na fashion show, but I never really got to talk with them."
Open ba siyang maging third party nina Kathryn at ni Daniel sa isang pelikula?
Sagot ni David, "Why not? Kasi KathNiel yun, e, di ba? I’m a big fan."
Dagdag pa niya, si Daniel ang isa sa mga iniidolo niyang aktor sa industriya.
"Actually, every time na may mabigat akong eksena, pinapanood ko yung mga eksena ni Daniel.
"Yung mga pauses niya, kung paano siya magsabi ng specific line. Kasi siya talaga yung tinitingala ko sa showbiz."
Read: David Licauco hopes to work with Kathryn Bernardo, Daniel Padilla
Inanunsiyo nina Kathryn at Daniel ang kanilang breakup noong November 30, 2023, matapos ang labing-isang taong pagiging magkasintahan.
Read: End of KathNiel Era: A timeline of their generation's hottest box-office love team
