Ipinagpaliban muna ni Kris Aquino ang kanyang hospital confinement dahil nagkaroon ng COVID alert sa California, USA.
Ito ang ibinalita ni Batangas Vice-Governor Mark Leviste sa panayam ng ilang media.
Sa ulat ng philstar.com, sinabi ng politiko na nagkaroon ng COVID outbreak sa medical facilities sa California kaya hindi muna tumuloy si Kris na magpa-confine.
Kasalukuyang nasa Orange County, California, si Kris.
Pagbabahagi ni Mark, "She postponed her confinement at UCLA hospital. While I was still there, nagkaroon ng COVID alert sa mga medical facilities.
"That's why I decided to go home first kasi waiting time. But any time that she needs me to be in Los Angeles, of course, I'll give it my utmost priority."
Read: Kris Aquino reconciles with Mark Leviste; reunites with Kim Chiu
Kailangan din daw munang tugunan ni Mark ang mga pangangailangan ng kanyang probinsiya. Pero kapag kailangan daw siya ni Kris ay mas mabilis pa sa alas-kuwatro siyang lilipad papuntang California.
Aniya, “Siyempre, may mga responsibilidad naman din ako dito kaya kailangang magtrabaho din.
"But as I’ve said, isang tawag lang, mabilis pa ako sa alas-kuwatro na darating sa Los Angeles."
Read: Kris Aquino says her health issue "has become more complex"
Posibleng pagkatapos ng Holy Week ay bumalik si Mark sa Amerika para alamin ang kalagayan ni Kris.
Salitan naman daw sila ng mga kapatid na babae ni Kris na nag-aalaga sa TV host-actress.
Ani Mark, “Well, kung walang emergency, after Holy Week.
“Kasi nagsasalitan din kami ng mga sisters niya, ibang kaibigan, para hindi sabay-sabay din.
"That way, we are assured that Madam is in good company, other than the good company of Bimb kasi si Kuya Josh nandito sa Pilipinas, e."
Sina Bimby at Joshua Aquino ay mga anak ni Kris.
Read: Kris Aquino reveals latest health scare; will undergo iron infusion
Noong February 14, 2024, Valentine's Day, mismong ika-53 kaarawan ni Kris, ipinaalam ng TV host-actress sa publiko na malala na ang kalagayan niya at anumang oras ay maaaring huminto ang tibok ng kanyang puso.
Ito ang malungkot na inanunsiyo ni Kris sa Fast Talk With Boy Abunda nang makapanayam siya via Zoom ng host at matalik na kaibigang si Boy Abunda.
Read: Kris Aquino vows to fight despite slim chance of recovery: "I refuse to die."
