Binalikan ni Kim Chiu nang ma-comatose ang nakatatanda niyang kapatid na si Lakam Chiu noong 2023.
Unang beses na nagsalita sina Kim at Lakam tungkol sa life-changing moment na ito ng kanilang buhay sa YouTube interview ni Dra. Vicki Belo na lumabas nitong March 16, 2024.
Read: Kim Chiu appeals for prayers for sister Lakam’s recovery
Ayon kay Dra. Belo, “naloka” si Kim nang magkasakit si Lakam, na itinuturing ngayong isang “walking miracle.”
Bacterial meningitis ang diagnosis sa sakit ni Lakam. Pitong araw siyang na-comatose.
Pagbabalik-tanaw ni Kim, “Sabi ng doctor, hopeless na, ‘tas i-ready na raw yung self namin.”
Sumingit si Lakam at sinabing pinapapirma na si Kim noon ng "DNR order."
Hindi tinukoy ni Kim kung ano ang pinapapirma sa kanya, pero sinabi ni Dra. Belo na ito ang “do-not-resuscitate (DNR) effect.”
Ang DNR o minsan ay tinatawag na “do not attempt resuscitation” “is a request not to have cardiopulmonary resuscitation (CPR) if your heart stops or if you stop breathing,” ayon sa The Medical City website.
Sabi pa rito, “A DNR is usually discussed by the health care team with the relatives of patients without other advance directives in situations like: a comatose patient, persistent vegetative state, and brain death.”

Kim Chiu (center) and sister Lakam (left) talk about the ordeal that their family had to face last year, when Lakam went into a coma for a week.
Pagsegunda ni Kim, “Pinapapirma na ako na, anytime, puwede na itong mamatay.”
Ikina-shock daw ito ni Kim.
“Gumuho yung mundo ko. Hindi ako nakapasok talaga sa work. Nahirapan ako,” lahad ng actress-host.
“Lahat kasi siya [Lakam] ang may alam, e. Naiwan niya ako nang hanging. ‘Anong gagawin ko?’ So, pray talaga.”
Araw-araw raw nagdasal si Kim sa santong si Padre Pio.
Read: Kim Chiu, tambay sa Padre Pio church nang magkasakit ang kanyang Ate Lakam
KIM DESCRIBES MIRACLE FOR SISTER LAKAM
Dininig naman ang dalangin ni Kim na pati raw ang doktor ay nagulat na nagising si Lakam.
Sabi ni Kim, “And then, nagkaroon na lang ng miracle one day.
"Sinabi ng doktor, ‘Ha? Okay na siya? Paano nangyari yon?’ Gumanun na lang talaga.”
Read: Kim Chiu’s sister Lakam opens up about her recent hospitalization
Pero hindi raw natapos dito ang kanilang pagsubok dahil may mga sumunod pang pinagdaanan si Lakam sa kanyang pagpapagaling.

Nagkakaroon daw ng argumento ang magkapatid.
Hindi raw nakikinig noon si Lakam sa mga bilin ni Kim na magpagaling sa loob ng isang buwan.
“Ako ang nagagalit sa kanya. Minsan umiiyak na ako sa sobrang galit ko sa kanya. Pinapangaralan ko siya. Matigas ang ulo niya,” sabi ni Kim.
Ayaw raw ni Lakam na nakakulong lang sa bahay sa loob ng isang buwan.
Paliwanag naman ni Lakam, “I feel yung depression mo, you were sick and you were about to die… parang hindi pa ako naka-get over.
“But now I’m super grateful because I was able to gain back everything, especially my strength.”
Sentimental na sinabi ni Lakam na si Kim isa sa kanyang lakas.
Sabi pa niya sa kanyang napagtanto, “Life is really short kasi we never know what’s gonna happen tomorrow.
“So, sinasabi ko lang always na parang let’s value each other na parang to make most out of it every day.”
Read: Kim Chiu’s sister Lakam considers recovery from illness her second life
