Sampung taon na ang Agsunta na binubuo nina Stephen Arevalo (drummer), Jireh Singson (vocalist), Mikel Arevalo (lead guitar), at Josh Planas (bassist).
Nagsimula ang apat na miyembro sa pag-a-upload ng mga cover songs sa YouTube, kung saan merong mahigit 1.4 million subscribers ang kanilang channel.
At ngayon ay napasok na nila ang mainsteam bilang recording artists ng Star Music.
Pasasalamat ang tanging nararamdaman nila kapag binabalikan ang nagdaang dekada.
Ayon kay Jireh, "Yung 10 years po na iyon, siguro yun yung hindi pa tayo showbiz talaga noon. Yung 10 years, e, yun na yung nabuo kaming apat.
"Kasi before that, hindi pa kaming apat talaga. Kumbaga may iba kaming vocalist, pero yung 10 years na sine-celebrate namin is yung talagang kami na na official.
“Nagsimula kami college."
Read: Agsunta addresses issue over their cover songs on YouTube

Ang apat ay naging estudyante ng De La Salle-College of St. Benilde. Ang sinimulan nila bilang pastime ay naging career nila.
Sabi pa ni Jireh, "Nagsimula kami na trip-trip lang mga ganun, jamming-jamming lang.
"‘Di naman namin akalain na papalarin kaming magkaroon ng space dito sa industriya natin. So ayon, siyempre sa tagal na rin namin, hindi nga namin napansin, e, actually.
"Parang time flew by so fast."
Dugtong ni Josh: “Ten years na pala?”
Ayon pa rin kay Jireh, “Siyempre, sobrang grateful pa rin namin and dahil nga 10 years na kami, parang feeling namin it’s time for us to give back to people.
"Kaya gusto naming bigyan sila ng malupit na free na concert sa SM Tanza sa Cavite.
"Kaya din Cavite kasi mga taga-Cavite talaga kami so yun yung pinakamalapit na.”
Read: Agsunta, nagbabalik pagkatapos "ma-disband"
ON MAKING NEW SONGS
Sa nakaraang dalawang taon, kung meron man daw silang pinagkaabalahan, ito ay ang halos pag-iikot sa buong bansa.
Ayon pa rin ni Jireh, “Yung two years na yun siguro isa sa mga kina-busy-han talaga namin is being on tour.
"Sobrang dami naming napuntahan, parang nalibot na yata namin buong Pilipinas halos within those two years.
"Pero, at the same time, yes, marami kaming mga nakabangkong mga songs and talagang gumawa kami nang gumawa.
"Marami kayong dapat abangan na mga songs na ilalabas na namin this time na talagang puro originals namin."
Ipinaalala naman ni Josh na nagbunga na may mga nailunsad na silang singles, “...may na-release na din tayo within the two years.”
Nakilala talaga ang Agsunta sa mga "mapanakit na kanta" at "hugot songs," sa bagong dekadang haharapin nila, may magiging pagbabago?
“Well, may feeling akong, meron kayong dapat abangan sa next namin na i-re-release.
"Kasi, di ba, nakilala na kami ngayon masyado sa pagiging mapanakit, sa mga masasakit na songs, so marami kayong dapat abangan."
Tanong ni Jireh sa mga kagrupo, puwede na raw bang i-reveal ang new set of songs nila.
Binigyan naman siya ng go-signal ng tatlo pang kasama.
Ayon kay Jireh, “Sa April 8, actually meron kaming ilalabas na song na sobrang iba naman sa naging image namin kasi itong song naman na ito.
"Para naman ito sa mga in love. Kumbaga iba na. Hindi na ito masakit, ano na ito, pampakilig.
"Pampakilig na song naman yung mga ginagawa namin.”
Read: Agsunta "signs off;" deletes video covers on YouTube
FRUITFUL 10 YEARS
Yung sampung taon na tumagal ang banda nila, under the management of Perry Lansigan ng PPL Entertainment, Inc., ay malaking "achievement" sa banda.
Marami talaga ay hindi nagtatagal o nagkakawatak-watak. Aminado naman sila na sa sampung taon, hindi nawawala ang mga disagreement o minsan ay hindi pagkakasundo.
Sambit ni Jireh, “Marami, marami.”
Sabi rin ni Mikel, “Meron.”
Paliwanag nga ni Jireh na tumatayong spokesperson ng Agsunta, “Maraming mga clashes, maraming mga setbacks, maraming mga pangyayari na hindi mo inaasahan.
"Pero siyempre, all in all, alam naman namin lahat na kahit ano pang mangyari, ang kailangan lang talaga naming isipin is kailangan buo kami.
“Kumbaga lahat naman ng mga banda, lahat naman ng mga grupo, kahit family, di ba?
"Kahit mga relationships, lahat naman yun, laging mayroong setback, lahat yun merong mga ganyan-ganyan.
"Pero mag-e-end lang iyan or magkakaroon lang iyan ng kahihinatnan kung magdedesisyon, di ba? Ganun lang iyan.
“Kumbaga kami, ang nasa utak lang namin lagi, eto yung talagang binuo na namin, and panghahawakan talaga namin ito kasi talagang naging para na kaming magkakapatid.
"Ganoon na yung nangyari kasi siyempre tumanda na kami sa isa’t isa, nakita namin ito, nakita ko itong sobrang totoy pa talaga, as in high school ka lang noon, e.
"Tapos ngayon, mga binatilyo na kami so parang alam mo yun, kumbaga normal-normal sa magkakapatid na merong mga ganyan may mga tampuhan."
Imbes magkasawaan, nakatulong ang matagal nilang samahan para mas maintindihan ang isa't isa.
Sa pagpapatuloy ni Jireh, "Pero family is family always. Wala namang point na ganun, kumbaga mga tampu-tampuhan ganyan, pero lagi kasi kaming nagre-resolve nito.
"Lagi namin napupunta sa ganung situation na hindi maaabot sa ganyan, laging pag-uusapan namin.
"And, siyempre, lagi naman kaming nagkakaintindihan kumbaga anuhan, parang adjust-an ng isa’t isa palagi. Palaging ganun yung mga nangyayari.”
Sa March 23, 2024, sa SM Tanza, Cavite, ay isang libreng concert na pinamagatang The Agsunta 10th Anniversary Isang Pasasalamat ang hatid nilang apat, kasama ang kanilang special guests na sina Nef Medina at 1621 BC.
Nakapanayam sila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 15 Mesa restaurant sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.
Read:
True Faith admits to talking about possible disbandment; brings back '80s, '90s music in "11" album
