PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas proud of Gerald Sibayan for being a good provider

Ai-Ai delas Alas: “Sa Amerika po, siya ang bumubuhay sa akin.”
by Arniel C. Serato
Published Mar 26, 2024
Ai-Ai delas Alas very proud of husband Gerald Sibayan as provider of their family
Ai-Ai delas Alas on husband Gerald Sibayan: "And isa pa, provider. Yun ang pinakaisa sa importante. Hindi nila alam na, ‘Naku, si Ai-Ai lang ang bubuhay diyan, blah, blah, blah.’ Hindi po. Sa Amerika po, siya ang bumubuhay sa akin."
PHOTO/S: Courtesy: Fast Talk with Boy Abunda on YouTube / Instagram

Proud na proud si Ai-Ai delas Alas sa mister niyang si Gerald Sibayan dahil napakaresponsableng asawa raw nito.

Sa kanyang interview sa Fast Talk with Boy Abunda kahapon, March 25, 2024, saglit na napag-usapan si Gerald.

Ayon kay Ai-Ai, napakasuwerte niya sa mister na tila regalo ng langit sa kanya.

Sambit ni Ai-Ai, “Isa yan sa super gift sa akin ni God, si Gerald.

"And isa pa, provider. Yun ang pinakaisa sa importante.

"Hindi nila alam na, ‘Naku, si Ai-Ai lang ang bubuhay diyan, blah, blah, blah.’

"Hindi po. Sa Amerika po, siya ang bumubuhay sa akin."

Sa kanyang Facebook kinagabihan, ibinahagi ni Ai-Ai ang quote card na hango sa panayam sa kanya ni Boy Abunda.

Sabi niya sa caption, noong nalaman ng publiko ang relasyon nila ni Gerald sampung taon na ang nakararaan, dinurog daw siya ng batikos ng sambayanan at tila nakapatay siya ng tao.

Thirty years ang age gap nina Ai-Ai at Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ai-Ai delas Alas on 30-year age gap with boyfriend Gerald Sibayan: "Ang pag-ibig naman, wala ‘yan sa edad, e."

Saad ng Comedy Queen (published as is), "Naalala ko tuloy 10 years ago kung paano tayo dinurog ng sambayanan .. lalo na ako ng bonggang bongga .. pero tiniis ko ang lahat ( and sobrang wierd nga wala naman akong kasalanan nag boyfriend lang ako ng mas bata ang edad saken akala mo pumatay nako ng tao )

"pero lahat ng sugat ay nahihilom ng panahon ( sa totoo lang ahhh infairnes saken napa kitabay ko din sa lahat ng bash na inabot ko yang pag hilom ng panahon na yan naminihasa nanyan ahhhh) pero kaya ka pala binigay kasi the best ka ...( hindi lang provider kundi mabuting asawa sa ibang aspeto .. pero hindi ka naman perfect )

"naniniwala ako na pag madali at maganda bigay ng PANGINOON.. salamat dumating ka sa buhay ko .. and salamat kay Lord ... the best si Lord talaga sa lahat ng bagay ... isang patotoo sa milagro ng panginoon amen #ageisjustanumber"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May hiwalay na post din si Ai-Ai tungkol kay Gerald.

Muli nitong sinabi na napakasuwerte niya kay Gerald.

Buong post niya (published as is), "Napaka swerte ko .. Sa totoo lang .. And sa experienced ko ang mabuting asawa ay bigay ng Dyos .. Thank you Lord sa pag bibigay mo saken kay Gerald @gerald_sibayan .. sabi nya saken kaninang umaga habang pinapanood ko fast talk na nakatalukbong sya akala ko tulog gising pala may komento ... naku magbilang ka lang ng araw ( meaning maganda daw sinasabi ko pag wala akong topak ,,,pero pag meron padala daw sya ng demonyo saken )

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hahahahahahhahaha nyeta talaga tong asawa ko napaka karakter nakakatawa at higit sa lahat mahadero!!!! Pero ilove you so much my darling seryoso thank you for everything baka naman !!! Hehehe wohoooo @gerald_sibayan ( pengeng pera)"

Ai-Ai delas Alas appreciation post for husband Gerald Sibayan

ai-ai delas alas-gerald sibayan love story

Unang naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakakilanlan kay Gerald, dating star player ng badminton team ng De La Salle University (DLSU), noong September 15, 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: FIRST READ ON PEP. La Salle badminton player Gerald Sibayan confirms relationship with Ai-Ai delas Alas

Ginanap ang church wedding nina Ai-Ai at Gerald sa Christ The King Church sa Greenmeadows, Quezon City, noong December 12, 2017.

Read: Ai-Ai delas Alas weds Gerald Sibayan: "Yes, super I do, Father!"

Noong November 30, 2022, ipinagdiwang ng dalawa ang fifth wedding anniversary nila sa pamamagitan ng renewal of vows sa Las Vegas, Nevada.

Read: Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan, nag-renewal of vows sa kanilang fifth wedding anniversary

Ipinagdiwang naman nila ang ninth anniversary ng kanilang relasyon noong April 12, 2023.

Kaugay nito, nagbahagi si Ai-Ai sa Instagram ng photo collage ng mga larawan nila ni Gerald mula noong 2014 hanggang ngayong 2023.

Ai-Ai delas Alas, Gerald Sibayan 9th anniversary

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng Comedy Queen, akala niya dati ay kathang-isip lamang ang pagkakaroon ng isang matinong lalaki sa buhay. Hanggang sa dumating daw si Gerald sa buhay niya.

Saad ni Ai-Ai (published as is), “Happy 9th year anniversary as a couple my darling ko... May our marriage be blessed with love, joy and companionship for all the years that we will be sharing.

“I always thought that a perfect husband is a myth, kathang isip lang... sabi sabi... kwento kwento kasi dati ang lalaki saken toxic...

"aba nag babago pala ang pananaw... totoo pala na may lalaking maayos, may asawang mabait meron palang forever... akala ko bilihan lang damit ang may forever (21)..."

Nagpasalamat siya kay Gerald sa pagiging mabait na asawa nito na nagtatrabaho para sa kanila.

Ayon pa kay Ai-Ai, tila nalungkot ang haters at bashers niya dahil mali ang hula nila noon tungkol sa asawa.

“thank you very much for being my husband, my partner, my boyfriend, my friend my ka tsismisan at ang importante sa lahat my provider ang nag papakain saken...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

@gerald_sibayan---i love you so much my darling ko yes looking forward sa 10 years naten next year… tarush te going strong !!!

"ang lungkot ng mga bashers at hater 9 years na e mali sila HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA...

"Seriously thank you LORD sa greatest blessing ng buhay ko. #paginggitpikit [laughing emoji]”

Read: Ai-Ai delas Alas on nine-year relationship with husband Gerald Sibayan: “Totoo pala na may lalaking maayos.”

Sa darating na April 12, 2024, ipagdiriwang ng dalawa ang isang dekada ng kanilang pagmamahalan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on husband Gerald Sibayan: "And isa pa, provider. Yun ang pinakaisa sa importante. Hindi nila alam na, ‘Naku, si Ai-Ai lang ang bubuhay diyan, blah, blah, blah.’ Hindi po. Sa Amerika po, siya ang bumubuhay sa akin."
PHOTO/S: Courtesy: Fast Talk with Boy Abunda on YouTube / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results