Walang mapagsidlan ang saya ng Kapamilya actress na si Gela Atayde na sa wakas ay opisyal nang parte ng kanilang pamilya ang aktor na si Zanjoe Marudo.
Si Zanjoe ay ikinasal sa nakatatandang kapatid ni Gela na si Ria Atayde noong March 23, 2024.
Ang sikretong kasal ng dalawa via civil wedding ay kasabay ng ika-32 kaarawan ni Ria.
Read: Zanjoe Marudo and Ria Atayde are now married
Sa Instagram nitong Lunes, March 25, isang makabagbag-damdaming mensahe ang ipinost ni Gela para batiin si Ria sa kaarawan nito at sa bagong yugto ng buhay niyang kahaharapin kasama si Zanjoe.
Ani Gela, hindi mapapantayan ng kung anuman ang pagmamahal at pasasalamat niya sa pagiging mabuting ate, pangalawang magulang, at mentor ni Ria.
Kalakip ng post niya ang ilang kuhang litrato sa naganap na intimate wedding.
Read: FIRST LOOK: Ria Atayde simply stunning in wedding dress by Martin Bautista
Mababasa sa caption ni Gela (published as is), “Happy birthday and congratulations, ate!
“I couldn’t thank you enough for being my ate, my second mom, my mentor, and my closest confidante all in one.
“I am eternally grateful for the role you played in shaping me into the person I am today.
“I am the happiest seeing you this happy.“
WELCOMING ZANJOE TO THEIR FAMILY
Bahagi rin ng mahabang post ni Gela ay ang pag-welcome niya kay Zanjoe bilang bagong parte ng kanilang pamilya.
Read: Sylvia Sanchez excited nang magkaapo kina Arjo at Maine, Ria at Zanjoe
Pagbabahagi pa ni Gela, panatag siya, sampu ng kanyang pamilya, na si Zanjoe ang nakatuluyan ni Ria.
Mensahe ni Gela, “Kuya Z @onlyzanjoemarudo, you’re finally officially my kuya.
“Thank you for being the most genuine, supportive, and caring kuya to me, and now, ex-boyfriend to my ate.
“Your strong family values have always been a source of comfort, knowing that you would take care of not just my sister, but us siblings and your future family as well.”
Read: A look back: Zanjoe Marudo's rumored and real-life romances
Dagdag pa niya, “Congratulations to the both of you. My heart is at peace in knowing that my sister is being entrusted to someone as loving and lovable as her.
“I am right behind the both of you, sasalo at sasalo always in all ways.
"Love you guaps. Thanks for everything.”
View this post on Instagram
Mabilis naman itong ni-reply-an nina Ria at Zanjoe.
“Love you guaps. Thanks for everything,” komento ni Ria.
Red heart emojis naman ang naging reply ni Zanjoe.
Read: Ria Atayde sums up relationship with Zanjoe Marudo as "comfortable and easy"
