Mukhang hindi lang matinding init ang pinoproblema ng ibang eskuwelahan ngayong kasagsagan ng El Niño phenomenon, kundi mga ahas din.
Ito ay matapos madiskbure ang isang makamandag na cobra na nagtatago sa ilalim bookshelf sa isang classroom sa Tayabas City sa Quezon Province.
Natagpuan ang cobra sa Dapdap Integrated School nitong April 2, 2024, dakong ika-4:00 ng hapon.
Sa FB page ng nabanggit na paaralan, idinetalye kung paano nadiskubre ang ahas sa classroom.
“A cobra was found by one of the job order personnel entering the classroom at 4:00 p.m. today,” ayon sa FB page.
Buti na lamang ay na-dismiss na ang klase nang makitang pumasok sa classroom ang ahas.
Nang maiparating ito sa pamunuan ng paaralan ay tumawag sila sa Tayabas City Environment and Natural Resources Office (Tayabas CENRO).
Ayon sa post, “CENRO personnel arrived at the school and quickly captured the cobra.”
Binanggit din dito na magsasagawa ang paaralan ng cleaning operation sa school environment para hindi na maulit ang pangyayari.
Post naman ng Tayabas CENTRO sa FB page nito: “Ang nasagip na ahas ay isang uri ng PHILIPPINE COBRA o Naja philippinensis – venomous snake o makamandag. Matapos itong masagip ay kaagad din na-turnover sa CENRO-Tayabas.”

Officers of Tayabas City Environment and Natural Resources Office look for the snake that slithered inside a classroom of Dapdap Integrated School.
Read: Snake bites man in Bohol; man bites back and kills snake
Paalala pa ng regional agency: “Patuloy pa rin pinaalalahanan ang publiko na ang pangangaso, pangongolekta, at pagmamay-ari ng kahit anong uri ng buhay-ilang ay may parusa sa ilalim ng Repubic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001.”
Read: Snake massage for PHP300 sa Kalibo, Aklan, marami umanong health benefits
NUMEROUS SIGHTINGS OF SNAKES DUE TO EL NIñO
Samantala, noon lamang Pebrero 2024 ay napaulat ang maraming kaso ng cobra sightings sa Cebu.
Tinukoy naman ng Department of Health Central Visayas (DOH 7) na ang El Niño o ang napakainit na panahon ng nangungunang dahilan kaya dumarami ang sigthings ng mga cobra.
Ipinaliwanag dito ni Shelbay Blanco ng DOH 7 health emergency management services na karaniwang naghahanap ng malalamig na lugar ang mga ahas na ito sa panahon ng matinding init.
Ito raw ang dahilan kung bakit maraming insidente ng mga namamataang cobra sa Cebu dahil naghahanap ang mga ito ng malalamig na lugar.
“With more provinces being affected by drought, we are also expecting and anticipating that more snakes will come out,” hayag ni Blanco, ulat ng Sunstar Cebu nito lamang Febuary 2024.
Bukod sa mainit na clima, ilan pang dahilan para lumabas ang mga ahas ay ang habitat disruption, tulad ng deforestation, kaya nabubulabog ang mga ahas.
