Nagsalita na ang Kapamilya actress-singer na si Janella Salvador hinggil sa kontrobersiyal na guesting niya sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime.
Noong Martes, April 2, 2024, bumisita si Janella at ang Thai actor na si Win Metawin sa It's Showtime para i-promote ang kanilang upcoming film na Under Parallel Skies.
Read: Janella Salvador honored to work with Thai actor Win Metawin
Bukod dito, binanggit din ni Janella ang kanyang upcoming concert at single niyang "Headtone."
Matapos mag-promote, humingi sa kanya ng "sample" o patikim ang It's Showtime co-host na si Kim Chiu.
Pero hindi siya napagbigyan ni Janella.
"Sample naman Janella sa bago mong..." hirit ni Kim.
Hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Kim ay agad sumagot si Janella.
Aniya, "Medyo paos ako today, kayo na lang. Next time, promise."
Kumalap ito ng samu't saring reaksiyon mula sa netizens.
Anila, nabastos at napahiya ang It's Showtime host sa isinagot ni Janella.
May ilan din namang fans si Janella ang ipinagtanggol siya sa mga bumabatikos sa kanya.
Read: Netizens defend Janella Salvador's "paos ako, kayo na lang" remark in It's Showtime
JANELLA REACTS
Mabilis na nakarating kay Janella ang namumuong isyu sa pagitan ng fans nila ni Kim.
Sa X (dating Twitter) nitong Biyernes, April 5, naglabas ng pahayag ang Under Parallel Skies star para klaruhin sa publiko na wala siyang intensiyong bastusin si Kim.
Humingi na rin daw siya ng paumanhin sa TV host-actress kung sakaling na-offend ito.
Ngunit paglilinaw niya, wala siyang kailangang ipaliwanag sa mga taong mali ang naging interpretasyon sa kanyang sinabi.
Mababasa sa kanyang post (published as is), "just to be clear, I have personally apologized for unintentionally offending someone but not for setting a valid boundary.
"If you twist my words that’s on you. I will always be assertive but never disrespectful.
"If you can’t tell the difference and find something wrong with that, then you’re a people pleaser and again…that’s on you."
Nagbanta rin si Janella sa mga netizen na idinadamay ang anak nila ni Markus Paterson na si Jude Trevor, 2.
Aniya, "Don’t you dare try and involve my son. The way most of y’all are boomers too. Embarrassing."
Kalakip nito ang pasasalamat niya sa fans na nagmamahal at patuloy na nagtatanggol sa kanya.
Saad niya, "Oh wow. I’ve been meaning to explain myself because the last thing i would ever want is to appear rude or disrespectful… and here i am being met with so much love and comfort upon opening this app.
"Thank you. It makes me happy to know that there are many people out there who know my heart and what i stand for.
"Hugs of gratitude (from behind)."
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na reaksiyon o pahayag ang panig ni Kim at ang It's Showtime.
Read: Vice Ganda calls airing of It's Showtime on GMA-7 "historic, iconic, mothering"
