PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kylie Verzosa believes exes shouldn’t be friends: “Bakit pa?”

Kylie: "I don’t believe exes should be friends."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Apr 10, 2024
Kylie Verzosa believes exes shouldn’t be friends
Kylie Verzosa on being friends with her ex-boyfriend: "I don’t believe exes should be friends. Respeto rin sa bago mong partner at sa bago niyang partner."
PHOTO/S: Screengrab from Ogie Diaz YouTube

Hindi naniniwala ang beauty queen-turned-actress na si Kylie Verzosa na maaaring maging magkaibigan and dating magkasintahan.

Ito ang ibinahagi ng aktres sa panayam niya sa vlog sa YouTube ni Ogie Diaz nitong Martes, April 9, 2024, nang mapag-usapan ang mga nagdaan niyang pag-ibig na nauwi sa masalimuot na hiwalayan.

"Nag-e-end up ba kayo as friends [ng mga naging ex-boyfriend mo]?" tanong ni Ogie kay Kylie.

Diretsahang sagot ng aktres, "I don’t believe exes should be friends."

Read: PEP OUTTAKES: Can you be friends with an ex?

Paliwanag ni Kylie, respeto sa susunod nilang magiging karelasyon kaya't hindi niya hahayaang maging magkaibigan sila ng dating kasintahan.

Naniniwala raw kasi si Kylie na kapag natapos na ang relasyon ay magkakilala na lamang sila ng ex-boyfriend at hindi na puwede pang maging magkaibigan, kahit maraming taon ang kanilang pinagsamahan.

Aniya, "Respeto rin sa bago mong partner at sa bago niyang partner.

"Ako, you can be civil, pero iyong nakikipag-usap ka ng 'Hi, how are you? Kumusta ka na?' To me, medyo weird yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"You can be civil. You don’t have any bad feelings towards each other.

"But I don’t think there should still be a friendship. Kasi, bakit pa?"

Read: CONFIRMED: Jericho Rosales and Kim Jones have been separated since 2019

Paglilinaw pa ni Kylie, hindi naman niya sinasabing gayahin siya ng iba o tama ang kanyang pinapaniwalaang pananaw.

Saad niya, "Iba kasi yung sa akin, kasi matagal. Matagal yung relationship.

"Like for example, five years, baka nga engaged na kayo, friends pa kayo, tapos naghiwalay, parang, 'Huh, ang weird.'

"If it’s a quick relationship, sure, you can be friends. Why not, right?

"But if it’s a long, committed relationship, and talking about the future, then no."

Ang huling nakarelasyon ni Kylie ay ang aktor na si Jake Cuenca.

Umabot ang kanilang relasyon ng tatlong taon bago sila maghiwalay noong April 2022.

Read: Jake Cuenca confirms breakup with Kylie Verzosa

Sa panayam ni Kylie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 5, 2024, inamin niyang hindi sila on good terms ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kylie Verzosa happy with current love life; not on good terms with ex Jake Cuenca

Sa ngayon, ang Kapamilya actress na si Chie Filomeno ang bagong inspirasyon ni Jake.

Read: Jake Cuenca counts Chie Filomeno as "the one that got away"

Habang si Kylie naman ay aminadong naka-move on na rin at may bago nang sinisintang non-showbiz guy.

Read: Kylie Verzosa confirms “private relationship” with foreigner

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Verzosa on being friends with her ex-boyfriend: "I don’t believe exes should be friends. Respeto rin sa bago mong partner at sa bago niyang partner."
PHOTO/S: Screengrab from Ogie Diaz YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results