Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at 24 Oras ng GMA-7 kay Mavy Legaspi, ipinaliwanag nito ang pananahimik sa mga isyung kinasangkutan niya kamakailan.
Kabilang na rito ang kontrobersiyal na breakup nila ni Kyline Alcantara at pagkakadawit ng pangalan ng ina ni Mavy na si Carmina Villarroel.
Read: Kyline Alcantara-Mavy Legaspi relationship: A timeline
Hindi man direktang nabanggit ang pangalan ni Kyline ay sinagot pa rin ni Mavy ang aming katanungan.
Ayon sa TV host-actor, nanahimik siya noon dahil, para sa kanya, hindi na ito kailangang pag-usapan.
Read: Carmina Villarroel to son Mavy Legaspi: “Tatay and I are just happy that you're back.”
View this post on Instagram
Saad ni Mavy, “I mean, kung hindi naman kailangan, it’s not needed kasi.
"Kaya ayun, it’s not just I decided to stay quiet. It’s just there’s nothing to talk about.
"Kaya, you just don’t feed anything. You don’t feed any information na hindi naman kailangan.
“Basta kami, peaceful kami, and behind closed doors we have great relationships with a lot of people. Kaya, okay lang.”
Nandiyan lang daw palagi ang kanilang inang si Carmina para ipagtanggol sila.
Read: Carmina Villarroel posts cryptic tweet amid Mavy Legaspi, Kyline Alcantara rumored breakup
Pero paglilinaw ni Mavy, “Kahit naman po wala sila, kayang-kaya naman namin ni Cassy i-defend ang sarili namin. And lahat naman ng decision namin sa buhay is from our own.
“Kaya lahat ng mga misconceptions na sinasabi ng ibang tao, na protected kami by my parents, huh, it’s really not that.
"Kami ni Cassy, we decide our own. We’re 23 years old. Hindi na kami 12, 10 years old. So, ayun!”
Hindi naman daw lahat nang ipino-post ng kanyang ina ay may kaugnayan sa isyung pinagdaanan nila ni Cassy.
Read: Who is Carmina Villarroel, Cassy Legaspi's cryptic posts about?
“Yeah! Ang daming nag-a-assume lang,” pakli niya.
“Kaya si Mama lang, she just posts whatever she wants to post. Kasi it’s nothing related to whatever cases na nangyayari sa social media.
“She just posts it.
"She has her own life. She has her own problem sa buhay niya.
"And maraming blessings sa buhay kasi napakataas ng rating ng Abot Kamay [Na Pangarap]. So, continuous lang.
“We get to go out, have vacations, we get to having this time with co-actors, co-actresses….” dagdag na pahayag ni Mavy.
Pero ano ba ang madalas na ipinapayo ng kanilang magulang?
Ayon kay Mavy, “Yung mga advice, hindi na masyadong… they don’t give us as much advice.
"Kasi nga, parang we’re that age na. Proper age na kami para magsarili and having independent choices.
“Kaya, kumbaga, kung ano man yung nagawa namin, or choices we make, consequences na namin. Hindi na consequences na nila Mama at Papa kasi, again, nasa show business na kami.
"They have their own careers, kami rin ni Cass we have our own careers. So, ayun lang,” pakibit-balikat na pahayag ng 23-year-old Kapuso star.
View this post on Instagram
Kabilang si Mavy sa sumuporta kay Paolo Contis sa special screening ng pelikulang A Journey na ginanap sa Cinema 3 ng Vertis North noong Huwebes, April 11, 2023.
Sina Paolo, Kaye Abad, at Patrick Garcia ang mga bida sa pelikulang nagsimulang mag-streaming sa Netflix ngayong Biyernes, April12, 2024.
Kasama ni Mavy na sumuporta kay Paolo ang mga co-host nila sa defunct noontime show na Tahanang Pinakamasaya — Buboy Villar, Betong Sumaya, Kokoy de Santos, Dasuri Choi, Michael Sager, at ang kambal niyang si Cassy Legaspi.
Read: Kokoy de Santos, naglabas ng saloobin sa pagkakasibak ng Tahanang Pinakamasaya
LESSONS LEARNED
Ano ang natutunan ni Mavy sa mga hinarap niyang isyu?
Tugon niya, “Siguro ang natutunan ko is, if you know your value at saka yung truth, hindi na kailangan magsalita.
“Hindi mo kailangan i-control yung publiko kung ano ang dapat na isipin nila. It’s just how you believe and how you think.”
Natawa nang malakas si Mavy nang diretsahan tinanong ng PEP.ph kung handa na ba siyang ma-in love muli.
“Ako, dahil… siguro sa ngayon, ma-in love muna ako siguro sa sarili ko… sa sarili kong craft sa pag-arte.
"And I can’t let this slip away, kasi yung binigay sa akin na napakagandang project. So, if ma-miss ko tong project na to, sayang to,” tugon ni Mavy.
Hindi pa raw niya puwedeng ibahagi kung ano itong malaking project na ibinigay sa kanya ng GMA-7. Pero tuluy-tuloy raw ang workshop at ensayo niya kaya ang laki ng iginanda ng kanyang katawan.
“I’m in preparation for a serye towards the end of the year. Malaking project siya.
"So, yun! They’re giving me time to prep and, by third quarter, I’ll be starting taping na.
“Yeah! I’m preparing… workshop, a lot of workshops.
“Kumbaga, parang nakatira na ako sa GMA kung ganun, e,” nakangiting pahayag ni Mavy.
