PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Netizens react to Bea Alonzo and Dominic Roque twinning posts

Bea Alonzo, Dominic Roque post albums on Instagram with same captions.
by Arniel C. Serato
Published Apr 3, 2024
Bea Alonzo, Dominic Roque post twinning "March" photos
Bea Alonzo and Dominic Roque flex their love for tennis as their March albums showed photos of them playing the sport.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Kinilig ang maraming netizens na umaasa pa ring magkabalikan ang nagkahiwalay na dating engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Read: Bea Alonzo and Dominic Roque: A Relationship Timeline

Sa Instagram kagabi, April 2, 2024, nag-post ng ilang larawan si Bea tungkol sa mga kaganapan ng kanyang buhay nitong nakaraang Marso.

May kuhang selfie sa kanya, picture ng isang bata, mula sa tribute party para sa star builder na si Johnny Manahan, sa pagsasama nila ng kanyang mga dating kapwa Star Magic artists, isang solo picture, birthday party, paglalaro niya ng tennis, larawan ng kanyang alagang aso, at ang pagbisita niya sa isang sikat na library sa South Korea.

Caption ni Bea, "Thank you, March [calendar emoji]"

View this post on Instagram

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Read: Bea Alonzo: TV and Movie Queen of her Generation

Napansin naman ng ilang netizens na ni-like ni Dominic diumano ang post ng ex-grilfriend.

Sabi pa ng isa, "Dahil ni like ni Papa Doms..Ililike ko narin..ayeeeh!! @dominicroque @beaalonzo @cabuenasscherwroz ..Hope kayo nalang plssss..ipaglaban nyo ang isa't-isa..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Netizens on Bea Alonzo's March post

Ngayong Miyerkules, April 3, 2024, si Dominic naman ang may post tungkol sa mga kaganapan sa kanyang buhay noong nakaraang buwan.

May larawang may hawak siyang bata, nakikipaglaro sa mga ito sa dalampasigan, pagkain, paglalaro ng tennis, family bonding, panonood ng isang tennis game sa Ateneo, at bonding kasama ang mga Kapuso stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption niya, "Marso [heart emoji]"

Read: Who is Dominic Roque?

Kaagad namang nagkomento ang maraming netizens na tagahanga nina Bea at Dom tungkol sa pareho raw nilang posts.

Ang iba, kinikilig. Ang ilan naman ay umaasang may balikan nang naganap.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Netizens comment on Dominic Roque post

Netizens comment on Dominic Roque post

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Netizens comment on Dominic Roque post

Netizens comment on Dominic Roque post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Netizens comment on Dominic Roque post

Kahit wala pang pahiwatig na may balikan ngang naganap sa dalawa, hinala naman ng iba na baka sikretong inayos nila ang kanilang hindi pinagkakaintindihan dahil muli naman daw isinuot na ni Bea ang kanilang engagement ring.

Read: Bea Alonzo and Dominic Roque engaged!

Ngayong taon sana ang kanilang kasal pero naudlot ito dahil biglaan nilang desisyon na tapusin na ang kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Netizens ask: Is Bea Alonzo wearing her engagement ring again?

Related Articles:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo and Dominic Roque flex their love for tennis as their March albums showed photos of them playing the sport.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results