PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas recalls how Gerald Sibayan courted her

Ai-Ai delas Alas on Gerald Sibayan: “After one month jowa ko na sya.”
by Arniel C. Serato
Published Apr 17, 2024
Ai-Ai delas Alas recalls first date with husband Gerald Sibayan
Ai-Ai delas Alas finally reveals dating history with husband Gerald Sibayan; their first date was in 2014 at a coffee shop in Bonifacio Global City.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkuwento si Ai-Ai delas Alas kung paano nagsimula ang pag-iibigan nila ng asawang si Gerald Sibayan may sampung taon na ang nakararaan.

Si Gerald ay dating star player ng badminton team ng De La Salle University (DLSU).

Si Ai-Ai ang tumatayong manager ng badminton team ng La Salle, kung saan din nag-aaral ang panganay niyang anak na si Sancho.

Simula ni Ai-Ai sa kanyang Facebook post noong April 13, 2024, "Thank you Lord sa blessing nato .. 10 taon na kami magkasama sa dec 2024...7 years na kaming kasal ... yes going strong ...parang kelan lang (10 years ang nakakaraan .. first date namin)"

Kasunod nito ay ibinahagi ni Ai-Ai ang naging takbo ng usapan nila ni Gerald nang unang beses na yayain siya nitong mag-date.

"Gerald: Ms ganda pwede ka bang ma idate

"AiAi: Hoy bagets kung ako ang mag babayad hindi na ko makikipag date sayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gerald: may pera ko syempre ako mag babayad

"Aiai : ok"

Naganap daw ang una nilang date sa isang sikat na kapehan sa Bonifacio Global City, sa Taguig.

Noong panahon daw na iyon, inisip ni Ai-Ai na sapat lang ang pera nito kaya doon lang niya ito niyaya at hindi sa isang food chain.

Aniya pa, "Cut 2 starbucks Bgc

"GERALD: ano gusto mo order ?

"aiai : ( d pako oragnic nun and gluten free chuchu ) soya milk and cheesecake .. ang arte ko kala ko kasi konte lang dala nya nakakahiya naman mag bakulaw ako sa pag lamon ..

"Gerald ngayun panahon : darl bakit ang konte lang inorder mo nag turo pa naman ako nun para may pang date ako sayo

"AIAI: magkano ba dala mo nun ?

"Gerald: 3 thousand

"AIAI: wow taray sana pwede max's pa yan ahhh"

Ai-Ai delas Alas and Gerald Sibayan 10 years ago

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At pagkalipas ng isang buwan na ligawan ay naging magkasintahan na sila.

"---- yun lang nakalimutan ko na ending after one month jowa ko na sya . yun lang bye"

AI-AI DELAS ALAS-GERALD SIBAYAN LOVE STORY

Unang naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakakilanlan kay Gerald noong September 15, 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: FIRST READ ON PEP. La Salle badminton player Gerald Sibayan confirms relationship with Ai-Ai delas Alas

Ginanap ang church wedding nina Ai-Ai at Gerald sa Christ The King Church sa Greenmeadows, Quezon City, noong December 12, 2017.

Read: Ai-Ai delas Alas weds Gerald Sibayan: "Yes, super I do, Father!"

Noong November 30, 2022, ipinagdiwang ng dalawa ang fifth wedding anniversary nila sa pamamagitan ng renewal of vows sa Las Vegas, Nevada.

Read: Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan, nag-renewal of vows sa kanilang fifth wedding anniversary

Sa ninth anniversary ng kanilang relasyon noong April 12, 2023, nagbahagi si Ai-Ai sa Instagram ng photo collage ng mga larawan nila ni Gerald mula noong 2014 hanggang ngayong 2023.

Sabi ng Comedy Queen, akala niya dati ay kathang-isip lamang ang pagkakaroon ng isang matinong lalaki sa buhay. Hanggang sa dumating daw si Gerald sa buhay niya.

Saad ni Ai-Ai (published as is), “Happy 9th year anniversary as a couple my darling ko... May our marriage be blessed with love, joy and companionship for all the years that we will be sharing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I always thought that a perfect husband is a myth, kathang isip lang... sabi sabi... kwento kwento kasi dati ang lalaki saken toxic...

"aba nag babago pala ang pananaw... totoo pala na may lalaking maayos, may asawang mabait meron palang forever... akala ko bilihan lang damit ang may forever (21)..."

Nagpasalamat siya kay Gerald sa pagiging mabait na asawa nito na nagtatrabaho para sa kanila.

Ayon pa kay Ai-Ai, tila nalungkot ang haters at bashers niya dahil mali ang hula nila noon tungkol sa asawa.

“thank you very much for being my husband, my partner, my boyfriend, my friend my ka tsismisan at ang importante sa lahat my provider ang nag papakain saken...

@gerald_sibayan---i love you so much my darling ko yes looking forward sa 10 years naten next year… tarush te going strong !!!

"ang lungkot ng mga bashers at hater 9 years na e mali sila HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA...

"Seriously thank you LORD sa greatest blessing ng buhay ko. #paginggitpikit [laughing emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ai-Ai delas Alas on nine-year relationship with husband Gerald Sibayan: “Totoo pala na may lalaking maayos.”

Noong April 12, 2024, ipinagdiwang ng dalawa ang ika-sampung taon nilang pagsasama bilang magkarelasyon.

Read: Ai-Ai delas Alas, Gerald Sibayan celebrate 10th anniversary in California

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas finally reveals dating history with husband Gerald Sibayan; their first date was in 2014 at a coffee shop in Bonifacio Global City.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results