Mariing pinabulaanan nina Tito Sotto at Joey de Leon ang mga naglalabasang balita na nalalapit na umano ang pagsasara ng Eat Bulaga! dahil sa pagkalugi.
Ayon sa mga naglabasang ulat, nag-uusap na raw ang producers ng Eat Bulaga!, ang Media Quest at TVJ Productions, dahil lumalaki na ang production cost ng longest-running noontime show sa bansa.
Sa episode ng Eat Bulaga! nitong Miyerkules, April 17, 2024, kinondena ng mga host na sina Tito at Joey ang nagpapakalat umano ng mga maling balita tungkol sa kanilang programa.
Read: Musta ang It's Showtime guesting sa Family Feud?; Eat Bulaga! production cost, tumaas ba?
Nangyari ito sa "Gimme 5: Laro ng mga Henyo" segment ng TV5 noontime show, kung dadagdagan daw niya ang premyo sa sinong makakahula nang tama sa sagot na hinahanap nila.
Giit ng dating senador, hindi totoong nalulugi ang TVJ Productions, Inc. at magsasara na ang kanilang programa.
Saad ni Tito, "May mga sinungaling na nagkakalat na nalulugi raw tayo, at magsasara na raw tayo. Sabi ng mga sinungaling."
Read: Eat Bulaga! returns to TVJ: "Isa lang ang puwedeng tawaging Eat Bulaga!."
Sabat naman ni Joey, "Tito, naiinggit lang ang mga yan dahil hindi sila kasali sa Top 5 longest-running show in the world."
Ang Eat Bulaga! ay 45 taon nang umeere sa telebisyon mula pa noong 1979.
View this post on Instagram
Dagdag pa ni Tito, para mapatunayang walang katotohanan ang naglalabasang tsismis ay maglalabas sila ng kopya ng filed income tax return nila sa BIR (Bureau of Internal Revenue).
Read: Tahanang Pinakamasaya, PHP800M ang utang sa GMA-7 na naipon mula sa OG Eat Bulaga!?
Sabi ng dating Senate President, "Para mapatunayan na tayo ay hindi nagsisinungaling at sila ang sinungaling, bukas bibigyan natin ang media ng kopya natin ng filed income tax.
"Kaya sa mga Dabarkads at sa mga ilang hindi Dabarkads, yun pong nagsasalita ng mga ganon, sinungaling yon, kaya huwag na kayong maniwala sa mga ganon."
JOEY DE LEON REACTS
Hindi rin nakatiis si Joey na magbigay ng saloobin sa mga patuloy umanong naninira sa kanilang programa.
Wala mang binanggit na pangalan o kampo, may pasaring siya sa mga aniya'y binabastos sila.
Aniya, “Heto muna ang hamon ko, umabot lang kayo ng 15 years, baka luluhod ako sa harap niyo. Fifteen lang ha, hindi 50 years...
“Bastusan na kasi ang labanan, e. Bastusan na, siraan, walang kuwenta. Enjoy lang tayo.
"Umabot muna kayo ng 45 years. Longest-running, Top 5 in the world."
Dagdag pa niya, "Mainggit kayo! Bakit kayo ganyan? Ang sasama ng ugali ninyo."
Read: Joey de Leon reacts to suggestion pushing TVJ as National Artists
Samantala, hindi naman nagbigay ng anumang pahayag ang co-host nilang si Vic Sotto.
Tahimik at patawa-tawa lang itong nakikinig sa mga pahayag nina Tito at Joey.
Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline
