Mabilis nag-viral ang video ng isang bata na matiyagang naghintay sa pila ng face-painting activity sa isang birthday party.
Naantig ang maraming netizens dahil sa pag-aalangan at inosenteng pagtatanong ng bata ng, "May bayad?"
Kitang-kita ring kumislap ang kanyang mga mata nung nalamang libre ang magpa-face painting ng Spider-Man.
Sa maiksing video, sinabi ng face painter na si Angelica Sioson ang sayang dulot ng trabaho niya: “to give kids a smile on their faces.”
Milyun-milyon ang views at reactions na natanggap ng video.
Umabot din ito kay Vice Ganda na nag-post sa X ng: “Awwww!!! Who knows this kid? I wanna meet him.”
Pero sa kabila ng positibong mensaheng nais iparating ng face painter, umani siya ng batikos mula sa ilang netizens.
Read: Convict argues he already served life sentence after dying briefly in hospital
THE STORY OF THE VIRAL VIDEO
Ipinost ni Angelica, 23, ang video nito lamang April 12, 2024, bagamat kuha ito noon pang Marso 2024.
Caption niya sa video: “I was scrolling thru my phone's gallery and found this video I filmed last March.
"I can still remember how this kid was able to watch me from afar waiting for the other kids in line.”
Via messaging, kinumpirma ni Angelica sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kuha ang video mula sa isang birthday party for kids.
Siya ang kinuhang face painter, at ang package ay pintahan ang mukha ng lahat ng bata sa event.

Read: Filipina pleads guilty to poisoning American husband by putting bleach in his coffee for months
Sa mga nagtatanong ng intensiyon ni Angelica sa pagpo-post ng video, aniya, “To touch people's hearts by showing how kindness can affect someone's life and to show that humanity still exists po.”
Binanggit ni Angelica na na-overwhelm siya sa positibong reaction ng netizens.
Pero umani siya ng ilang bashers.
RESPONSE TO BASHERS
Sa isang recent post, sinagot ni Angelica ang mga akusasyong ginamit niya ang bata for content.
Ang concern ng iba ay kung kinuha ba niya ang permismo ng mga magulang ng bata.
Paliwanag ni Angelica (published as is): “I don't want to explain that much kasi hindi naman ako mapag-patol sa ganito. (Ngayon lang kasi art ko na pinaguusapan hahaha)”
Para sagutin ang mga isyu, sabi niya, “Yes, I have a consent from this kid’s mom.”
Sinagot din niya ang mga paratang na ginawa ang video “para may mai-content lang.”
“First of all, I’m not profiting any amount with the videos I’m posting here from TikTok.
“Even the viral one, I don’t have any intention to make money out of it.
"I work so hard for my family by taking two different jobs. I’m a call-center agent and a face painter at the same time.
“I never used this to make money or be a clout chaser.”
Sa kabilang banda, sinabi rin ni Angelica sa comments section na maraming netizens ang nakipag-ugnayan sa kanya para maabutan ng tulong ang bata.
“Lahat ng help ay diretso po sa nanay ng bata. I don’t want to be involved in anything na related sa pera.”
Sabi pa ni Angelica, “I post my artwork here on TikTok, because why not?
“Lahat ng artworks ko ay naka-post for it serves as a memory that I created.”
Lubos naman ang pasasalamat ni Angelica sa mga naka-appreciate sa kanyang artwork.
