PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

SB19 open to collaboration anew with BINI

SB19 and BINI first collaborate in 2022 for "Kabataang Pinoy."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Apr 22, 2024
P-pop group SB19 and BINI receiving awards
P-pop boy group SB19 (top), composed of Ken, Josh, Pablo, Justin, and Stelll (from L-R), first collaborated with P-pop girl group BINI, composed of Maloi, Colet, Mikha, Jhoanna, Aiah, Sheena, Stacey, and Gwen, in 2022 for the new version of "Kabataang Pinoy," the theme song of Pinoy Big Brother.
PHOTO/S: SB19/BINI Instagram

Bukas na bukas ang P-pop superstars na SB19 sa posibilidad na muling maka-collaborate ang P-pop girl group na BINI.

Sa panayam ng ABS-CBN News sa SB19 na binubuo nina Pablo, Stell, Josh, Ken, at Justin nitong Linggo, April 21, 2024, naging bukas silang ibahagi ang kagustuhang muling makasama ang BINI.

Ani Ken sa tanong kung willing ba silang maka-collaborate muli ang tinaguriang Nation's Girl Group, "Yes, definitely hindi naman po imposible. We’re open for everything."

Naniniwala rin daw si Ken na maganda ang kalalabasan ng kantang mabubuo nila ng BINI kung saka-sakali dahil sa magkaiba nilang musicality.

Saad niya, "I think kapag pinagsama yung musicality ng dalawang grupo, there will be something bago sa pandinig at pananaw ng mga tao.

"Wala pong imposible sa lahat, kaya let’s make it happen."

Read: PH represent! SB19, HORI7ON, Ben&Ben among winners at Asia Artist Awards 2023

Trending ang BINI, hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa, dahil sa ini-release nilang single na "Pantropiko" noong November 2023; maging ang "Salamin" na parte ng kanilang first EP na Talaarawan na ini-release naman noong March 8, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang eight-member girl group ay binubuo nina Jhoanna, Maloi, Mikha, Aiah, Colet, Sheena, Stacey, at Gwen.

Read: BINI says finding their unique sound is their primary challenge in P-pop

Ang bagong milestone na tinatamasa ngayon ng BINI ay ikinatutuwa raw ng SB19.

Sabi ng SB19 leader na si Pablo, excited siya sa kahihinatnan ng mga P-pop group na unti-unti nang nakikilala internationally.

Saad niya, "Honestly, excited po ako sa future ng P-pop.

"Sabi nga nila, strength in numbers, so sana maging mainstream na siya at mas suportahan pa siya kasi nakikita na talaga yung attention.

"Nakukuha na talaga yung attention ng ibang bansa pagdating sa P-pop. Kaunting support pa [and] I think we could reach greater heights."

Read: Ted Failon receives backlash for comment about SB19 Justin's nose

Unang nag-collaborate ang SB19 at BINI noong March 2022 nang gawan nila ng bagong version ang 2017 song ng bandang Itchyworms na "Kabataang Pinoy."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang rendition na ito ay ginamit na official theme song ng Season 10 ng Kapamilya reality show na Pinoy Big Brother Teen Edition.

Read: SB19 Josh Cullen admits considering acting career: "Marami nang nag-o-offer sa akin..."

Samantala, sa ngayon ay abala ang SB19 sa paghahanda sa kanilang Pagtatag World Tour in Asia na magsisimula sa Dubai sa darating na April 24, Japan sa April 29, at sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City, sa May 18 at 19.

Read: Stell Ajero, may update sa nakanselang "Pagtatag" concert tour matapos nilang mabawi ang SB19

Habang ang BINI naman ay naghahanda na rin sa kanilang BINIverse concert sa June 28, 29, at 30 na gaganapin sa New Frontier sa Cubao, Quezon City.

Ito ang unang solo-concert ng BINI magmula nang mag-debut sila noong 2021 sa single na "Born to Win"

Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
P-pop boy group SB19 (top), composed of Ken, Josh, Pablo, Justin, and Stelll (from L-R), first collaborated with P-pop girl group BINI, composed of Maloi, Colet, Mikha, Jhoanna, Aiah, Sheena, Stacey, and Gwen, in 2022 for the new version of "Kabataang Pinoy," the theme song of Pinoy Big Brother.
PHOTO/S: SB19/BINI Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results