Labis daw nasaktan si Teejay Marquez sa huli niyang karelasyon kaya focus muna siya sa kanyang showbiz career.
Sabi niya, "Tinanong ako kung love or career? Career po muna kasi nasaktan ako sa love.
"So, ayoko muna magmahal. Pahinga muna."
Read: Teejay Marquez proud of his gay roles in films, BL series
Siyam na taon daw ang naging relasyon nila ng hindi niya pinangalanang girlfriend, pero iniwan daw siya nito.
"Iniwanan ako, iniwanan ako. Nagtapos kami.
"So, nasaktan ako," sabi niya.
Pangit ba ang naging hiwalayan nila?
Tugon ni Teejay, "Hindi naman pangit, pero kasi nine-year relationship.
"So matagal, so mahirap mag-move on.
"Pero nakapag-move on ako, pero ayoko lang ulit mag-love life."
Two years na raw itong nangyari kaya focus muna siya sa kanyang karera.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Teejay sa grand presscon ng pelikulang G! LU sa Kao Manila, Newport Word Resorts Manila, Pasay City, noong April 17, 2024.
NEW MOVIE, TELESERYE ENDING
Masaya naman si Teejay na marami siyang pinagkakaabalahan ngayon.
Kabilang na rito ang promo para sa summer movie na G! LU na ipalalabas na sa mga sinehan simula sa April 24.
Kasama ni Teejay sa pelikula sina David Licauco, Derrick Monasterio, Kiko Estrada, Enzo Pineda, Ruru Madrid, Katarina Rodriguez, at iba pa.
Read: David, Teejay, Derrick, and Enzo believe G! LU summer 2024 release is "perfect timing"
Malapit na rin matapos ang teleseryeng kinabibilangan niya sa GMA-7, ang Makiling. Nag-last taping day na sila noong April 16.
Sabi pa niya, "Yun nga, nakakalungkot, pero sobrang ganda nung mga mangyayari."
Paano sila namu-motivate sa kanilang pag-arte sa Makiling dahil lagi silang trending?
Tugon ni Teejay, "Siguro dahil umpisa palang magagaling na talaga.
"Tsaka gusto ko yung talagang ginagalingan nila yung best nila.
"So, pag nakikita mo ginagalingan yung isa, ay, siyempre kailangan galingan mo din."
