PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julia Barretto on reconciliation with Bea Alonzo

Julia: "I don't want other people would feel like it was some ingenuine moment."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Apr 27, 2024
Julia Barretto reconciles with Bea Alonzo
Julia Barretto (left) on reconciliation with Bea Alonzo (right): "It's a moment that, of course, bina-value ko. That's why as much as possible, siyempre ang daming nag-a-ask sa akin and I don't want to go into details so much because I don't want other people would feel like it was some ingenuine moment."
PHOTO/S: Julia Barretto/Bea Alonzo Instagram

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita si Julia Barretto tungkol sa muling pagkukrus ng landas nila ng nakaalitang si Bea Alonzo.

Ang pagkikita ng dalawa ay nangyari sa surprise tribute party ng star builder na si Johnny Manahan o Mr. M noong March 16, 2024.

Sa isang video na kumalat sa social media ay nakita ang interaction nina Julia at Bea na nagbeso at masayang nag-uusap.

Iyon ang unang pagkakataong nakita ang dalawa na may interaksiyon sa isang public event matapos ang kanilang kontrobersiyal na patutsadahan sa social media noong 2019.

Ikinatuwa ito ng kani-kanilang fans.

Read: Bea Alonzo and Julia Barretto share a moment at Johnny Manahan tribute party

JULIA BARRETTO-BEA ALONZO RECONCILIATION

Sa panayam ni Julia sa vlog sa YouTube ni Toni Gonzaga noong Biyernes, April 26, 2024, nausisa siya tungkol sa naging pagkikita nila ng Kapuso actress.

Ayon kay Julia, kapayapaan sa puso ang kanyang naramdaman nang mangyari ang pinakahihintay niyang pagbabati nila ni Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya: "The world is healing. For me, yes [the world is really healing when that happened].

"Siyempre, I'm gonna personally speak for myself because I never wanna speak for anybody else.

"It's a moment that, of course, bina-value ko.

"That's why as much as possible, siyempre ang daming nag-a-ask sa akin, and I don't want to go into details so much because I don't want other people would feel like it was some ingenuine moment.

"Siyempre it's a really real moment, di ba?"

Malaking tulong at epekto raw kay Julia ang pagkakasundo nila ni Bea makalipas ang maraming taon nilang hindi pagpapansinan.

Sabi ng Viva star, "Maybe to fully close it para, alam mo na, the people in the past, you were able to close that with them.

"Hoping that it also give them peace."

Read: Julia Barretto’s old post vs Bea Alonzo resurfaces after Gerald Anderson admits their relationship

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

2019 controversy and feud

Aminado si Julia na taong 2019 ang itinuturing niyang pinaka-challenging na taon para sa kanya.

Sa taon daw na ito sinubok ng pagkakataon kung gaano siya katatag na harapin ang kaliwa't kanang batikos na ipinupukol sa kanya ng publiko dahil sa pagkakadawit niya sa kontrobersiyal na hiwalayan nina Bea at Gerald Anderson.

Si Gerald ang kasalukuyang nobyo ni Julia.

Read: Julia Barretto takes breakup rumors with boyfriend Gerald Anderson as a "compliment"

Si Julia ang itinuturo noong third party sa hiwalayan nina Gerald at Bea.

Pagbabahagi ni Julia, 22 years old pa lang siya noong panahong iyon. Dala ng kabataan kaya maaaring naging mapusok daw siya sa pakikipagbangayan online.

Tanong sa kanya ng host na si Toni, "Paano mo hinandle yun at 22, yung ganung ingay?"

Sagot ni Julia: "Hindi ko rin alam.

"I don't know if I did that for myself or did it for the people around me. Like, the people who were really hurting for me.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kasi, di ba, kapag ikaw naman nasasaktan, parang [sinasabi mo] kaya naman.

"Pero parang yung sa paligid mo na yung, 'Please, why are you allowing this?'

"But I don't know, like... my family, my closest friends, sila yung umiiyak at ako yung parang, 'Bakit kayo umiiyak? Okay lang, ano ba?'

"So, maybe that was for them. You have two choices—like magmumukmok ba ako or magpapatuloy ako?

"Siguro yung phase na yon at 22, I was sure that, 'Wait, this is not the end of my world.' Hindi ako magmumukmok, we're gonna keep going."

Read: Gerald Anderson on settling down with girlfriend Julia Barretto: "Mas marami pang problema sa mundo ngayon."

HURTing and healing

Sa paglipas ng panahon, natutunan daw ni Julia na tanggapin na maaari ngang nakasakit at nakagulo siya ng ibang tao nang hindi niya sinasadya.

Maaaring ganito rin daw ang naramdaman at napagtanto ng ibang taong nakapanakit din sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: "You also have to be take accountability kung ano yung naging role mo sa chaos na yon.

"Ako kasi, personally, I am sure na may naging role ako in somebody else's pain and others people's pain.

"In the same way that they also have contributed to my pain.

"But I think, you know, na okay ka na when you've acknowledged, 'I have a role in this.'

"Baka may shortcomings rin talaga naman ako. Baka I really did something that hurt somebody.

"Siyempre it's sad when you think, like, 'Baka nakasakit rin ako ng ibang tao.'"

Read: Julia Barretto breaks silence on alleged breakup with Gerald Anderson: "We haven’t broken up."

Dagdag pa ni Julia, "It's sad but I took accountability. Hindi naman puwedeng everybody just hurt me. I'm sure there's some people that I hurt along the way."

Sundot na tanong ni Toni, "Ikaw, na-hurt ka?"

Sagot ni Julia, "Super. Sobra."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gerald reacts to Julia, Bea reconciliation

Bago pa magsalita si Julia ay nauna nang hiningan ng reaksiyon si Gerald sa naging pagkikita ng kanyang current girlfriend at ex-girlfriend.

Sa panayam na umere sa TV Patrol noong April 13, tinanong ng reporter na si MJ Felipe kung ano ang masasabi ni Gerald sa interaksiyong Julia at Bea.

"Ganun talaga. You know, time heals, e. Basta moving forward," maiksing sagot ni Gerald sa isyu.

Read: Gerald Anderson reacts to Julia Barretto, Bea Alonzo reconciliation

LOVE TRIANGLE: JULIA, GERALD, AND BEA

July 2019 nang pumutok ang balitang hiwalay na sina Gerald at Bea.

Si Julia noon ang itinurong dahilan ng pagkakalabuan ng relasyon ng dalawa.

Sa ulat ng Cabinet Files noong July 23, 2019, nakasaad ang impormasyon ng isang reliable source na umamin si Gerald kay Dennis Padilla, ama ni Julia, na nanliligaw ang binata sa anak.

Read: Gerald Anderson, umamin kay Dennis Padilla na break na sila ni Bea at nililigawan si Julia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkasama sina Julia at Gerald sa pelikulang Between Maybes.

Noong July 26, 2019 ay naglabas ng saloobin si Bea sa media at kinumpirmang wala na nga sila ng aktor.

"Honestly, to my understanding, we did not break up. He just started not talking to me," pahayag ni Bea.

Read: Bea Alonzo says no formal breakup with Gerald Anderson

Noong panahong iyon, itinanggi naman ni Julia na may namamagitan sa kanila ng aktor.

Sa isang Instagram post ay matapang na pinangalanan ni Julia si Bea at sinita ang aktres dahil siya umano ang pinatatamaan ni Bea sa social media posts nito.

Bukod kasi sa cryptic posts ni Bea ay napansin ng netizens na nagla-like si Bea sa posts o mga balita online na nagsasabing may affair sina Julia at Gerald.

"Bea, you wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your controversial post, but with a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me for you," pahayag ni Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"You can play the victim all you want, but I refuse to be your victim."

Read: Julia Barretto accuses Bea Alonzo of bullying

Dalawang taon matapos nito ay tuluyan nang kinumpirma ni Gerald sa interview ni Boy Abunda na girlfriend nga niya si Julia.

Read: Julia Barretto’s old post vs Bea Alonzo resurfaces after Gerald Anderson admits their relationship

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto (left) on reconciliation with Bea Alonzo (right): "It's a moment that, of course, bina-value ko. That's why as much as possible, siyempre ang daming nag-a-ask sa akin and I don't want to go into details so much because I don't want other people would feel like it was some ingenuine moment."
PHOTO/S: Julia Barretto/Bea Alonzo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results