Pinagbayaran ng apat na pulis ang kanilang mga inasal sa kinasangkutang eskandalo na akala mo ay eksena sa pelikula.
May drama na, may action pa.
Ito ang update tungkol sa dalawang pares ng mag-asawang pulis na naging laman ng balita dahil dalawa sa kanila ay nahuling magkalaguyo, dalawa naman ay niloko.
Read: Magkalaguyong pulis, nahuli sa akto ng mga asawa nilang pulis din
Ang mga nangaliwa ay sinampahan ng adultery at concubinage.
Ang kani-kanila namang mga asawa ay pinatawan ng kasong administratibo dahil sa pagpapaputok ng baril.
Silang apat ay tinanggal sa puwesto, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Mag-asawa ang lalaking police major at babaeng police executive master sergeant. Pareho silang 41 anyos.
Mag-asawa naman ang lalaking senior master sergeant, 40, at babaeng police master sergeant, 39.
Naging magkalaguyo ang 40 anyos na lalaking master sergeant at 41 anyos na babaeng police executive master sergeant.
Nagkakuntsaba ang kani-kanilang mga asawa para mabisto ang pangagaliwa ng dalawa, na caught in the act habang nagtatalik sa loob ng kotse.
Na-trace ang lokasyon ng kanilang mga nangangaliwang asawa via GPS.
Namataan sila sa parking lot ng isang mall sa Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna, noong April 25, 2024, ulat ng News5.
Read: Motorist nearly evades highway patrol by using human dummy
POLICE OFFICERS HAVING AN AFFAIR
Parang hinugot sa action movie ang mga sumunod na eksena.
Tinangka ng magkalaguyong pulis na tumakas sakay ng white SUV. Hinabol at tinangka silang harangin ng kanilang mga asawa.
Binaril at tinamaan ng 41 anyos na lalaking police major ang gulong ng SUV, pero dumire-diretso pa rin ito, ulat ng ABS-CBN News.
Muntik pang masagasaan ang 39 anyos na babaeng police master sergeant, pero inabutan niya ang kanyang mister sa sasakyan at binaril ito sa hita at balikat.
Pero ang nangaliwang 41 anyos na babaeng police executive master sergeant ay nakatakas papuntang Batangas.
Isinugod sa ospital ang nabaril na lalaking nagtaksil.
Ayon sa report, matagal nang may kutob ang 41 anyos na lalaking police major at 39 anyos na babaeng police master sergeant na niloloko sila ng kani-kanilang mga asawa.
Read: Care to wear pee-stained jeans? They're on sale for PHP34K
POLICE COUPLES FACED WITH ADMINISTRATIVE, CRIMINAL CASES
Sa ngayon, pinaghahanap pa ang tumakas na babaeng pulis na nangaliwa.
Sabi ni Police Colonel Jean Fajardo, PNP spokesperson: “Meron po silang kakaharapin na hindi lang po criminal case, pati na rin po administrative case.
“This case constitutes grave misconduct on their part that has an enforceable penalty and dismissal from their service.
“Lahat po sila ngayon ay inalis na po sa kanilang mga present unit at mag-a-undergo po ng mga pre-charged investigation.”
