PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Elijah Canlas posts sweet birthday message for Miles Ocampo

Elijah Canlas to Miles Ocampo: "Thank you for regularly making all of us smile."
by Arniel C. Serato
Published May 2, 2024
Elijah Canlas greets Miles Ocampo on her 27th birthday
Elijah Canlas pens short but sweet birthday message for Miles Ocampo on her 27th birthday on May 1, 2024.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Kinilig ang maraming netizens sa short but sweet birthday message ni Elijah Canlas para kay Miles Ocampo.

Mas lalo tuloy lumakas ang bulung-bulungang nagkabalikan na sila.

Ito ay sa kabila ng tila inirereto ng Dabarkads si Miles sa aktor na si Kiko Estrada.

Nitong nakaraang Miyerkules, ipinagdiwang ni Miles ang kanyang ika-27 kaarawan at binigyan siya ng birthday celebration sa TV5 noontime show na Eat Bulaga!.

Read: Miles Ocampo on life-threatening thyroid problem: "Meron pa akong last procedure na gagawin."

Sa kanyang Instagram Story idinaan ni Elijah ang pagbati sa malapit sa kanyang pusong si Miles.

Mensahe ng aktor, "thank you for regularly making all of us smile one way or another, birthday girl. you are always loved"

Elijah Canlas greetings to Miles Ocampo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ni-repost ni Miles sa kanyang Instagram Story ang birthday message sa kanya ni Elijah.

Miles Ocampo reposts IG Story of Elijah Canlas

BIRTHDAY MESSAGE FOR MILES LAST YEAR

Short but sweet din ang mensahe ni Elijah para sa kaarawan ng kasintahan pa noong si Miles last year.

Sa Instagram, inihayag ni Elijah kung gaano niya kamahal ang nobya, kalakip ang ilang sweet pictures nilang magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng award-winning actor, isang inspirasyon si Miles.

Masaya at lubos daw ang kanyang pasasalamat na dumating ito sa kanyang buhay.

Mababasa sa caption ni Elijah (published as is): "Witnessing your growth has been such an inspiration.

"I’m grateful i get to share this journey with you, camille.

"You’re a blessing to this world — and i’m blessed to call you mine.

"Happy birthday, my love!"

Read: Elijah Canlas pens sweet birthday message to girlfriend Miles Ocampo: "I'm blessed to call you mine."

Nagkaroon man ng problema ang relasyon nila noong magtatapos na ang taong 2023, mukha namang nagkakamabutihan na muli ang dalawa nitong unang bahagi ng 2024.

Ito ay base sa larawang in-upload ni A Very Good Girl director na si Petersen Vargas, kung saan kasama sina Miles at Elijah noong nakaraang March 24, 2024.

Sa nasabing larawan, makikitang nagpa-picture ang ilang kaibigan nina Miles at Elijah.

Kapansin-pansin ding nakayakap si Elijah mula sa likuran ni Miles.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ikinatuwa ng fans ng dalawa ang latest photo nilang magkasama na halatang sweet na sweet sa isa't isa.

Ilang araw lamang ito matapos kumpirmahin ni Miles na inaayos nila ni Elijah ang kanilang relasyon na tinuldukan nila noong nakaraang taon.

Read: Miles Ocampo, Elijah Canlas spotted cozy at an event: Are they back together?

Sa panayam naman kay Miles na lumabas sa Frontline Pilipinas noong March 18, 2024, nausisa siya tungkol sa naging bakasyon niya sa Hong Kong kamakailan.

Tanong ng entertainment reporter na si MJ Marfori, kung dito ba ay kasama niya si Elijah.

Sagot ni Miles, "Hindi po. Mga kapatid ko po and parents ko. Family time."

Sundot na tanong ni MJ, "Kayo na ba ulit [ni Elijah]?"

Maikli ngunit nakangiting sagot ng Eat Bulaga! host, "Let’s see. We’re working on it."

Read: Miles Ocampo hints at possible reconciliation with ex-boyfriend Elijah Canlas

Tumugma ang sinabi ni Miles sa naging sagot ni Elijah sa panayam ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe noong March 12.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito, natanong si Elijah ni MJ kung parte ba ng kanyang 2024 goal ang paghahanap ng bagong pag-ibig matapos ang breakup nila ni Miles.

Makahulugang sabi ni Elijah, "Looking for love? What if love pa?

"There's always love within us, right? There's always love within us... and I have so much love to give, you know.

"Honestly, I have so much love to give. So much love inside of me and I'm willing to give it to anyone who's willing to accept."

Lagpas dalawang taon ang itinagal ng relasyon nina Miles at Elijah. Naghiwalay sila noong kalagitnaan ng 2023.

Read: Elijah Canlas, Miles Ocampo admit relationship

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elijah Canlas pens short but sweet birthday message for Miles Ocampo on her 27th birthday on May 1, 2024.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results