Nagsalita na ang showbiz columnist at online host na si Cristy Fermin tungkol sa reklamong cyber libel na isinampa ng Kapuso actress na si Bea Alonzo laban sa kanya.
Kahapon, Huwebes, May 2, 2024, personal na nagtungo si Bea sa Office of the City Prosecutor sa Quezon City, kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Jose Manolo Garcia, para sampahan ng kasong cyber libel sina Cristy, Ogie Diaz, at isa pang indibidwal na sinasabing naninira sa aktres.
Dawit din ang kasamang commentators nina Cristy at Ogie sa magkahiwalay nilang online shows.
Read: Bea Alonzo sues Cristy Fermin, Ogie Diaz for cyber libel

Sa online program niyang Cristy Ferminute ngayong Biyernes, May 3, naglabas ng pahayag si Cristy sa panibagong reklamong kinahaharap niya.
Ayon kay Cristy, hindi siya agad nakapagsalita tungkol sa cyber libel complaint ni Bea dahil wala pa silang hawak na kopya ng dokumento.

Bungad niyang pahayag: "Alam po namin na mayroon kayong hinihintay na tugon ngayong araw na ito, dahil kahapon po ay nagsampa ng kasong libelo si Bea Alonzo laban sa inyong lingkod, kay Ogie Diaz, at sa iba pa po naming mga kasama.
"Wala pa po akong detalyadong maibibigay sa inyo dahil wala pa po kaming hawak na impormasyon.
"Hindi pa po namin alam kung anu-ano ang laman ng kanyang sinumpaang salaysay kung bakit siya nagdemanda ng kasong libelo."
Sabi pa ni Cristy, hindi niya mapipigilan si Bea sa pagsasampa ng reklamo, dahil karapatan at nagagawa naman ito ng sinuman.
Hindi na rin daw bago kay Cristy ang sampahan ng cyber libel dahil naniniwala siyang kakambal ito ng propesyong pinili niya.
Read: Cristy Fermin reveals Sarah Lahbati's mother sued her, co-hosts for cyberlibel
Saad ni Cristy: "Ito po ay karapatan ng kahit na sino, sinuman po ay maaaring magsampa ng anumang kaso sa sinuman, lalo na po sa aming trabaho bilang mga mamamahayag.
"Ang libelo po, libel, cyber libel, or cyber bullying na tinatawag nila ay katambal ng aming propesyon.
"Ito po ay parang dila at ngipin na magkasama, hindi po puwedeng paghiwalayin.
"Pero napakalayo pa po ng tatakbuhin nitong kaso na ito. Magpapalitan pa po kami ng aming mga sinumpaang salaysay para ang prosekusyon na po ang magdedesisyon kung sino ba ang nasa tama at sino naman ang nasa panig ng mali.
"Hindi po natin mapupuwersa, hindi po [tayo] ang maghuhusga kung sino sa panig namin ni Bea Alonzo ang nagkasala. Nasa husgado na po yan."
bea's camp: "NEGATIVE SENSATIONALISM FOR THE SAKE OF VIEWS"
Ang hindi raw mapapalampas ni Cristy ay ang alegasyon ng kampo ni Bea na ginamit nila ang Kapuso actress para sa views at para pagkakitaan.
Kaugnay ito ng pahayag ng abogado ni Bea na si Atty. Jose Manolo Garcia na ang "negative sensationalism" nina Cristy at Ogie laban sa aktres ay sinadya para tumabo ng views at kumita ang kani-kanilang online shows.
Read: Bea Alonzo's lawyer cries foul over "negative sensationalism" for the sake of "views"
Depensa ni Cristy, ibinabalita lamang nila ang alam nilang nararapat. Hindi na raw nila kasalanan pa kung hindi pabor dito si Bea.
Aniya: "Hindi lang po namin matatanggap ni Ogie Diaz, yung sa kanyang kampo [ni Bea] sa pagsasabi na ang amin daw pong vlogs ay ginagawa para lamang magkaroon ng mataas na views at pagkakitaan si Bea Alonzo.
"Ang programa po ni Ogie Diaz, ang kanyang vlog... maging ito pong Cristy Ferminute ay dinisenyo hindi lamang po para kay Bea Alonzo.
"Ito po [ay ginawa] para ibalita ang lahat ng kuwento, positibo man o hindi, tungkol sa personalidad na tinatawag po nating public figure.
"At bilang pampublikong pigura, kami naman po ay nagtatawid ng mga balita tungkol sa kanila.
"Hindi po namin maaaring puhunanin si Bea Alonzo lamang para kumita ang aming mga vlogs, mali po yon.
"Ang lahat ng kuwento ay inilalatag namin at depende na lang yan sa pagtanggap ng mga personalidad na aming tinatalakay."
CRISTY FERMIN CLAIMS SHE HAS BEEN PROTECTING BEA ALONZO
Pagbabalik-tanaw pa ni Cristy, matagal na panahon na niyang pinoprotektahan si Bea sa iba't ibang isyung kinakaharap nito sa tagal ng kanyang pananatili sa showbiz industry.
Ani Cristy: "Ito po ay isang kuwestiyon na gusto ko pong ibato sa hangin. Siguro po maging kayo na nakatunghay ngayon ay mahihirapang sagutin, lalo na po ako, saksi po kayo mga kapatid sa marami at mahabang panahon na ako po ang unang-unang armas—nasa harapan, wala sa likuran—sa pagtatanggol kay Bea Alonzo.
"Alam niyo po ang mga pinagdaanan niyang isyu. Ako po ang nagbigay ng proteksiyon sa kanya. Ako po ang nagtanggol, kinalaban ko po ang lahat para lamang mabigyan ko siya ng magandang pagtalakay at opinyon.
"Sa dinami-dami po ba ng mga magaganda nating nagagawa sa buhay na ito, na tayo ay namumuhunan ng ating pangalan, ng ating kredibilidad, ng ating opinyon, at maaaring sabihin na nakagaganda sa isang personalidad—yun pong lahat ng iyon kapag po ba siya [Bea] ay nakarinig ng isang bagay na hindi niya gusto at masama sa kanyang panlasa, lahat po ba ng ginawang maganda tungkol sa kanya ng taong nagtanggol sa kanya nang pinakamahabang panahon ay ibabasura na lamang?
"Sabi nga namin ni Ogie Diaz, makipagkilala muna tayo sa salitang 'maraming salamat po' bago tayo magreklamo.
"Napaiksi po ng salitang 'maraming salamat,' dadalawang salita yan pero may bigik pa sa lalamunan na ating bitiwan.
"Sana po bigyan natin ng pagpapahalaga yung mga taong tunay na nagmamalasakit at nagmamahal."
Read: Liza Soberano reacts to Bea Alonzo’s cyber libel complaints vs Ogie Diaz, Cristy Fermin
CRISTY FERMIN ON HER PROFESSION
Bago raw sana naghain ng reklamo si Bea ay dapat muna nitong inintindi ang propesyon ng mga kinasuhan niya.
Sabi pa ni Cristy, bilang isang public figure ay hindi dapat maging "balat-sibuyas" si Bea.
Dapat din daw nitong tanggapin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay positibo ang ibabalita tungkol sa kanya.
Aniya: "Dapat intindihin niyo ang aming propesyon dahil kami po ay tagapagtawid at tagapaglatag ng mga balita.
"Hindi maaari na ang gusto niyo lang ang aming sasabihin, kayo po ay public figures, kayo po ay nabubuhay sa loob ng aquarium.
"Sabi ko nga, gasgas na ang linya kong ito, kayo po ay mga isda sa loob ng aquarium. Ang publiko po ay nakatanaw sa inyo.
"Bawat galaw, bawat ikot niyo maraming nakatanaw, at wala kayong maaaring ligtasan.
"Kaya public figures kayo, huwag masyadong balat-sibuyas.
"Pero yung karapatan mo, Bea Alonzo, para magsampa ng kaso sa amin ni Ogie Diaz at sa iba pa naming mga kasama, ayan ay hindi namin hinaharangan."
Read: Xian Lim finally confirms relationship with Iris Lee
Sa huling bahagi ng pahayag ni Cristy, sinabi nitong hindi natatapos sa paghahain ng reklamo ni Bea ang paghahatid niya ng impormasyon sa publiko.
Hinding-hindi rin daw mabubusalan ni Bea ang kanyang bibig tungo sa malaya niyang pamamahayag.
Mensahe ni Cristy kay Bea: "Kung ito ang naging dahilan para busalan ninyo ang bibig at opinyon ng malaya naming pamamahayag ay nagkakamali kayo.
"Gumawa ka ng maganda, Bea Alonzo, patuloy kitang papalakpakan, patuloy kitang pupurihin. Pero kapag ikaw ay nagkamali at sablay ang iyong ginagawa sa mata ng publiko at sa aming panlasa, ikaw ay aming papaalalahanan at tatapikin.
"Sabi nga, kayo ang nagdemanda. Ikaw Bea ang nagsampa ng kasong libelo laban sa akin, kay Ogie Diaz, at sa aming mga kasama, ano ang ating sinasabi, we will see you in court!"
OGIE DIAZ ON cyber-libel complaint filed by Bea
Samantala, bago magsalita si Cristy ay naglabas na rin ng maikling pahayag si Ogie Diaz sa kanyang Instagram Stories, kahapon May 2.
Bahagi ng post ni Ogie (published as is): "Pasensya na sa lahat ng reporters na tumatawag para maging balanse lang ang kanilang report.
"Naiintindihan ko kayo kung nginangarag kayo ng news desk o ng editors nyo."
"Makakarating din naman sa amin yan para sagutin sa takdang panahon."
May binitiwang salita rin si Ogie na waring may kinalaman sa mga isyung ibinalita niya tungkol kay Bea sa kanyang online show.
Hindi direktang nagbanggit ng pangalan si Ogie, pero mas malamang na tinutukoy niya ang kanyang coverage ng hiwalayan ni Bea at ng former fiancé nitong si Dominic Roque.
Sabi ng veteran showbiz personality: "Pero eto ha? Ayoko nang magpakaplastik. Tulad ng lagi naming hinihirit sa Ogie Diaz Showbiz Update, sila pa rin ang gusto naming magkatuluyan sa ending."
Read: Ogie Diaz speaks up amid Bea Alonzo's cyber-libel complaint against him
OFFICIAL STATEMENT OF BEA ALONZO'S LEGAL COUNSEL
Narito naman ang opisyal na pahayag ng abogado ni Bea Alonzo na si Atty. Jose Manolo Garcia kaugnay ng cyber libel complaints na isinampa ng kanyang kliyente laban kina Cristy Fermin, Ogie Diaz, at iba pa:
"The three separate criminal cases for cyber libel filed today against the named respondents are clear and very strong messages from our client, Ms. Bea Alonzo.
"She has endured all the defamatory and malicious statements against her character by these individuals in the past months or even years in silence, with dignity and grace.
"But there is always a limit and now is the time for definitive legal action.
"It must be underscored that in more than two decades of Ms. Alonzo’s illustrious career, this is the first time that she has taken positive steps against those who spread false news against her with the intent to besmirch her good reputation in the entertainment industry.
"Also, as a law abiding citizen & a dutiful taxpayer, Ms. Alonzo is enforcing her right in filing these complaints against these individuals who strategically employed negative sensationalism to drive views and followers in their favor through their social media accounts, reaping financial benefits at our client’s expense.
"Their deliberate actions aimed at tarnishing our client’s reputation not only demonstrate calculated intent but also raise questions about the transparency of their financial activities, particularly regarding potential tax obligations on their social media earnings due to the government, particularly the Bureau of Internal Revenue.
"The allegations in her complaints are supported with proper evidence. Consistent with the legal process, we expect that the Office of the City Prosecutor of Quezon City will issue the respective subpoenas to the individuals concerned who will be given the opportunity to submit their counter-affidavits. We will await this and be ready to respond when the time comes."
