Nagpakita ng suporta si Liza Soberano sa pagsasampa ng reklamo ng kapwa aktres na si Bea Alonzo sa mga beteranong showbiz columnists at hosts na sina Ogie Diaz at Cristy Fermin.
Kahapon, Huwebes May 2, 2024, personal na nagtungo si Bea sa Office of the City Prosecutor sa Quezon City, kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Jose Manolo Garcia, para sampahan ng kasong cyber libel sina Ogie, Cristy, at isa pang indibidwal na sinasabing naninira sa aktres.
Read: Bea Alonzo sues Cristy Fermin, Ogie Diaz for cyber libel
Dawit din ang kasamang commentators nina Cristy at Ogie sa magkahiwalay nilang online shows.
Sa X (dating Twitter), makikitang ni-like at ni-repost ni Liza ang balitang inilathala ng isang entertainment website tungkol sa pagsasampa ng reklamo ni Bea.

Walang inilagay na kahit anong caption si Liza.
Pero ayon sa netizens, indikasyon ito ng pagsuporta ni Liza sa ginawang hakbang ni Bea laban sa mga umano'y naninira sa kanya.
NETIZENS REACT
Mabilis na napansin ng netizens ang pag-like at pag-repost ni Liza sa nasabing isyu.
Sa comments section ng artikulo ay may ilang tagahanga si Liza ang ikinagulat ito.
Read: The times Liza Soberano's quotes made headlines
May ilan ding hindi makapaniwala sa ibinigay na suporta ni Liza kay Bea, lalo na't si Ogie ay malapit kay Liza dahil dati niya itong talent manager noong nasa poder pa ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, ang aktres.
Read: Ogie Diaz speaks up amid Bea Alonzo's cyber-libel complaint against him
Saad ng isang netizen (published as is), "@ogiediaz bakit nirepost ni @lizaoberano [thinking face emojis]."

Tweet pa ng isa, "Liza Soberano liked and reposted an article about Bea Alonzo filing Cyber Libel cases against Ogie Diaz and Cristy Fermin. Mukhang suportado ni Liza si Bea laban sa dating manager na si Ogie Diaz! Mukhang may alam si Liza ah!"

Sabi pa ng isa, "Imagine the stress Liza Soberano endured when she was being thrown into the fire by someone she treats like family. That is much worse than stand-up comedians seeing mockery insults as profitable. I don't blame her for reposting this. Na-hurt din siya."

LIZA-OGIE'S RIFT
Matatandaang nagkaroon din ng hindi pagkakaunawaan at bangayan online sina Liza at Ogie noong March 2023.
May kaugnayan ito sa breakup nila ni Enrique Gil, hatian ng komisyon nilang dalawa noong sila pa ay magkatrabaho, hanggang sa pagkalas ni Liza sa pangangalaga ni Ogie at ng Star Magic noong June 2022.
Read: Liza Soberano: "Hindi po ako nagko-complain. I was just stating facts."
Sa Careless Music, isang record label at talent management company, lumipat si Liza.
Ang actor-singer na si James Reid ang isa sa mga may-ari nito, kasosyo ang Careless Music CEO na si Jeffrey Oh.
Read: Liza Soberano opens up about people getting “disappointed” with decision to change management
Aminado noon si Liza na sumama ang loob niya sa dating manager dahil binahiran daw nito ang kanyang pangalan sa pamamagitan ng mga gawa-gawang kuwento na itinampok niya sa kanyang YouTube vlog.
Read: Liza Soberano admits being hurt by Ogie Diaz "making up those lies about me"
Maging ang ama ni Liza na si John Soberano ay hindi na rin nakatiis noon na makisali sa problemang kinakaharap ng kanyang anak.
December 2, 2023, nang magpost ng sunud-sunod na patutsada si John sa Facebook laban kay Ogie at isa pang diumanong naninira kay Liza na si Cristy Fermin.
Read: Liza Soberano reacts to "ingrata" issue; Ogie Diaz to Liza: “Hindi ako galit sa yo.”
Sa post, galit na galit ang ama ni Liza kina Ogie at Cristy dahil sa pakikialam daw ng mga ito sa buhay ng iba, kabilang na sa personal na buhay ng kanyang anak.
Mababasa sa post ni John: "Cristy Fermin pot*ng*na mo at pot*ng*na niyong lahat na nakikialam sa may buhay nang [may] buhay...lalo na ikaw OG...mabait pa anak ko ganyan mag salita.
"bukas may live akong gagawin or sasabihin about you...You all woke up the BEAST..[angry face emojis]."
Read: Ogie Diaz fires back at Liza Soberano's father for cursing, belittling his past
Mabilis naman itong binuweltahan nina Ogie at Cristy nang maglabas sila ng magkahiwalay na statement sa kani-kanilang online shows.
Hinala tuloy ng netizens, maaaring ito ang mitsa ng ginawang pagsuporta ni Liza kay Bea sa pagsasampa nito ng reklamo laban kina Ogie at Cristy.
Read: Ogie Diaz denies "making up lies” about Liza Soberano: “Wala akong lies.”
